Pagdating namin sa parking lot agad na rin akong nagpaalam sa kanya.
"Mauna na ako Ze, kita na lang tayo mamaya." Nakangiting sabi ko.
"Sige, ingat ka." Nakangiti rin na sabi niya habang binubuksan ang pinto nang kotse niya.
"Ikaw rin, ingat." Tumango lang siya sa sinabi ko tsaka siya sumakay sa kotse niya.
Bago siya tuluyang umalis ay bumusina mo na siya.
Hinintay ko muna siyang makaalis habang kumakaway.
Nang makaalis na siya ay dahan-dahan ko nang binaba ang kamay ko bago ako tuluyang humarap sa kotse ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang kotse ko ng mahagip nang paningin ko si Professor Volland.
Pinagmamasdan ko lang siya habang nagmamadali siyang sumakay sa kotse niya.
Nagulat pa ako nang mabilis nitong pinaharurot ang kotse niya.
Napailing-iling na lang ako tsaka ako tuluyang sumakay sa kotse ko.
Mabilis ko rin itong pinaharurot habang tinatawagan ko si Green.
Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya ito.
"Oh, Jam? Napatawag ka?" Bungad niyang tanong.
"Kasama mo ba si Blue?" Tanong ko rin sa kanya.
"Tsk, tinanong kita pero nagtanong ka rin. Oo kasama ko siya, bakit?" Natawa na lang ako sa isip ko dahil alam kong umiirap siya habang sinasabi 'yon.
"Uuwi muna ako sa bahay dahil mamaya pa naman ang class ko ulit." I said.
"Sige, sabihan ko lang si Blue pero bakit wala kayong class?" Nagtataka niyang tanong.
"Nagkaroon nang seminar iba naming mga professor, isang professor nga lang ang pumasok sa amin ngayon." Buntong hininga na sabi ko.
"Balita ko maganda raw ang bago niyong professor pero masungit nga lang daw." Green said.
"Actually, siya 'yong babaeng nahalikan ko sa bar." Mahinang sabi ko.
"Gago? Seryoso? Parang kanina lang nag-uusap tayo tungkol sa nangyari sa bar tapos ngayon nagkita na kayo, naalala ka ba niya?" Excited niyang tanong.
"Hindi ko alam, siguro oo? Sobrang sama niya kasing tumingin sa akin kanina." Nakasimangot na sabi ko.
"HAHAHAHA, goodluck." Natatawang sabi niya.
Napailing na lang ako tsaka ako nagpaalam sa kanya.
"Sige na, kita na lang tayo mamaya." Paalam ko.
"Okay, bye." Tsaka niya pinatay ang tawag.
Pagkatapos maibaba ang tawag isinilid ko agad ang phone ko sa bulsa ko.
Pagdating sa subdivision namin ay mabilis akong pumasok.
Patuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa harap nang mansion namin.
Agad din naman bumukas ang gate ng mansion kaya mabilis ko rin ipinasok ang kotse ko.
Pinark ko muna ang kotse ko tsaka ako tuluyang bumaba.
Sinarado ko agad ang pinto nang kotse ko pagbaba ko tsaka ko ito nilock.
Nakapamulsa akong pumasok sa loob nang mansion.
Sinalubong naman ako agad ni nanay Cory.
Si nanay Cory ang head housekeeper dito sa mansion, siya rin ang nag-aalaga sa amin ng kapatid kong si Venine kapag wala sila mommy at momma.
"Hi nay." Nakangiti kong salubong sa kaniya tsaka ako nagmano.
"Oh anak, ang aga mo naman ata ngayon?" Nakangiti niyang tanong.
Umayos ako nang tayo tsaka ako mas ngumiti pa.
"May seminar po kasi yung iba po naming mga professor." Tumango naman siya sa sinabi ko.
"Oh edi mamaya pa ang balik mo?" Tumango lang ako sa sinabi ni nanay.
"Gusto mo bang kumain? Ipaghahain kita." Umiling ako sa sinabi niya.
"Mag-pahinga na kayo nay, kaya ko naman po." I said.
"Sigurado ka ba?" Nag-aalala niyang tanong.
"Opo naman." Tumatangong sabi ko habang nakangiti.
"Sige, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Buntong hininga na sabi niya.
"Opo nay." Nakasaludong sabi ko.
Natawa na lang si nanay kaya natawa rin ako.
Hinintay ko muna si nanay na makaalis bago ako pumunta sa kusina.
Tahimik lang akong kumakain habang tulala.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang mga pinag-kainan ko.
Lumabas ako nang kusina tsaka ako dumiretso sa kwarto ko.
Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at hinubad agad ang sapatos ko tsaka ako sumampa sa kama.
Dahil sa sobrang lalim nang iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.