Nakatayo kaming tatlo nila Blue at Green sa labas nang Mausoleum ni Blaire habang nakatingin sa mga tao.
"Gago, ang dami namang tao ngayon." Nakangiwing sabi ni Blue habang pinagmamasdan ang mga tao.
"Tanga, undas ngayon kaya natural lang talaga 'yan." Inis na sabi naman ni Green pagkatapos batukan si Blue.
"Tangina, bakit kailangan mo ako batukan?" Inis din na tanong ni Blue habang hinihimas ang batok niya.
"Tanga mo ba naman." Inirapan siya ni Green bago tumalikod at pumasok sa loob nang Mausoleum.
"Tangina ka talaga." Namumulang sabi ni Blue bago sumunod kay Green.
Natatawa na lang akong napailing at muling pinagmasdan ang mga tao sa labas nang Mausoleum ni Blaire.
Nandito kami ngayon sa sementeryo dahil undas, kasama ko sina Blue, Green, Ame at pamilya naming apat.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang pants ko ng mag-vibrate ito.
Napangiti ako nang makita ko ang chat ni Avi.
1 new message from Baby.
Pinalitan ko na ang nickname niya nakaraan dahil isa na rin siya sa baby ko bukod sa kapatid kong si Venine, pinindot ko ang chat niya at binasa ito.
Baby.
Baby: I miss you, babe.
Me: Ang bilis mo naman ako na miss, I miss you too, baby
Para akong tanga na nakangiti habang naghihintay lang sa reply niya.
Agad din nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang reply at pag-unsent niya sa chat niya.
Baby.
Baby unsent a message.
Me: Ang bilis mo naman ako na miss, I miss you too baby.
Baby: Sorry, wrong send.
Bumagsak ang dalawang balikat ko nang mabasa ang chat niya.
Tangina naman, akala ko ako ang miss 'yon pala hindi.
Hindi naman masakit, promise hindi talaga. Bakit ako masasaktan? Sus, para 'yon lang.
Napakurap-kurap ako ng biglang may tumulo galing sa mata ko.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
