CHAPTER 41 : Yes or no?

904 11 2
                                    

A/N: Dahil sa tagal kong mag-update, nawalan ako ng readers and voters. Sorry po kung matagal akong mag-update. Sana naman po naiintindihan niyo. Di po kasi kami regular net. Broadband lang po ginagamit ko at minsan lang ako magnet. Sana po suportahan niyo ‘tong story. Kung ayaw niyo na pong basahin. Wala na po akong magagawa. ;( Tatapusin ko nalang po ‘tong story. Pero sobrang SALAMAT po sa mga patuloy na sumusuporta dito. Mahal na mahal ko kayo. =)) Osha. Drama na eh. Eto na. ^^

***

CHAPTER 41 : Yes or no?

CHANDRIA’S POV

April 16, Wednesday. Isang linggo na rin ang nakalipas mula don sa nangyari. Yung sa magkapatid kami ni Lance. Sa ngayon, masaya kaming dalawa. Bumalik na yung dating Lance. Pero ako? Ako na ‘tong may problema. Anong problema ko?

Kung itutuloy ko pa yung kasal. Magulo ba ko? Hindi naman. Ngayon lang kasi pumasok sa utak ko na pwede bang magpakasal ang taong magkapatid sa ama? Hindi ko alam ang sagot.

Ayoko nang idamay pa si Lance dito sa problema ko. Kelangan ko nang desisyon sa sarili ko. Baka kasi pag sinabi ko pa dun. May magbago nanaman. Nakakatakot kaya. Solve ko nalang to mag-isa.

Close yung resto namin ngayon. Pinagbakasyon ko muna yung mga nagtratrabaho samin. Summer naman eh.

Ako? Eto pupunta sa mall. Matawagan nga si Jil.

*Calling Sis Jil…

*Cannot be reach.

Luh? Problema nito? Di ko pa nga siya nakakausap ulit eh. Huling usap namin? Uhmm. Nung sa park. Ano naman kayang nangyari dito? Try ko tawagan landline niya.

“Miss Feliz is out. Please leave a message.”

Eh san ba napunta si Jil? Abno talagang babae. Di nalang ako magle-leave ng msg. Aalis ako mag-isa. Hehe.

*Baby Yabs Calling…

“Hello Lance?”

[ San ka baby? ]

“Bahay bakit?”

[ Wala. Alis tayo? ]

“Aalis ako eh.”

[ San ka pupunta?? ]

“Mall lang.”

[ Eh bakit ayaw mo ko isama?? ]

“Hmm? Wala. Gusto ko lang mag-isa. Hehe.”

[ Ay. Eh? Anong oras ka uuwi? ]

“Di pa nga ako umaalis, uuwi na agad? Haha! Text nalang kita maya no? Gayak na ko. Love you.”

[ Mag-ingat ka ha! I love ya too. Hahahahaha! ]

Hala? Nabakla? I love “ya” too? HAHAHAHA! Hanep si Lance. Wait nga lang…

***

MALL. Hello sa mga loner! Ako na leader niyo. Dejoke. Eto, libot libot muna ko sa mga stores. Kasi naman eh. Ano ba talagang gagawin ko? Itutuloy ko pa ba yung kasal? Hmmm?

Sabi ni Angel konsensya, “Sige Chandria. Ituloy mo yung kasal. Pag di mo tinuloy yan, masasaktan mo siya.” Pero sinagot ko siya, “Pano naman ako? Nasasaktan din naman ako sa sitwasyon namin ah?” Sumagot nanaman siya, “Bakit? Gano mo ba siya kamahal? Well kung mahal mo siya, mas gugustuhin mong masaktan ka, kesa siya yung masaktan. Diba ganyan naman yung nagmamahal, nagsa-sakripisyo?” Ay bongga! Tama siya! :>

Maya maya, may bumulong naman sakin, si Evil konsensya, “Wag mo nang ituloy! Labag sa batas yan! Bwahaha! Never pwedeng magpakasal ang magkapatid. Break na agad!” Hala? Labag sa batas? =(((( Sinagot ko siya, “Eh? Sa ama lang naman kami magkapatid ah? Tsaka, uhm? Di sila kasal ni Tita Divine.” Pero tinawanan lang ako nung Evil, sabi, “Hangal ka ba? Hahahaha! Wala kang kwenta. Tanggapin mo nalang yung katotohanan. Di talaga kayo para sa isa’t isa! Tawagan mo na si Lance! Tigil na kamo to! HAHAHA”

Shinake ko yung ulo. Wala! Di totoo to! Nababaliw na talaga ko. =((

Bumili muna ko ng blizzard tsaka umupo sa waiting area dito malapit sa supermarket. May katabi akong matandang babae. Nginitian niya ko.

