"Hi." Nakangiting bati ko kay Avi.
Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Sit down." Malumanay niyang sabi habang hinahanda ang mga pagkain sa lamesa.
Agad din naman akong sumunod at umupo sa tabi niya.
Nandito kami ngayon sa office niya, lunch na ngayon at sumang-ayon ako sa sinabi niya kanina na rito na lang kami mag-lunch dahil may mga gagawin pa siya.
Nagsimula na kaming kumain nang tahimik, pero punyemas hindi ko rin talaga kinaya ang katahimikan.
"Kumusta nga pala ang shopping niyo kahapon ng pinsan mo? Samantha 'di ba pangalan niya?" Ngumunguya kong tanong sa kanya.
"Yes, we're fine, we went home after shopping, anyway. Did you go home immediately yesterday?" She asked.
Nilingon ko siya habang siya ay busy lang sa kinakain niya.
"Pumunta kami kahapon ng mga kaibigan ko sa puntod ng ate ni Blue, death anniversary niya kasi kahapon." Binalik ko na ulit ang tingin ko sa pagkain ko at nagsimula na ulit kumain.
"Just the three of you? What about your other two friends?" Curious niyang tanong.
"Ah, si Amethyst at Zera ba? Pareho silang busy kaya hindi sumama sa amin."
"Oh, okay."
Pagkatapos naming mag-usap ay hindi na kami ulit umimik, pareho kaming natapos kumain na wala nang nagsalita ulit.
"Ako na ang magliligpit, tapusin mo na lang ang ginagawa mo." Nakangiting sabi ko sa kanya bago tumayo at humarap sa kanya.
"Are you sure?" Taas kilay niyang tanong habang nakatingala sa akin.
"Oo naman kaya sige na."
"Okay." Tumayo na siya at pumunta sa swivel chair niya.
Pinagmasdan ko muna siya ng ilang minuto sa ginagawa niya bago ko sinimulang iligpit ang mga kinainan namin.
Pagkatapos kong iligpit lahat ay humiga ako sa sofa at binuksan ang phone ko.
Tahimik lang akong nag-s-scroll sa phone ko pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan lang ako nang may sumusundot sa pisngi ko.
"Hell, wake up." Malambing na pagkakasabi nang boses na 'yon.
"Hmmm." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko habang salubong ang dalawa kong kilay.
"Get up, it's already 1:15, you might be late." Napalingon ako sa gilid ko at bumungad sa akin ang magandang mukha ng babycakes ko.
"Avi." Nakangiting banggit ko sa pangalan niya.
"Get up now." Malumanay niyang sabi habang hinahalikan ako sa pisngi.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.