Kunot noo kong minulat ang mga mata ko nang wala akong makapa sa tabi ko.
Napabalikwas ako nang bangon nang mapansin na wala si Avi.
Dali-dali kong binuksan ang lampshade at tiningnan ang oras sa relo ko.
4:30 na ng madaling araw, mabilis akong umalis sa kama ko.
Wala akong pakealam kahit hubo't hubad ako, agad kong tiningnan ang suot ko kanina.
Nandoon na ito sa sofa at maayos na nakatiklop pero 'yong kay Avi wala.
Nanghihina akong umupo sa gilid ng kama ko nang mapagtanto ko na umalis na naman siya ng walang paalam.
What if iwasan niya na naman ako?
What if sasabihin niya na naman na kalimutan na lang namin ang nangyari?
What if sasabihin niya na mali ang ginawa namin?
What if... Fuck.
Huminga ako nang malalim at winaksi sa isipan ko ang mga what if's na pumapasok sa isip ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at humiga ulit.
Matutulog na lang ako ulit kaysa naman mag-overthink ako.
______________________________________
Katatapos ko lang maligo at nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas nang buhok ko ng tumunog ang phone ko.
Kinuha ko agad ang phone ko na tumutunog sa bedside table ko.
Si kuya Steve pala ang tumatawag.
"Kuya?"
"Belated happy birthday, pasensya ka na at hindi ako nakapunta kagabi, busy kasi." Bati niya sa akin na may halong saya at lungkot ang boses.
Kaya siguro siya malungkot kasi hindi nga siya nakapunta sa birthday ko.
"Thank you kuya, okay lang 'yon naiintindihan ko naman." Masayang sabi ko para hindi na siya malungkot.
"Babawi na lang ako, 'yong regalo ko pala sa'yo na kay Celeste." Alam kong nakangiti na siya ngayon.
"Nag-abala ka pa kuya, ayos lang naman ako." Natawa siya sa kabilang linya kaya napangiti ako.
"My gift to you is a brand new car, your favorite Ferrari F80." Masaya niyang sabi.
"What the?!! Totoo ba kuya?" Excited na tanong ko.
"Oo naman, nandoon na 'yon sa parking lot nang mansion niyo tingnan mo na lang."
"Tatawagan kita ulit kuya, titingnan ko lang."
"Sure." Binaba ko na agad ang tawag tsaka ako dali-daling lumabas nang kwarto ko.
Pagbaba ko sa hagdan ay saktong paakyat naman si ate at inabot sa akin ang susi ng kotse.
"Thanks ate." Nakangiting pasasalamat ko at humalik sa pisngi niya bago ako tumakbo palabas.
Paglabas ko ng pinto sa mansion namin ay dumiretso ako agad sa parking lot.
Natulala ako sa sobrang ganda ng Ferrari F80 na sinasabi ni kuya.
Damn, sobrang ganda nang kotse at ang kintab.
Mabilis kong tinawagan si kuya at wala pang isang minuto ay sinagot na niya.
"Thank you kuya, I love you so much." Masaya kong sabi sa kanya.
"You're welcome, I love you and see you soon." Natatawang sabi niya rin.
Nag-usap pa kami ni kuya ng ilang minuto bago ko ibinaba ang tawag.
Tiningnan ko ang suot ko, nakapants lang ako at t-shirt na naka-tuck in.
Bumaba ang tingin ko sa baba, buti na lang naka-sapatos ako kaya pwede kong subukan ang bago kong kotse.
Mabilis akong sumakay sa loob, namangha pa ako sa sobrang ganda nito.
Pagkatapos ng isang minutong paghanga sa loob ng kotse ko ay mabilis ko na rin itong pinaharurot habang tinatawagan si Avi.
Kumunot ang noo ko nang pinatayan niya ako ng tawag.
Sinubukan ko ulit siyang tawagan habang nagmamaneho pero umabot na nga ako ng limang tawag sa kanya pero lahat 'yon ay pinapatay niya lang.
"Baka busy lang siya 'di ba? Baka nga." Tumatangong pagkausap ko sa sarili ko.
Huminto ako sa gilid nang mall ng may makita akong familiar na tao na lumabas sa loob.
Ramdam ko ang pagkirot nang puso ko ng makita ko siya na kasama ang fiance niya habang nakahawak ito sa waist niya at pareho silang nakangiti.
Tangina, kaya pala hindi sumasagot sa tawag ko kasi kasama pala niya ang asungot.
Pagkatapos may mangyari sa amin iniwan niya lang ako sa kwarto ko tapos ngayon makikita ko lang siya na kasama ang Kenneth na 'yon.
Putangina talaga.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.