Chapter 23

1.1K 29 5
                                    

"Kumalma nga kayo." Naiinis kong sabi sa dalawa.









"Tangina, hindi ka na virgin." Nakangiwing sabi ni Green bago umupo.









"Oo nga." Tumatangong sang-ayon naman ni Blue tsaka umupo rin.









Inirapan ko lang sila tsaka ako bumuntong hininga.









"Nag-usap na ba kayo?" Curious na tanong ni Blue.









"Hindi pa, balak ko nga sana siyang kausapin kanina kaso nauna na siyang umalis kaya mamaya na lang siguro."









"Ibig sabihin, hindi mo alam na umalis siya?" Kunot noong tanong ni Green.









"Oo, kaya nga nagulat ako kanina nang sabihin niyo na nandoon na siya sa University." Pagak akong natawa habang umiiling.









"Gusto mo ba siya?" Napalingon ako kay Blue nang itanong niya 'yon.









"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko siya gusto." Ramdam ko ang pag-init nang dalawa kong pisngi.









"Eh bakit ka namumula?" Nang-aasar na tanong ni Green.









"Hindi nga!!." Defensive kong sagot.









Tumawa lang siya habang ako naman ay sinamaan siya nang tingin.









Sabay kaming napalingon kay Blue nang magsalita siya.









"Sabagay, hindi mo nga siya gusto kasi mahal mo na siya."









"Ano bang sinasabi mo? Crush ko lang siya, okay?" Naiinis ko nang sabi.









"Kaya pala 'yong mga tingin mo sa kanya ibang-iba kung paano mo tingnan noon si ate Blaire, iba ka rin tumingin kapag nakikita mo siyang kasama 'yong lalaki na nagtanong sa'yo noon. Sa ngayon, in denial ka pa pero darating ang araw na sasabihin mo rin na tama ako." Seryoso at mahaba niyang sabi.









Pareho kaming natahimik ni Green, lalo na ako hindi talaga ako nakapagsalita.









"Tara na, baka ma-late pa tayo." Tumayo na siya at naunang lumabas.









Bumuntong hininga naman si Green tsaka tumayo at ngumiti sa akin.









"Simulan mo nang tanungin ang sarili mo bago pa mahuli ang lahat." Tinapik niya lang ako sa balikat tsaka siya umalis at sumunod kay Blue.









It's impossible for me to like her, especially love her, right? But what if Blue is right? What will I do?









Damn it.









Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka ako tumayo at umalis.








______________________________________









Sa sobrang pagkatulala ko dahil iniisip ko 'yong mga sinabi ni Blue ay hindi ko na namalayan na nasa loob na pala ako ng classroom, kung hindi pa nagsalita si Zera baka hanggang ngayon ay tulala pa rin ako.









"Hoy, okay ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong.









"Ah, oo."









"Sigurado ka ba?"









"Oo naman." Nakangiti kong sagot para hindi na siya mag-alala.









Tinitigan niya muna ako nang ilang segundo bago siya tumango.









Pareho kaming napatingin sa harap nang dumating na si Avi.








"Good afternoon." Tama nga sila Blue at Green, iba ang aura niya ngayon.









Matagal na siyang masungit pero iba talaga ngayon.









Inilibot niya ang kanyang tingin sa loob nang classroom at huminto sa akin ang kanyang tingin.









Mabilis din naman siyang umiwas nang tingin nang mapansin niya na nakatingin din ako sa kanya.









Nagsimula na siyang magturo at hindi na siya ulit tumingin sa gawi ko.









Hanggang sa natapos nga ang klase niya ay hindi na talaga siya ulit lumingon o tumingin sa akin.









"Class dismissed." Agad naman tumayo ang mga kaklase ko at nauna nang lumabas.









"Hindi ka pa ba aalis?" Takang tanong ni Zera.









"Mauna ka na, may itatanong pa ako kay Professor Volland." Sinabi ko 'yon habang hindi siya nililingon.









Nagpaalam lang siya at agad na rin umalis.









Nang kami na lang dalawa ang natira ay tumayo ako at lumapit sa pinto para i-lock ito.









"Why did you lock it?" Naiinis niyang tanong.









Bumuntong hininga ako tsaka ako dahan-dahang humarap sa kanya.









"Pwede ba tayo mag-usap? Gusto ko lang sana pag-usapan 'yong nangyari sa atin." Kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga dahil sa sinabi ko.









"Whatever happened in the hotel, let's just pretend it didn't happen and forget about it." Diretsong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.









Naramdaman ko ang kirot sa puso ko nang marinig ko ang sinabi niya.









"Avi." Tawag ko sa kanya nang lampasan niya ako at dumiretso sa pinto.









"Don't address me by my name because we're in the university; I'm still your professor, so show some respect." Hindi ko na nga siya napigilan nang tuluyan na siyang lumabas nang room.









Pagak akong natawa habang pinupunasan ang luha na tumutulo galing sa aking mga mata.









Tangina, gano'n na lang 'yon? Pareho naman namin ginusto kung anong nangyari sa amin, o baka ako lang talaga ang may gusto?









Fuck.

Tears Of PainWhere stories live. Discover now