Chapter 39

1.8K 57 30
                                        

"Gago, gumising ka." Naiinis na sabi ko kay Zera habang sinusundot ang pisngi niya.








Nandito pa rin kami sa parking lot, nakaupo kami pareho sa bench nang parking lot habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.








"Ayaw mo pa rin gumising ha? Sige, ewan ko na lang kung hindi ka pa magising sa gagawin ko sa'yo." Nakangising pagkausap ko sa kanya.








Huminga muna ako nang malalim bago ko siya malakas na sinampal.








Agad naman siyang napatayo sa sobrang gulat.








"Tangina, sinampal mo ako?" Kunot noo niyang tanong habang hawak-hawak ang pisngi niyang sinampal ko.








"Oo, tagal mo magising eh." Balewalang sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanya.








"Fuck you." Gigil na sabi niya.








Tinawanan ko lang siya habang siya ay sinasamaan na ako nang tingin.








"Umupo ka nga." Natatawang sabi ko sa kanya.








Inirapan niya muna ako bago ulit umupo sa tabi ko.








Pareho lang kaming tahimik habang siya ay tulala at hinahaplos ang pisngi niyang namumula.








"Seryoso ba?" Mahina niyang tanong.








Nilingon ko siya at tinaasan nang kilay.








"Ang alin?" Lumingon siya sa akin habang hawak pa rin ang pisngi niya.








"Na in love ka kay Professor Volland? Totoo ba?" Curious niyang tanong.








"Ah, oo." Tumatangong sagot ko.








"Ikakasal na siya sa pinsan ko." Mahina niyang sabi.








"Alam ko." Nakangiting sabi ko rin sa kanya at tumingin sa unahan namin.








"Jam."








"Pinigilan ko naman eh, pero wala rin. Nagising na lang ako isang araw mahal ko na siya, alam kong mali pero masisisi mo ba ako? Tao lang din naman ako nagkakamali at nagmamahal, kung galit ka sa akin dahil may nararamdaman ako sa fiance ng pinsan mo, sorry pero mahal ko talaga siya." Malungkot kong sabi habang nakatingala sa kalangitan.








"Hindi ako galit, nag-aalala lang ako sa'yo. Ayaw kitang masaktan dahil kaibigan kita at mahalaga ka sa akin, ayaw kong dumating ka sa punto na dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya eh wala nang natira para sa sarili mo." Nag-aalala niyang sabi.








"Handa akong masaktan kung siya ang dahilan."








Napalingon ako sa kanya nang marinig kong huminga siya nang malalim.








Nagtataka ko siyang tiningnan pero tinaasan niya lang ako nang kilay bago ako inirapan.








"Bakit?" Kunot noo kong tanong.








"Tanga mo pala pagdating sa pag-ibig." Malakas akong natawa dahil sa sinabi niya.








"Gano'n talaga." Natatawa at naiiling kong sabi.








Tears Of PainWhere stories live. Discover now