CHAPTER 1 : Acquaintances

3.7K 76 7
                                    

CHAPTER 1 : Acquaintances

CHANDRIA’S POV

Di na siguro ko magpapakilala sainyo. Nadescribe na ko ni Miss Author eh. Haha. Ang masasabi ko nalang, eh sa haba ng pangalan ko, pwede niyo kong tawagin na “Ria”. Mas okay na yun. Kesa sa Chandria. Masyado kasing mahaba at pangsosyal masyado. Oo aaminin ko, mayaman ako. Pero, wala akong pakialam sa yaman namin. Lahat kasi ng atensyon ng magulang ko nandon. Tapos gusto pa kong idamay dun. -___- Skip that.

Eto ko ngayon sa apartment na tinitiran ko. Good lang to for one person. Lahat ng kailangan ko, nandito na. Iniintay ko nalang yun napakagaling kong bestfriend na si Tristan. Susunduin pa daw niya kasi si Mikeila eh. Pupunta kaming mall. School na kasi bukas. Ganito talaga ko, mahilig sa mga rush na bagay. Haha. Sa UP nga pala kami pumapasok. Buti nakapasa kami don. Nako kung hindi, sasapingilin ko yung dean don! Haha. Joke lang. :p

*bzzzt bzzzt* May nagtext.

Fr: Tristan Pogi

Ganda labas ka na jan. Dito na kami sa gate. Dalian mo! Mainit. >.<

Okay. Bago ang lahat, hindi po ako ang naglagay ng TRISTAN POGI sa contacts ko. Siya po ang nagbago niyan. Bwahaha. Kfly. Makalabas na nga at baka mag-alburoto na bunbunan nung lalaking yon. Sapak sa arte eh. Haha.

***

Nakapamili na kami ng notebooks nila Tristan at Jil (si Mikeila). Siyempre, si Tristan ang lalaki kaya siya magbubuhat ng dala namin, :P Ayus lang yan. Sabi ko naman, hati kami ni Jil sa panlilibre sakanya mamaya ng lunch eh. Takaw kasi nito. Pero di siya tumataba. Kainggit! Haha. Oy! Pero di naman ako mataba. Dati lang! Mga grade 7 ako saEurope. Whatever. Let’s not bring the past anymore.

Nandito na kami sa bilihan ng bags. Simple lang gusto kong design. Ayoko nang sangkatutak na kolorete. Nakakarindi sa paningin. -__- Si Jil lang naman gusto ng kung anu anong design eh. Pero kanina, bumili kami ni Jil ng tig-isang powerpuff girls na notebook. Samantalang si Tristan naman, Naruto. Hahaha. Trip lang namin. Di naman namin gagamitin. Gusto lang namin para cute. >:D<

Nakahanap na ko ng bag kaya hinila ko si Jil papunta don. Medyo madami din naman kasi yung tao dahil rush din for school tomorrow.

*blag!*

Muntik nang bumuwal yung lalagyan ng bags dun sa likod ko nang mabunggo ako ng isang lalaki. Tiningnan lang niya ko at saka ako tumayo. Nagtititigan lang kaming dalawa.

“Sis ayus ka lang?” – Jil

Di ko pinansin si Jil. Tumalikod na yung lalaki. Kumuha ako ng isang bag at tsaka ko initsa sa ulo niya. Yon! Sapul! Lumingon siya sakin. Ang sama ng tingin niya ah. Upakan ko kaya to?! Lumapit siya sakin.

“Ano ba problema mo ha?! Ba’t mo ko binato sa ulo ng bag?!”

“Eh bano ka ba? Nabunggo mo kaya ako!”

“Rason na ba yun para batuhin mo ko?!”

“Oo! Kasi hinayaan mo lang ako dito. Tumalikod ka na agad. At!!! Hindi ka man lang nagsorry!”

“Edi sorry. Masaya ka na?”

