Chapter 20

783 23 2
                                    

"May gusto ka pa po bang kainin? Bibilhan kita." Tanong ko sa kaniya.







Pinunasan niya muna ang bibig niya ng tissue bago siya sumagot.







"Thanks, but I'm already full."







"Sabihan mo lang po ako kung may gusto kang ipabili o kainin."







"Okay." Tumango naman ako sa sinabi niya.







Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng isang tunog, doon nga namin nakita sa stage ang isang banda na mukhang tutugtog.







"Good evening everyone, our first song is dedicated to those who have someone they like or love right now. We hope you enjoy our performance, if you know the song, you can sing along with us."







Napangiwi ako dahil hindi ako maka-relate.








Hindi ko na rin naman gusto o mahal si Blaire, sadyang namimiss ko lang talaga siya dahil naging kaibigan ko rin siya.








Si Professor Volland naman crush ko lang, hindi ko pa naman siya gusto o mahal man lang.








Halos lahat ay nakatingin na sa banda ng magsimula na silang tumugtog.








Napatili pa ang iba ng marinig nila ang kakantahin ng banda habang ako naman ay napangiti dahil alam ko 'yung kanta.








At first, I didn't seem to care about love
But suddenly, you came to me, following me around
I thought I told you to stop staring now
Why don't you listen to me?
Stop calling me at night

But when we say bye, I kinda wish that we'd stay up all night
Now I miss you all the time
Oh, it's obvious to my friends
That when they see you smiling, I go crazy for you

'Cause you're the one that I like
I can't deny every night you're on my mind
So, if I call you tonight, will you pick up and give me your time?
Miss you every night, miss you all the time
Now I don't even know where to start

'Cause you're the one that I like
I can't deny everything I feel inside
Will you tell me I'm the one, the one inside of your heart?
Used to brush aside, now I can't deny that
Baby, you're my special one
'Cause you're the one that I like

You mean a lot to me 'cause you have made me believe
How love makes anything better than they used to be
I'm not like this before
You make me wish for more

Oh, when you pass me by, girl, you give me butterflies
'Cause everything slows down in time (oh-oh)
I don't know what to say
'Cause girl, when you smile, I fall for it again and again

'Cause you're the one that I like
I can't deny every night you're on my mind
So, if I call you tonight, will you pick up and give me your time?
Miss you every night, miss you all the time
Now, I don't even know where to start

'Cause you're the one that I like
I can't deny everything I feel inside
Will you tell me I'm the one?
The one inside of your heart
Used to brush aside, now I can't deny
That baby, you're my special one
'Cause you're the one that I like








Lahat kami ay pumalakpak ng matapos tumugtog ang banda.








Nilingon ko si Avi at nakita ko ang saya sa mga mata niya kahit hindi siya nakangiti.








Lihim akong napangiti tsaka ako tumayo.








"Tara na?" Lumingon naman siya sa akin.








"Won't they sing again?" Curious niyang tanong tsaka siya tumingin sa stage kung saan tumugtog ang banda, tumingin din ako doon at nakita nga namin na nag-liligpit na sila.








Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya bago ako nagsalita.








"Hindi na, uwi na tayo baka abutan tayo ng ulan." Tumingala ako sa madilim na kalangitan tsaka ako tumingin sa kaniya ulit.








Ramdam ko na naman ang mabilis na tibok ng puso ko ng magtama ang tingin naming dalawa.








Nakatayo lang ako habang siya naka-upo at pareho kaming nakatitig sa mata ng isa't-isa, agad din kaming natauhan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.








"Fuck/Shit." Halos sabay naming sabi.







Mabilis ko siyang hinawakan sa kamay at hinila bago kami sabay na tumakbo.








"Damn it." Napahinto ako sa pagtakbo ng huminto siya, dali-dali akong lumuhod sa harapan niya upang pantayan siya dahil naka-upo na siya sa semento.








"May problema ba?" Nag-aalala kong tanong.








"I slipped and my foot hurts." Nakangiwing sabi niya habang hawak-hawak ang paa niya.








Tiningnan ko naman agad ang paa niya at nakita ko nga na namumula na ito.








Huminga ako ng malalim tsaka ko siya tiningnan.








"Bubuhatin na lang kita."








"W-what?" Gulat na tanong niya.








Tumalikod ako sa kaniya bago ako nagsalita.








"Sumampa ka na, alam kong hindi mo na kayang mag-lakad." Wala na nga siyang nagawa at sumampa na lang sa likod ko.








Tumayo ako at nag-simulang mag-lakad habang hawak-hawak ko ang dalawang heels niya.








Buti na lang wala ng masyadong tao rito dahil nakakahiya talaga kung may makakita sa amin tapos pareho pa kaming basang-basa sa ulan.








"Hindi na tayo makakauwi dahil siguradong baha na sa ibang daanan kaya doon muna tayo sa hotel namin mag-stay ngayong gabi tapos uuwi lang tayo bukas." Tumango naman agad siya sa sinabi ko.








Lihim na naman akong napangiti ng maramdaman kong ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.








Tangina, sinasabayan ng kilig ko ang malakas na ulan.

Tears Of PainWhere stories live. Discover now