CHAPTER 49 : The Promise
LANCE’S POV
Nagpaalam ako kala Jil na sosolohin ko muna si Chandria ko. Kaya naglakad lakad na kami ni Chandria pero naka-akbay ako sakanya. Dahan dahan pa kami maglakad para ramdam namin yung hangin. Haha!
Sa paglalakad namin dalawa, may nakita kami na dalawang lalaki yata yun tapos haharasin yata yung babae. Aba. Di pwede yun noh.
“Baby wait lang ah? Jan ka lang! Wag kang aalis jan ah.”
“Sama ko! Kaya kong suntukin yung mga lalaki.”
“Wag na. Jan ka nalang.”
Tapos kiniss ko siya sa nuo. Tumakbo na ko dun sa may babae. Medyo nacorner na siya nung isa eh.
*boog!*
*boog!*
Sinuntok ko yung dalawang lalaki. Tapos gaganti pero nahawakan ko yung kamao niya kaya pinalipit ko.
“Wala kayong karapatan mambastos ng babae.”
Tapos nagmaakawa na silang pakawalan. Eh madali akong kausap kaya ayun, pinaalis ko na. Kawawa naman eh. Baka mabugbog pa. Dejoke. Maya maya, inakap naman ako nung babae. O__o
“Umm, thank you so much sa pagligtas sakin.” Naka-akap parin siya sakin. Tatanggalin ko na sana nang biglang magsalita si Chandria.
“Hoy. Niligtas ka lang. Wag ka ngang haliparot.”
“Huh? Wait who are you ba?”
“Who are you ka pang nalalaman. Baka ikaw dapat kong tanungin, who are you?!” Nako. Patay, mag-a-amazona na tong si Chandria.
“Ah eh. Miss, fiancé ko nga pala.” Tapos lumayo na sakin yung babae.
“Ahhh okay. Basta if you have time. Pwede tayo mag-bonding. You know.” *wink
“Eh kaya naman pala muntik ka nang mapagsamantalahan eh. Medyo maano ka rin eh.”
Tapos tumalikod na si Chandria. Himala ah? Di siya nanugod ngayon. Hmm? Pag galit yun nanunugod eh? Nye.
“Oy teka nga. Aalis na ko. Nagalit na yata yung fiancé ko.”
“Sure dear. Ciao!”
Tapos tumakbo na ko papunta kay Chandria. Nakatahimik lang siya. Inakbayan ko naman siya pero tinanggal niya rin tapos nung hinawakan ko yung kamay, tinanggal rin. Ano ba problema nito?
“Chandria galit ka ba?”
“Hindi.”
“Eh bakit di mo ko pinapansin?”
“Bumalik ka na don. Baka gusto mo pa makipag-bonding dun sa babaeng yun.”
“Ay. Siyempre hindi. Ikaw gusto kong kasama eh.”
Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay. Bali magkatapat na kami. Huminto na rin siya sa paglalakad. Magkakatitigan lang kaming dalawa.
“Nagseselos ka ba?” *smirk*
“Tigil tigilan mo nga yang pag-smirk mo’t di ako natutuwa! Gusto mo bang lunurin kita jan sa tubig na yan?”
“Eh nagseselos ka nga? Hahaha!”
Hinampas naman niya ko tsaka naglakad nanaman. Siyempre hinabol ko nanaman. Tapos hinawakan ko na yung braso niya. Pagharap naman niya sakin, inakap ko na siya kagad. Bali nasa dibdib ko yung ulo niya.
“Wag ka nang magselos. Alam mo naman na ikaw LANG yung mahal ko eh. Ikaw LANG yung pinakamaganda sakanilang lahat. At ikaw ang pinaka pinaka pinakaaaa-dabest!”
Naramdaman ko naman na umakap rin siya sakin. Kaya pumikit nalang ako para mas ramdam ko yung ganito. Haaay. Mahal na mahal ko talaga tong babaeng to. Kahit na amazona. O kaya parang tigre magalit. Pero para palang pusa to kung magselos. Tahimik lang. Ang cute. Haha! Ew gay.
*kringggg kringgg*
“Ay palakang kokak! Panira naman oh. Si Jil tumatawag. Wait lang baby.” Sabi ni Chandria. Ako naman, umakbay lang sakanya. Ayokong humiwalay dito. XD
“Hello Sis?”
“Ah oo. Bakit?”
“Nye. Nagmo-moment pa kami eh.”
“Hahaha! Oo na sige na.”
“Sige. Pasabi nalang pabalik na kami.”
“Kbyeeee.”
“Anong sabi daw?” Tanong ko.
“Balik na daw tayo dun. Kakain na daw.”
“Ehhhhh.” *pout*
“Oh bakit?”
“Kiss mo akooooo.” *baby talk*
Hahaha! Nababakla na talaga ko. Sarap kaya maglambing. XD Hinawakan naman ni Chandria yung magkabila kong mukha tsaka ni-nose to nose muna ko tapos tsuuuuup! Ayun kiniss na niya ko. Kilig much? LOOOOL. Gay. :”>
Ngumiti naman ako. Siya naman namumula lang. Naglalakad na kaming dalawa ulit. Siyempre dahan dahan ulit. Naka-akbay na naka-akap ako sakanya.
“Hmmm baby. Promise ko sayo. Ikaw lang.” sabi ko.
“Promise ko man, ikaw lang din.”
“Promise ko papasayahin kita hanggang tumanda tayo.”
“Promise ko sayo pagsisilbihan kita hanggang kaya ko.”
“Promise di kita papaiyakin.”
“Promise ko sayo, ako magiging dabest wife in the woooorld.”
“Ako naman ang magiging responsableng asawa in the universe! Promise.”
“Promise ko, di kita iiwan.” Sabay naming sabi ni Chandria. :>
Nagtawanan naman kaming dalawa. Nakakatuwa kasi eh.
“I love you Chandria.”
“I love you too Lance.”
-------------------------------------------------
A/N: Kdot. Sila na matamis. Hihi. =)) Anyways, ano kaya yung susunod na chapter dito? Hmmmm! Mamaya ko i-publish. COMMENT guys!! <3
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romans"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...