"'Yan na lahat ng mga assignment, bwesit ka kasi bigla ka na lang umalis kahapon tapos hindi ka man lang lumingon dahil iniwan mo na ako sa hallway kahit tinatawag kita." Inis na reklamo ni Zera habang naka-upo sa harap ko at kumakain ng chips.
Hindi na lang ako sumagot o umimik dahil busy ako sa pag-sagot ng mga assignment.
Nandito kami ngayon sa library sa pinaka-dulo kami nag-pwesto para walang istorbo at para hindi kami agad mapansin.
Pagkatapos kasi naming kumain kanina sa cafeteria ay dumiretso na kami agad dito ni Zera.
Nauna nga umalis kanina sina Blue, Green at Ame sa amin dahil pare-pareho raw silang may gagawin.
Balak nga sana namin ni Zera tumambay sa mall habang naghihintay ng oras pero may assignment pala kaya rito na kami tumambay para gawin ang mga assignment.
Mula kahapon at ngayon ay iniiwasan ko pa rin si Avi, katulad ng nangyari kanina sa room.
Kahit sinabi niya na magpa-iwan daw ako, hindi ako sumunod sa kaniya dahil hinila ko na agad si Zera kanina palabas ng room namin.
Hindi rin ako sumasagot sa mga texts, chats at calls niya, gusto ko lang talaga mag-pahinga kahit isang araw o dalawang araw lang.
"Alam mo, pwede ka naman mag-kwento sa akin." Napahinto ako sa pagsusulat dahil sa sinabi ni Zera.
"Ano namang k-kwento ko sa'yo?" Natatawang tanong ko bago nag-patuloy ulit sa pagsusulat.
"Alam kong nahihirapan at nasasaktan ka na, umiyak ka nga rin kahapon 'di ba? Hindi lang ako nag-tanong dahil ayaw kong mas lalo kang umiyak kaya nga dinadaanan ko na lang sa kunwaring pag-reklamo." Tuluyan na akong napahinto sa pagsusulat ng marinig ko ang sinabi niya.
"Ano bang gusto mong malaman?" Mahina at malumanay kong tanong.
"Bakit hindi ka pa bumibitaw at sumusuko?" Nag-angat ako ng tingin dahil sa tanong niya.
"Dahil mahal ko siya, sabi ko naman sa'yo 'di ba na handa akong masaktan basta siya ang dahilan. Hindi ko kayang bitawan at sukuan lang siya, ngayon pa ba nanliligaw na ako sa kaniya at alam ko ng may nararamdaman na rin siya sa akin sadyang hindi niya lang maamin dahil may fiance na siya." Mahinahon kong sagot.
"Tanga mo talaga, matalino ka naman pero pagdating sa pag-ibig lalo na sa kaniya nagiging tanga ka na." Umiiling-iling niyang sabi.
"Tama ka, noon naiibahan ako sa mga taong nagiging tanga sa pag-ibig, pero ngayong nararanasan ko na? Naiintindihan ko na sila, iba pala talaga ang nagagawa ng pag-ibig dahil kaya ka nitong bagohin." Mahina akong natawa dahil sa sinabi ko.
"Tangina, sobrang tanga talaga. Kaibigan kita pero sobrang tanga mo." Naiinis niyang sabi.
"Oh, Kalma lang." Nakangiwing sabi ko.
"Bwesit ka, paano ako kakalma? Eh sobrang tanga mong letse ka." Seryoso at bwesit na bwesit niyang sabi.
Natahimik ako dahil seryoso na talaga siya.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong fell in love with Avianna Volland? Let's see what will happen.