CHAPTER 53 : Untold

885 14 4
                                    

A/N: Dahil wala na pong masyadong nagbabasa nito dahil hindi fanfic, um, papabilisan ko nalang po ‘to. For the sake na matiyagang nagbabasa. May ilalagay naman po ako na dates para di kayo malito. Maraming pagbabago ang mangyayari. Osya, read/vote/comment/becomeafan. <3

***

 

 

CHAPTER 53 : Untold

 

 

CHANDRIA’S POV

 

 

“San tayo pupunta Lance?” Tanong ko sakanya habang hawak hawak niya yung kamay ko.

Naglalakad kaming dalawa sa isang lugar na puro damo. Yun lang ang makikita mo. Siya naman, pilit akong hinihila.

“May papakilala ako sayo.” Sabi ni Lance habang hila hila parin ako.

Sumunod naman ako kay Lance pero unti unti siyang nawawala. Nawawala rin yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Lance san ka pupunta? Wag mo kong iwan dito!” Sigaw ko habang inaabot parin yung kamay niya.

Pero ngumiti lang si Lance at nagsalita, “Babalik ako Chandria. Babalik ako.”

 

 

“Laaaaaaaaaaaaaaaaance!”

 

 

*blaaaaaaaag!*

 

 

Pagmulat ko ng mata ko. Ay letse. Panaginip lang pala?! Nahulog tuloy ako dito sa higaan ko. Ano ba naman yan. Apat na buwan na rin ang nakakaraan simula nung huli ko siyang napanaginipan. Sobrang tagal na rin ah? Tsk. 12 midnight nanaman. At lumuluha nanaman ako mag-isa.

Maya maya may pumasok sa kwarto ko. Si Mommy at Daddy. Binuksan naman nila yung ilaw. Nakaupo na ko dito sa kama ko.

“Anak? You dreamed of him again?” Sabi ni Mommy habang hinahaplos yung likod ko. Tumango nalang ako.

Lumuhod naman si Daddy at hinawakan yung kamay ko. Hinahaplos haplos lang din niya. Ako naman, hindi ko na napigilan na lumuha.

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon