Chapter 28

1.7K 38 6
                                        

"Lolo, wala bang masakit sa 'yo?" Nag-aalala kong tanong kay lolo habang nakaupo ako sa gilid ng kama niya, nandito pa rin kami sa hospital pero dalawa lang kami ni lolo ang nandito sa kwarto niya dahil mamaya pa pupunta ang pamilya namin dahil busy sila sa mga work.









"Ayos na ako apo, huwag ka nang mag-alala." Nakangiti niyang sagot.









"Mag-aalala pa rin po ako hangga't nandito pa kayo sa hospital, makakahinga lang ako nang maluwag kapag nakauwi ka na."









"Salamat, apo." Mas lalo pa siyang ngumiti pero ang mga mata ay malungkot, puno nang pagsisisi, guilt at sakit.









Kahit nagtataka ay binalewala ko na lang 'yon.









"Ano po bang nangyari?" Curious kong tanong.








"Hindi pa ba sinasabi ni Steve?" Agad naman akong umiling, para siyang nakahinga nang maluwag nang umiling ako.








"May dapat po bang sabihin si kuya?" Seryoso kong tanong.








"W-wala naman." Kinakabahan niyang sagot.








Napailing na lang ako kahit nagtataka na ako sa kinikilos ni lolo at kuya.








"Papasok ka ba mamaya, apo?"








"Hindi po, bukas na lang po ako papasok."








"Aba, bakit naman?" Nagtataka niyang tanong.








"Babantayan po kita eh kaya bukas na lang."








"Pwede ka naman pumasok, kaya ko naman ang sarili ko."








"Hindi na po, bukas na lang talaga."








"Sigurado ka?"








"Opo." Tumatangong sagot ko.








"Next week na ang birthday mo, anong gusto mong regalo?" Nakangiti niyang tanong.








"Ang gusto ko lang naman po ay makuha ang hustisya para kay Blaire." Nagtaka ako nang makita ko kung paano nabura ang ngiti sa labi ni lolo ng banggitin ko ang pangalan ni Blaire.








Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Blaire bigla na lang siyang tumatahimik at malalim ang iniisip pero hinahayaan ko na lang dahil baka katulad ko ay hanggang ngayon nalulungkot pa rin siya dahil close rin talaga sila ni Blaire.








He cleared his throat before speaking again.








"Ah, anong handa na lang ang gusto mo?" Malumanay niyang tanong habang may pilit na ngiti sa kanyang mga labi.








"Alam niyo naman lolo na ayaw kong maghanda." Nakanguso kong sagot kaya natawa siya.








"9 years ka ng hindi naghahanda sa birthday mo, wala namang masama kung mag-celebrate ka lalo na't malapit ka na mag-20." Naiiling niyang sabi.








"Lolo naman."








"Sige na apo, minsan lang naman tsaka simpleng handaan lang." Pakiusap niya.








Tears Of PainWhere stories live. Discover now