It's Sunday and I'm at church now. Before coming here, I briefly visited Blaire's grave and then headed straight here.
The mass has just ended and most people are leaving, but I remain seated, gazing forward and praying silently.
Panginoon, tulungan niyo po ako na makuha ang hustisya para kay Blaire. Gusto ko na pong makausad at sana po tulungan mo ako, ikaw na po ang bahala sa lahat, Amen.
Kahapon pinabukas ko ulit ang kaso ni Blaire pero dalawa lang kaming nakakaalam ni kuya Steve.
Steve Armstrong, pinsan ko siya sa side ni momma at siya rin ang tutulong sa akin. Isa kasi siyang police officer at siya na rin ang hahawak ngayon sa kaso ni Blaire, galing siya sa Canada kaya kauuwi niya lang 2 days ago.
Pagkatapos kong magdasal ay tumayo na ako at lumabas nang simbahan.
Nakapamulsa lang akong naglakakad pero agad din akong napahinto nang makita ko ang isang familiar na tao.
Dahan-dahan akong lumapit, isang dipa na lang ang layo ay namukhaan ko na.
Ramdam ko ang panlalaki nang mga mata ko ng makita ko si Professor Volland.
"Ma'am." Tawag ko sa kanya, agad din naman siyang lumingon.
Nakangiti akong kumakaway sa kanya habang papalapit, tinaasan niya lang naman ako ng kilay.
"Nagsimba ka po?" Bungad kong tanong sa kanya ng tuluyan akong makalapit.
"Isn't it obvious?" Masungit niyang tanong.
Napangiwi na lang ako sa sobrang sungit niya.
"Saan ka po naka-pwesto kanina?" Curious kong tanong.
"Why are you asking?"
"Sagutin mo na lang po." Inirapan niya muna ako bago siya sumagot.
"Tsk, at the back." Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Kaya pala hindi kita nakita, sa harap po kasi ako naka-pwesto."
"I didn't ask."
"Share ko lang." Nakangusong sabi ko.
Inirapan niya lang ako tsaka siya tumalikod at nagsimulang maglakad.
"Teka, wait lang po." Dali-dali akong humabol sa kanya.
"Uuwi ka na po agad?" I asked her.
"Yes." Walang emosyon niyang sagot.
"Huwag ka po muna umuwi, tambay muna tayo sa park kahit saglit." Aya ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot kaya nagsalita ako ulit.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.