"Ito na po ang ice cream mo." Medyo hinihingal na sabi ko habang inaabot ang ice cream kay Professor Volland.
Agad niya naman itong tinanggap, umupo naman ako sa tabi niya habang pinapakalma ang sarili.
"Did you run?" Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya.
"Opo, matutunaw na po kasi ang ice cream." Hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain nang ice cream habang nanonood sa mga batang tumatakbo at naglalaro sa park.
"Ah, saan na po pala 'yong aso mo po? Hindi ko na po kasi nakikita."
"At my parent's house." Maikling sagot niya.
"Sasa po ang pangalan 'di ba?"
"Yes."
"Alam mo po ba na ang panget ng first encounter namin ng aso mo?" Natatawang tanong ko.
"I know, because I was there while you were talking to my dog."
Natatawa akong tumango dahil naalala ko na naman kung paano ko kinausap ang aso niya, mukha pa akong baliw dahil kinakausap ko ang isang aso.
Huminto ako sa pagtawa tsaka ko siya nilingon.
Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi habang nakatitig ako sa maganda niyang mukha.
"Stop staring at me." Kunot noong saway niya.
"Hindi ko po mapigilan dahil masyado kang maganda." Titig na titig ako sa magandang mukha niya habang sinasabi 'yon, grabe hindi siya nakakasawang titigan dahil habang mas tumatagal mas lalo pa siyang gumaganda.
"I said, stop staring-" Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang magtama ang tingin naming dalawa.
"I love your eyes, they're beautifully captivating despite being emotionless and cold. And you're incredibly beautiful, even Aphrodite might be envious of your stunning beauty." Puno nang paghanga na sabi ko.
Napangiti ako nang mamula ang magkabila niyang pisngi.
"You're blushing." Mapang-asar na sabi ko.
"N-no, I'm not." Defensive niyang sabi kaya natawa na talaga ako.
"Okay, sabi mo eh." Natatawang sabi ko rin.
"Stop laughing." Naiinis na niyang sabi.
Imbes na matakot sa kanya ay mas lalo pa akong tumawa.
"Tsk, I hate you." Hinampas niya ako sa balikat at inirapan.
Napailing-iling ako sa sobrang cute niya.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.