Chapter 10

2.1K 55 1
                                        

Hinihingal akong umupo sa harap nina Blue at Green.








Dali-dali kong kinuha at ininom ang tubig sa lamesa.








"F-fuck, n-nakakapagod." Utal-utal at nanghihinang sabi ko habang sumasandal sa upuan.








"Tumakbo ka?" Nagtatakang tanong ni Green.








Tumango naman ako habang naghahabol pa nang hininga.








"Bakit ka kasi tumakbo?" Walang ganang tanong ni Blue.








Inalis ko ang tingin ko kay Green tsaka ko nilingon si Blue.








"Anong nangyari sa mukha niyan? Bakit may bakat nang kamay?" Nagtatakang tanong ko kay Green.








Sinulyapan ko lang siya tsaka ko ibinalik ulit ang tingin kay Blue.








Tulala lang siya habang nakatitig sa mga pagkain na nakahain.








"Aba malay ko riyan, kanina ko pa nga 'yan tinatanong pero hindi naman sumasagot." Naiinis niyang sagot.








"Blue, anong nangyari? Sabihin mo sa amin ni Green." Nag-angat siya nang tingin at walang gana niya kaming tiningnan.








Unti-unting may namuong luha sa mga mata niya.








Pareho kaming nataranta ni Green.








"Hoy gago, umayos ka." Natataranta niyang sabi.








Inabot ko naman kay Blue ang tubig tsaka ko siya sinenyasan na uminom, sumunod naman agad siya.








"Tangina talaga." Naiinis niyang sabi habang ginugulo ang buhok niyang hanggang balikat.








Pareho lang naman kaming tatlo na hanggang balikat ang buhok.








Pareho rin kaming tatlo na matatangkad.








Nabalik ako sa realidad nang biglang nagsalita si Green.








"Ano bang nangyari?" Curious na tanong niya.








"'Yung bago kasi naming professor." Nakanguso niyang sabi.








"Ano?" Sabay na sagot naman namin ni Green.








"Tangina, sinampal ako dahil sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Kasalanan ko ba na may letseng bato doon kaya na out of balance ako, tapos saktong sa dibdib niya pa tumama ang mukha ko." Naiinis niyang sagot habang hawak-hawak ang pisngi niyang sinampal.








Nagkatinginan kami ni Green tsaka kami sabay na natawa.








"Gago, huwag kayong tumawa." Nakasimangot na sabi niya.








"T-tangina, hindi ka na nag-iisa Jam, dalawa na kayong nakatikim nang sampal HAHAHAHAHA." Tumatawang sabi niya.








Sinamaan ko naman siya nang tingin at inirapan.








"Kapag ikaw nakatikim din nang sampal tatawanan ka rin namin." Naiinis kong sabi.








"Never." Mapang-asar niya namang sabi.








Binato ko na lang siya ng tissue bago ko nilingon si Blue.







"Sinong professor?" Taas kilay na tanong ko.








"Oo nga." Tumatangong sang-ayon ni Green.








"Si Professor Fuentes." Umiirap na sagot niya.








"Fuck, ang malas mo naman." Naiiling na sabi ko.








"Gago, professor din namin 'yon sa isang subject pati 'yong ate mo Jam." Green said.








"Alam ko, sinabi sa akin ni ate." I said.








"Tangina, speaking of." Napatingin kami ni Blue kay Green nang magsalita siya.








Sinundan namin ang tinitingnan niya, doon nga namin nakita ang tatlong professor na sabay-sabay pumasok sa cafeteria kasama 'yong lalaki na nagtanong sa akin kanina.








Kumaway ako kay Professor Volland nang tumingin siya sa pwesto namin.








Nakangiti ko siyang kinakawayan, pero siya? Tinaasan lang ako nang kilay at inirapan.








Nakasimangot kong binaba ang kamay ko at humarap sa dalawa kong kaibigan.








"Close kayo?" Nagtatakang tanong ni Blue.








"Oo." Nakangiti kong sagot.








"Kung close kayo bakit ka tinaasan nang kilay at inirapan?" Nang-aasar na tanong din ni Green.








"Alam mo mas maganda kung manahimik ka na lang." Naiirita kong sabi sa kanya.








Tumawa lang siya sa sinabi ko kaya inirapan ko siya.








"Tama na 'yan, kumain na tayo." Aya ni Blue.








Nauna na silang dalawa na kumain habang ako naman ay tumayo.








"Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Green.








"Order lang ako nang dessert." Tumango naman silang dalawa sa sinabi ko kaya umalis na ako.








Tahimik lang akong nakatayo habang nakapila nang biglang may bumangga sa likod ko.








Napalingon ako sa likod ko at bumungad sa akin ang isang magandang babae.








"S-sorry." Nahihiya niyang paumanhin.








Nginitian ko lang siya at tinanguan.

Tears Of PainStories to obsess over. Discover now