Chapter 43

1.7K 49 52
                                        

Seryoso akong naglalakad sa hallway nang University habang nakapamulsa sa pants ko.








Papunta ako ngayon sa cafeteria dahil lunch time na, wala na rin mga studyante rito dahil nandoon na lahat sa cafeteria.








Nakayuko lang ako habang patuloy sa paglalakad.








Napahinto lang ako sa paglalakad nang may humarang sa dadaanan ko.








Halatang babae ito dahil sa suot niyang heels.








"Excuse me, miss." Walang ganang sabi ko habang nakayuko pa rin.








Kunot noo akong nag-angat ng tingin nang hindi sumagot ang babae.








Halos mahigit ko ang hininga ko nang bumungad sa akin ang maamo at magandang mukha ni Avi.









"Hell." Umiwas ako nang tingin at palihim na pinakalma ang puso kong mabilis na naman ang takbo.









"May kailangan ka po ba?" Mahina kong tanong sa kanya.









"Can we talk? Even just for a moment." Umaasang sabi niya.









"Ano po bang pag-uusapan natin?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya habang ang tingin ay nasa malayo.









"Are you avoiding me again? You haven't answered my calls and texts for two days." Malungkot niyang sabi.










Natahimik ako dahil alam kong tama siya dahil pagkatapos ko kasing makita ang post niya nung undas, hindi ko na talaga siya kinausap.










Hindi ako nag-re-reply sa mga texts at chats niya, pati ang tawag niya ay hindi ko rin sinasagot.










"Busy lang ako." Lihim akong napangiwi dahil sa pagsisinungaling ko.










"Really? Is it because of my post or because I sent that wrong message?" Malumanay niyang tanong.










"Busy nga ako nun." Kunot noo kong sagot.










"Stop lying, just answer me please." Nakikiusap niyang sabi.










Huminga muna ako nang malalim bago ako humarap sa kanya at tumingin nang diretso sa mga mata niya.










"Oo na, alam kong manliligaw mo lang ako pero hindi ko maiwasang hindi masaktan at magselos!!" Nasasaktang sabi ko.










"H-hell." Malungkot niyang banggit sa pangalan ko.










Nangilid ang luha sa mga mata ko ng makita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.










"Alam ko na wala akong karapatan dahil manliligaw mo lang ako pero hindi ko maiwasan lalo na't mahal kita." Hinayaan ko lang ang pagpatak nang mga luha sa mata ko habang nakatingin nang diretso sa kanya.










"I'm sorry." Nakayukong sabi niya habang nagpupunas din ng mga luha sa mata niya.










Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang baba niya para magpantay ang tingin namin.










Tears Of PainWhere stories live. Discover now