Hell POV
Many people say it's difficult being the child of a multi-billionaire because your every move is controlled. But for me, that's not entirely true.
Even though I'm the second child of the country's number one multi-billionaire couple, the Montenegro Armstrongs, they give me the freedom to do what I want.
Nobody knows I'm their second child, except when I reveal my full name - that's when everyone would surely recognize me.
I'm hanging out at the bar with my friends Blue and Green. Like me, they come from affluent families - Blue Muller and Green Montero are also offspring of multi-billionaires.
"Shit, may pasok na pala bukas." Green said.
"Ngayon mo lang nalaman?" Nagtatakang tanong naman ni Blue.
"Gago, nag-aya kayong uminom tapos may pasok na pala bukas." Nakasimangot na sagot ni Green.
Nagkatinginan kami ni Blue tsaka kami sabay na natawa.
"Huwag nga kayong tumawa." Naiinis niyang sabi.
"HAHAHAHAHAHAHAHA." Malakas na tawa ni Blue.
Napangiwi na lang ako sa lakas nang tawa niya, buti na lang malakas ang tugtog dito sa bar kaya walang nakarinig sa panget niyang tawa.
Nilingon ko si Green na nakasimangot pa rin hanggang ngayon.
"Huwag ka ng sumimangot hindi naman bagay sa'yo." Nakangiwing sabi ko.
Inis niya naman akong nilingon at sinamaan nang tingin.
"Gago ka talaga Jam, HAHAHAHAHA." Mas lumakas pa nga ang tawa ni Blue dahil sa sinabi ko.
"Fuck you." Inis niyang sabi.
"I don't want to fuck you." Nandidiring sabi ko.
Nandidiri niya rin akong binato nang tissue.
"Kadiri ka naman Jam." Halos hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang inis.
Mas lalo pa lumakas ang tawa ni Blue pero agad din siyang napahinto ng pareho na namin siyang binatukan ni Green.
"A-aray gago, bakit niyo ako binatukan?" Inis niya kaming tiningnan habang hinihimas niya ang batok niya na binatukan namin ni Green.
"Eh, ang panget mo tumawa." Walang gana na sabi ni Green habang umiinom nang whiskey.
"Para ka pang baliw kung tumawa." Nakangiwi ko namang sabi habang nanonood sa mga taong sumasayaw sa dance floor.
"Tangina talaga nitong dalawa." Nagrereklamo niyang sabi.
Hinayaan na lang namin siya at hindi na lang pinansin.
Nagpatuloy lang kaming tatlo sa pag-inom hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras.
Halos matumba ako sa pagtayo ko dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko.
"HAHAHAHAHA, kaya pa?" Natatawang tanong ni Asul.
"Oo naman, mukha bang hindi?" Nakangiti ko rin na tanong sa kanya.
"Hmm, oo mukhang hindi mo na kasi kaya." Tawa lang siya nang tawa kaya inirapan ko na.
Aalis na sana ako ng magsalita si Green.
"Oh, saan ka pupunta?" Kunot noo niyang tanong.
Nilingon ko naman siya at nginitian.
"Cr lang ako." I said.
"Okay, bumalik ka agad." Tumango lang ako sa sinabi niya tsaka ako tuluyang umalis.
Umiikot na ang paningin ko habang naglalakad pero pinilit ko pa rin na mahanap ang cr.
Kunot noo kong tiningnan ang pinto na nasa harap ko.
Tinitigan ko lang ang pinto dahil sinisigurado ko kung ito na ba ang cr at gano'n na lang ang pagliwanag nang mukha ko ng makompirma ko na ito na nga.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng may nauna na ritong bumukas, nanlaki ang mata ko ng makita ko na matutumba na ang babae kaya dali-dali ko siyang hinawakan sa waist niya.
Dahil sa sobrang hilo ko ay natumba kami pareho habang nasa ibabaw ko siya.
Napakurap-kurap ako nang may maramdaman ako na malambot na nakadampi sa labi ko, at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko na parehong nakadampi ang labi namin ng babaeng nasa ibabaw ko.
Kitang-kita ko rin kung paano manlaki ang mga mata niya dahil sa gulat.
Dali-dali siyang umalis sa ibabaw ko at tumayo, pagkatayo niya ay agad na rin akong tumayo.
Tiningnan ko ang babae na nasa harap ko at halos manghina ako dahil para siyang isang magandang anghel na nasa harap ko.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya kaya gano'n na lang ang gulat ko ng may malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.
Sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya ay tumabingi ang ulo ko, at parang isang himala na nawala ang pagkakahilo ko.
"T-the fuck? Bakit mo ako sinampal?" Gulat na tanong ko tsaka ko siya nilingon habang hawak-hawak ang pisngi ko na sinampal niya.
"Obviously, you're not listening to me." Taas kilay na sabi niya habang sobrang sama nang tingin sa akin.
"W-what? I m-mean, what did you say earlier?" Natatakot na tanong ko dahil sa masama niyang tingin.
"You're a fucking pervert, asshole." Malamig niyang sabi tsaka niya ako inirapan.
Mabilis siyang tumalikod bago tuluyang umalis sa harapan ko.
"M-me? Pervert? What the fuck?" Hindi ko siya makapaniwalang sinundan nang tingin.
Napailing-iling na lang ako dahil sa sobrang sakit ng sampal niya sa akin.
Napakagat ako nang labi habang pinagmamasdan ko ang likod niya na papalayo hanggang sa tuluyan na nga itong nawala sa paningin ko.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.