Nandito ako ngayon sa bar, dito na ako dumiretso pagkatapos kong makita si Kenneth at Avi na mag-kasama sa mall.
5:30 pa lang ay nandito na ako, hindi ako tumawag o nagsabi sa mga kaibigan ko dahil alam kong busy sila.
Ramdam ko na ang hilo ko dahil sa mga iba't-ibang klase ng alak na ininom ko.
5 hours na pala akong umiinom, 10:40 na eh kaya pala nahihilo na ako.
Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at muntik pa akong matumba buti na lang ay naka-hawak ako sa table.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nag-simulang mag-lakad.
"Hi pogi." Kunot noo kong inangat ang ulo ko at bumungad sa akin ang isang babae na naka-dress ng blue na hapit na hapit sa katawan niya kaya kitang-kita tuloy ang cleavage at kurba ng katawan niya.
"Excuse me, miss." Malumanay kong sabi.
"Huwag ka muna umalis, saan mo gusto? Sa place ko o sa place mo?" Malandi niyang sabi habang naka-hawak sa braso ko.
Inis ko namang tinanggal ang kamay niya na nasa braso ko.
"May girlfriend na ako." Malamig kong sabi tsaka ako umalis.
Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humila sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng halikan ako ng babae.
Malakas ko siyang tinulak tsaka ko inis na pinunasan ang labi ko.
"What the fuck is wrong with you? Ganiyan ka na ba kalandi kaya ang simpleng sinabi ko na may girlfriend na ako ay hindi mo maintindihan!!" Galit na galit kong sabi sa kaniya.
Buti na lang walang nakaka-rinig sa amin dahil sa malakas na tugtog tapos nasa gilid pa kami at madilim dito.
Imbes na mainis siya eh nginisian niya lang ako kaya mas lalo pa akong nagalit.
"You're so cute and hot when you're angry. By the way, I'm Samantha, remember my name because we'll see each other again." Nakangisi niyang sabi tsaka ako kinindatan.
Inis ko naman siyang sinundan ng tingin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Bwesit eh, kaya ko sinabi na may girlfriend na ako dahil akala ko titigilan niya ako pero hindi pala.
Naiirita akong nag-lakad ulit papunta sa parking lot.
Tangina, biglang nawala ang hilo ko dahil sa lintek na halik niya.
Pagdating sa parking lot ay sumakay na ako agad, mabilis ko agad itong pinaharurot.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng condo ni Avi at nag-doorbell.
Parang kanina lang nagmamaneho pa ako tapos ngayon nandito na ako? Gano'n na ba ako ka-lutang kaya hindi ko na namalayan?
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong fell in love with Avianna Volland? Let's see what will happen.