Ah! Alam ko na! Makapag-sign nalang. Kung itutuloy ko yung kasal. Tatlong signs! Hmmm? Una, pag may nakita akong kalabaw or baka dito sa mall. Itutuloy ko yung kasal. HAHA. XD

Pangalawa? Pag nakita ko si Lance dito sa mall. HAHA! At yung pangatlo? Pag siguro umulan dito sa loob ng mall. Hmm. Ayan! Game! Lahat yan imposible mangyari. Kaya good luck nalang. =)))

Nag-giggle ako kaya napalingon sakin yung matandang babae. Napatahimik tuloy ako saka nag-peace sign. Pero bigla siyang nagsalita.

“Ikinukubli mo sa likod ng iyong mga ngiti ang iyong problema. Napakatatag mong tao.”

O_____o Ano daw?? Hala?? Kinikilabutan ako.

“A..ano pong ibig sabihin niyo.. Lola?”

“Kung mahal mo ang isang tao, wag mo siyang pakawalan.”

Grabe! Napapabilib ako nito ah? Pero ang creepy. Pa’no niya nalaman?? O___o

“Baka magsisi ka isang araw, na lahat ng pinaghirapan mo mawala dahil sa mga desisyon na labag sa kalooban mo. Pero kung anong sinasabi niyan. *sabay turo sa puso ko* Sundin mo iha. Minsan, mas magandang pakinggan ang sinasabi ng puso kaysa sa sinasabi ng utak.”

Tumayo na siya at naglakad. Hinabol ko siya at hinawakan sa pulsuhan. Lumingon naman siya sakin.

“Bakit niyo po alam lahat ng nararamdaman at iniisip ko?”

“Malakas pakiramdam ko iha. Ang maipapayo ko sayo. Mahalin mo siya hangga’t may oras pa. At lubusin mo na rin ang oras na kasama mo siya. Hindi mo mapipigilan ang pagkawala ng isang tao.”

Bumitaw na siya at naglakad. Grabe naman yun. Kinikilabutan ako. O___o Anong ibig sabihin niya? Mawawala si Lance sakin? Ha? Ewan? -__-“

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Pumasok na ko sa loob ng supermarket. Try ko bumili ng stocks para sa bahay. May pagkain, ganun. Maya maya, napadpad ako sa ice cream station. Hilig ko to eh. Nagtingin tingin naman ako ng flavors. Uy merong bago oh! Kinuha ko siya at…

Milk flavor. Specially made from COWS. Hala? Tapos may picture ng baka dito! -___- First sign? Check! Huhu. Grabe. Pano yun? Galing ah? O___o

Natapos na ko sa pamimili. Konti lang naman binili ko eh. Naglakad na ko papunta sa tindahan ng Mister Donut. Kakain ako! Wahaha! Habang papunta ko dun, parang kilala  ko yung bumababa ng escalator ah? Wait…

“Lance/Chandria?!” Sabay naming sabi ni Lance.

Teka nga? Ano ba to? Second sign? Check nanaman! Psh. Bakit nandito to? Tss. Lumapit siya sakin.

“O bakit ka nandito?” Tanong ko.

“Eh…” *kamot sa ulo* “Sinundan kita. Hehe!”

Anak ng tipaklong. Sinundan ako? Medyo OA ha? Haha. -___-“ Hinila ko nalang siya papunta sa Mister Donut. Habang papunta kami don…

*blag!*

Ayun, natapunan ako ng juice. Naligo ako ng juice. UMULAN ng juice. -__-“ Third sign? Check! Wala na tayong magagawa. Pakakasalan ko talaga siya. Yun talaga ang meant to be. XD

Sa halip na sa Mister Donut kami tumuloy. Sa tindahan ng damit kami pumunta. Bumili si Lance ng shirt ko at yun yung pinasuot sakin. Kumain na rin kami pagkayari nun.

After namin kumain, nag-aya na kong umuwi. Hmm? Signs? Tapos yung sinabi pa ni Lola. Bongga. Natauhan ako. YES. Tuloy at papakasalan ko siya. =))))

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon