Chapter 35

2.1K 54 17
                                        

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko kay Avi habang nakaupo ako sa sofa at siya naman sa swivel chair at may tinitingnan sa laptop niya.








"Anything." Mahinahon niyang sagot habang ang tingin ay nasa laptop pa rin.








Tumango naman ako agad at ibinalik ang tingin sa phone ko para mag-order nang kakainin namin.








Pagkatapos ng nangyari kanina sa hallway ay dito na kami dumiretso sa office niya.








Nag-text na lang ako kanina sa mga kaibigan ko na hindi ako makakapunta sa cafeteria dahil may gagawin ako.








Ayaw ko naman sabihin sa kanila na kasama ko si Avi baka bigyan pa nila ng issue.








"Wait for me later at the parking lot, I'll go with you." Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang magsalita.








Our eyes met while she was lounging in a swivel chair.








"Hindi ka ba susunduin ni Kenneth?" Nakangiwi kong tanong.








Marinig ko lang o kahit mabanggit ang pangalan ni Kenneth napapangiwi talaga ako, panget nang pangalan niya parang siya.








"No, he's currently in Canada for business."








"Kailan naman siya uuwi?" Taas kilay na tanong ko.








"He's coming home before Christmas."








"Edi almost 2 months din siyang hindi uuwi?"








"Yes."








"Ah, okay." Tumatangong sabi ko.








Tinitigan niya muna ako bago siya ulit nagsalita.








"Come here."








"Bakit?" Nagtataka kong tanong.








"Just come closer to me." Kahit nagtataka ay tumayo pa rin ako at lumapit sa harap nang table niya.








"Don't stay there in front of my table, come here beside me." Nakanguso naman akong sumunod at tumayo sa gilid niya.








"Bakit ba 'yon?" Curious kong tanong.








Humarap naman siya sa akin habang nakatingala siya at ako naman ay nakayuko sa kanya.









"You have dirt on your cheek."








"Ay shit." Mabilis ko naman agad pinunasan ang pisngi ko gamit ang kamay ko.








"Tsk, there's still dirt, let me wipe it off." Agad naman akong mas yumuko at pinantayan ang mukha niya.








Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakatitig kami sa mata nang isa't-isa.








Nagulat ako nang hawakan niya ang kwelyo ng suot kong polo tsaka niya hinila.








Nanlaki ang dalawa kong mata nang maramdaman ko ulit ang malambot niyang labi.








Tears Of PainWhere stories live. Discover now