Naalimpungatan ako nang marinig ko ang maingay na tunog na nanggagaling sa cellphone ko.
Nakapikit ko itong kinuha sa gilid ng kama tsaka ko sinagot.
"Hmm, hello." Inaantok kong sabi.
"Hoy gago, nasaan ka ba?" Malakas na boses agad ni Blue ang bumungad sa akin.
"Punyeta ka, hindi ka raw umuwi sa inyo kagabi." Naiinis na sabi naman ni Green pero halata ang pagaalala sa boses niya.
"Nagsimba ako kahapon tapos nakita ko si Avi kaya inaya ko muna siyang tumambay sa park hanggang sa inabot na kami ng gabi tapos kung kailan pauwi na sana kami doon naman bumuhos ang malakas na ulan." Mahaba kong kwento habang nakapikit.
"Sinong Avi?" Nagtataka at sabay nilang tanong.
"Professor Volland."
"Tangina, magkasama kayo?" Gulat na tanong ni Blue.
"Oo, nakita ko siya kahapon sa simbahan kaya inaya ko na."
"Gago, alam ba niya na tinatawag mo siyang Avi?" Curious na tanong naman ni Green.
"Oo naman."
"Hoy tangina, 'di ba magkasama kayo? Eh bakit nandito na siya ngayon sa University? Tapos sobrang nakakatakot ang aura niya ngayon para siyang bad mood." Napabalikwas ako nang bangon dahil sa sinabi ni Blue.
Lumingon ako sa tabi ko at wala nga siya, mabilis ko namang inilibot ang tingin ko.
Bumagsak ang dalawa kong balikat nang makita ko na damit, pants at underwear ko na lang ang nandoon, umalis siya nang hindi nagsasabi.
Nanghihina kong ibinaba ang phone ko bago ko pinatay ang tawag.
Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako, nakayuko lang ako habang patuloy sa pag-iyak.
Tangina, ang babaw naman nang luha ko.
"Gago, bakit ba ako umiiyak? Tangina." Pag-kausap ko sa sarili ko.
Damn it, bakit kasi hindi man lang niya ako ginising. Bigla na lang siyang umalis nang walang paalam, paano kung masakit pa 'yong ano niya? Dapat ginising niya man lang ako 'di ba? Para sabay na sana kaming umalis at natulungan ko pa siya.
Nang kumalma na ako ay inis akong tumayo at pumasok sa banyo.
Mabilis lang akong naligo tsaka ako nagbihis.
Inayos ko lang ang kama tsaka ako lumabas ng kwarto.
Pagpasok ko sa elevator ay agad kong binuksan ang cellphone ko, bumungad sa akin ang maraming missed calls at text ng family ko.
Agad din naman akong nag-reply na pauwi na ako, mamaya na lang ako magpapaliwanag paguwi ko.
Dali-dali akong lumabas ng elevator nang bumukas na ito.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
