Chapter 27

1.7K 33 0
                                        

"Hoy, tulala ka na naman." Kalabit sa akin ni Blue.









"Simula nang matapos ang birthday ni Venine ganyan ka na." Nakangiwing sabi ni Green.









"Sa madaling salita, tatlong araw ka nang ganyan." Sabi naman ni Blue habang kumakain nang cupcake.









Nandito kasi kami sa cafeteria at lunch time ngayon pero katatapos lang namin kumain, wala si Zera dahil busy siya sa gagawing event next month. Samantalang, si Ame naman ay may ginagawang project kasama ang mga kaklase niya.









"Ano bang nangyari? Pwede ka naman magsabi sa amin." Napalingon ako kay Green nang magsalita siya.









"Oo nga." Sang-ayon naman ni Blue.









Huminga muna ako nang malalim bago ko binuka ang aking bibig para magsalita.










"Tama nga kayo sa sinabi niyo."










"Anong tama sa sinabi?" Nagtataka nilang tanong pareho.










"Tama kayo sa sinabi niyo na mahal ko na si Avi, na realize ko lang noong birthday ni Venine after ko kumanta." Nanghihina kong kwento.










"Woah, mabuti naman at na realize mo na." Natutuwang sabi ni Blue.










"Oo nga, pero bakit parang nanghihina ka? Dapat nga masaya ka." Nakangiwing tanong ni Green.










"Masaya ako pero natatakot ako na baka masaktan lang ako sa huli lalo na't may fiance na siya." Malungkot kong sabi.










"Tanga, natural lang ang masaktan." Naiinis kong hinimas ang batok ko na binatukan ni Blue.










"Natural lang 'yon, tingnan mo si Blue broken ngayon dahil kay Professor Fuentes." Tumatawang sabi ni Berde.










"Gago, ako na naman." Naiinis na sabi naman ni Asul.










Napailing-iling na lang ako sa kanila tsaka ako tumingin sa entrance nang cafeteria.










"Sino 'yong kasama ni Professor Fuentes?" Tanong ko sa dalawa habang nakatingin pa rin sa professor namin na papasok kasama ang isang matangkad at gwapo na lalaki.










"Tsk, 'yang panget na 'yan ang boyfriend niya." Naiinis na sabi ni Blue habang masama ang tingin sa dalawa na parehong umupo hindi kalayuan sa table namin.










"Gago, akala ko ba P.A ka lang niya? Pero bakit iba na ata ngayon ang role mo?" Nagtataka kong nilingon si Green.










"P.A siya ni ma'am?" Curious kong tanong.










"Hindi mo nga pala alam, kinuha siyang P.A ni ma'am dahil hindi tinanggap ang sorry niya noong nangyari 'yong sampal moment ni ma'am sa kaibigan natin na ubod nang bait." Naiiling na kwento ni Green.










"Gusto mo ba si ma'am?" Tanong ko kay Blue.










Tumingin siya sa akin nang seryoso bago bumuntong hininga.










Tears Of PainWhere stories live. Discover now