Chapter 29

1.4K 38 5
                                    

"Dahan-dahan lang lolo." Sabi ko habang naka-alalay kay lolo.









Kalalabas niya lang ngayon sa hospital at nandito na kami sa mansion, inaalalayan ko lang siya habang papasok.









"Ano ka ba apo, ayos na ako." Natatawang sabi naman ni lolo.









Napasimangot na lang ako nang tumawa rin ang pamilya ko.









"Papasok na po ako ha, baka po ma-late ako." Paalam ko sa kanila.









Humalik lang ako sa mga pisngi nila bago ako tuluyang umalis.









______________________________________









Pagdating sa parking lot ay mabilis na akong nag-park at bumaba sa kotse ko.









"Ma'am." Nakangiting tawag ko kay Avi nang makita ko siya na halos kabababa lang nang kotse, tumingin lang siya sa akin at tumango bago lumingon sa kabilang side ng kotse na parang may hinihintay na bumaba.









Okay na sana eh pero may panget na asungot din na bumaba sa kotse kaya 'yong ngiti ko wala na.









Ano na naman kaya ang ginagawa ng Kenneth na 'to rito sa University, palagi na lang siya nandito kapag ako talaga nainis sasabihin ko talaga sa security na huwag na siyang papasukin.









Nakasimangot ko lang silang pinapanood habang nag-uusap pero ang tingin ko ay sobrang sama kay Kenneth, inis ko siyang inirapan tsaka ko ibinalik ang tingin ko kay Avi.










Ramdam ko ang mabilis na tibok nang puso ko at paghinto nang mundo ko ng biglang ngumiti si Avi.









T-tangina, maganda talaga siya kahit sobrang seryoso niya pero hindi ko akalain na mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti.









Ngiti pa lang 'yan pero ganito na ako mag-react paano pa kaya kapag nakita ko na siyang tumawa baka hindi ko na talaga kayanin.









Agad din akong napahinto nang ma-realize ko na hindi pala ako ang dahilan kung bakit siya ngumingiti.









Napanguso ako nang makita ko na hinalikan siya ni Kenneth sa pisngi, hindi man lang siya umiwas dahil hinayaan niya lang talaga at mas lalo pa siyang ngumiti.









Inis akong umirap at tumalikod bago ako umalis.










Dumiretso na lang ako sa room namin at pumasok.










Pagpasok ko sa room namin ay halos lahat ng mga kaklase ko ay nagulat nang makita ako, pinuri rin nila ako dahil bagay raw sa akin ang haircut ko at ang pogi ko raw kaya nagpasalamat naman ako sa kanila bago dumiretso sa pwesto namin ni Zera.









"Oh? Bad mood ka ata?" Nagtatakang tanong ni Zera ng makaupo ako sa tabi niya.










"Hindi naman." Walang ganang sagot ko.










Magsasalita pa sana siya ng biglang pumasok si Avi.










Agad naman tumahimik ang kaninang maingay ko na mga kaklase.










Tears Of PainWhere stories live. Discover now