Chapter 8

662 29 1
                                    

"Punyeta naman beh." Naiinis kong sabi sa aso.









I took my handkerchief and wiped my hand that the dog licked.









Napatingin ako sa punyemas na aso ng tumahol siya habang nakalabas ang dila.









"Sayang ang ganda mo pa naman pero nakakainis ka." Para akong tanga na kinakausap ang aso.









Sino bang may ari nito? Hindi niya dapat pinapabayaan ang aso niya.









She's not a street dog because it's a poodle breed.









Yumuko ako at pinantayan ang aso.









"Sino bang amo mo? Hindi ka niya dapat hinahayaan na mag-isa, kapag nakita ko talaga 'yang amo mo-" Naputol ang sinasabi ko ng may magsalita sa aking likod.









"What will you do?" Sa sobrang gulat ko ay napaupo ako sa semento.









Unti-unti akong lumingon at huminto ang tingin ko sa heels ng taong nakatayo ngayon sa harapan ko.









Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para tingnan ang taong nasa harapan ko.









Muntik ko ng mahigit ang aking hininga ng tumambad sa akin ang magandang mukha ng aking professor.









"M-ma'am k-kanina ka pa po?" Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso habang nakatingin kami sa mata ng isa't-isa.










"Why do you ask?" Taas kilay niyang tanong.









"W-wala po." Nakaiwas tingin na sabi ko.









Dahan-dahan akong tumayo habang pinapagpagan ang aking pwetan.










Napalingon ako sa kaniya ng magsalita siya.










"Sasa, come here." Sobrang lambing na pagkakasabi niya.









Lumapit naman agad sa kaniya ang asong si Sasa tsaka niya ito binuhat.









Grabe kahit ganiyan pala siya eh may lambing din pala siyang tinatago.









Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ng aso habang salubong ang kilay.









"A-aso mo po?" Takang tanong ko habang nakaturo sa asong karga niya.









Taas kilay niya akong nilingon habang ang mga mata niya ay walang emosyon at sobrang lamig.









"Yes, do you have a problem with that?" Masungit niyang tanong.










Umiwas ako ng tingin habang nakangiwi sa pagiging masungit niya.










"Sungit eh, nagtatanong lang naman." Bubulong-bulong na sabi ko.










"What did you say?" Napalingon ako sa kaniya ng marinig ko ang masungit niyang boses.










"A-ah, sabi ko po kaya pala maganda ang aso kasi maganda rin ang may ari." Nakangiti kong sabi.










Imbes na matuwa siya sa sinabi ko ay sinamaan niya lang ako ng tingin at inirapan.











Tsk, pasalamat nga siya pinuri ko pa siya.












Aalis na sana siya ng magsalita ako kaya naudlot ang pagtalikod niya.











"Ma'am." Tawag ko sa kaniya.











"What?" Salubong ang kilay na sabi niya.











"Aalis ka na po?" Nakangiting tanong ko.











"Isn't it obvious?" Kunot noong tanong niya habang diretso ang tingin sa aking mga mata.











"Sabi ko nga, sige po ingat." Kamot ulong sabi ko.











She just nodded at what I said before walking away.











Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ko siyang papalayo.











Hindi ko akalain na makaka-usap ko siya kahit sandali lang.











Kahit puro pagsusungit at pagtataray lang ang ginawa niya habang kausap ko siya ay masaya pa rin ako dahil naka-usap ko siya.











Thanks to her dog Sasa, dahil kahit saglit ay nagkaroon ako ng chance na maka-usap ang aking professor.

Tears Of PainWhere stories live. Discover now