Eh kung birahin ko kaya to ng matuto?! Gago to ya. =___=

“Anong nangyayari dito??” – Tristan

“Si Chandria kumukulo dugo dun sa lalaking yun. Nabunggo kasi, tapos di man lang nagsorry. Alam mo naman si Ria, ayaw nang hindi nagso-sorry pag may kasalanan ka.” – Jil

Nilapitan na ko Tristan at inawat. Kundi lang dumating yung mga guards, baka binatukan ko na yung lalaking yun eh. >___<

“Pare, pagsasabihan mo nga yang girlfriend mo. Masyadong maangas eh. Makaalis na nga dito.” Sabi nung lalaking mayabang. At ako pa maangas ah?! At tsaka, ako?! Girlfriend ni Tristan? Oh no. Tss.

“Ge pre. Pagpasensyahan mo na.” sagot naman nitong si Tristan. Lokong to. -__-“

Nag-alisan na rin yung mga taong nanunuod samin kanina. Sapakin ko kaya isa isa to? Kailangan nanunuod talaga? Sauce. Sorry po kung mainit dugo ko. Ang yabang kasi nung lalaking yun eh. -_-“ Nagpatuloy nalang kami sa pagbili ng bag nang makakain na. Nagugutom na rin ako eh. =____=

***

Waaaa! *O* Gutom na gutom na ko! Napakahaba ng pila dito sa Chowking. Makalipat na nga lang sa KFC. Mas masarap pagkain dun. Nag-endorse daw ba! Haha. Mukha na kaming lantang gulay na tatlo. Siyado na rin kasi gutom nitong dalawang kasama ko eh. Tatakaw din kasi tulad ko. >:D<

Umorder na kami ng kanya kanyang gusto. Walang kasawaan sa chicken, Puro chicken na nga ulam ko araw araw eh. Baka mamaya magkaron na ko ng pakpak. >:D< Pag nangyari yun, una kong hahanapin yung lalaking nangbunggo sakin kanina. Tapos pagkakuha ko sakanya, ililipad ko siya tapos ibabagsak ko. Ayun! Solve na solve na yun. :D Hahaha. Oy joke lang. Di ako ganun kasamang tao. :P

Dumating na yung order namin dito sa table. Kaya kainan na! =))) Eto talagang si Tristan, walang patawad sa pagkain. Kinuha pa yung chicken ni Jil. Subukan niyang kunin yung sakin! Makakatikim siya ng suntok. Promise yan! Eh share na nga lang kami ni Jil dito sa ulam ko eh, Napakatakaw kasi ni Tristan. -__-“

“Ganda kuha mo pa kong gravy. Please.” Lakas maka-puppy eyes nitong si Tristan. Dukutin ko mata nito eh. Tsk.

“Opo kamahalan. Ikukuha na po kita.” Sabay kuha nung lalagyan ng gravy. Katakaw kasi. Kukuha kuha ng ulam ng may ulam tapos di marunong kumuha ng sariling sawsawan. =___=

Dito na ko sa gravy station. Pina-pump ko lang yung nandito para lumabas yung gravy. Pupunuin ko na para solve to kay Tristan at para di na rin ako bumalik mamaya. Magpakalunod siya sa gravy. Hahaha! Natapos ko nang lagyan to. Tumalikod na ko para makapunta ulit sa table namin.

*blag!* Ay shet! Tumapon yung gravy sa damit ko! *O* May bumunggo nanaman sakin. -_- Paglingon ko….

“Ikaw nanaman?!” sabay naming sabi nung lalaking mayabang na nakabunggo ko rin kanina. Tss.

“Sinusundan mo ba ko?!” Okay. Sabay nanaman kami. Nakakainis ah. -_-

“Tingnan mo nga ginawa mo sa damit ko! Tinapunan mo ko ng gravy mo!” sabi nung lalaking mayabang.

“At ako pa talaga ha? Sino bang bumunggo? Diba ikaw?! Parehas lang tayong merong gravy sa damit kaya wag kang mag-inarte! Kalalaki mong tao eh!”

“Chandria! Tama na!” sigaw ni Tristan.

Pumunta na ko sa table namin at nagpunas ng damit. Hinila ko na silang dalawa at umuwi sa kanya kanya naming tinutuluyan. Nakakainis ‘tong araw na to. Subukan niya pang magpakita sakin. Di na siya sisikatan ng araw. >___<

------------------------------------------------------------------------------------------

Uy! Kahit magvote man lang po kayo or magcomment oh. Sige naaa. >:D< Baka last story ko na ‘to kaya tulungan niyo po ako umasenso ‘to. Hihi. – IncesDomo 

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon