CHAPTER 15 : She’s here
LANCE’S POV
July 21, Sunday. Trip namin magsimba ngayon ni Chandria. Ako yung nag-aya pero gusto niya rin kasi gusto niya kausapin si Lord. Nandito na rin ako para sabihin sakanya kung sino si Mia sa buhay ko. Kanina pa ko nakagayak. Si Chandria naman kakatapos lang maglinis ng bahay. Di naman kami male-late sa misa eh. 6pm pa yun. 4:30 palang ngayon. Nagpapahinga na si Chandria ngayon kaya kakausapin ko na.
“Bespren.” Panimula ko.
“Hm?” Sagot niya habang umiinom ng tubig.
“May sasabihin kasi ako. About dun kay Mia.”
“Ah? O ano ba yun? Laki ng galit sakin nun.”
“Classmate ko siya nung Fourth year kami. May gusto kasi sakin yun. Lahat ng pagpapa-pansin, ginawa na niya. Pero wala akong paki dahil sa pag-aaral ako naka-focus. One time, nagkasakit si Tita, eh siyempre, malaki utang na loob ko don. Eh kinapos kami sa pera. Muntik ko na ngang magamit ipon ko eh. Pero ayaw ni Tito. Nalaman naman ni Mia yung problema ko, kasi inaalam niya lahat ng kilos ko. Tapos inalok niya ko ng pera. Pero ang kapalit, boyfriend niya ko. Ayon, pumayag ako, tinulungan niya ko na ipagamot si Tita. At sa kabila nun, boyfriend niya ko. Pero nung gumaling na si Tita, kumalas na ko sa usapan. Di niya matanggap yun. Kaya babalikan daw niya ko. At pag may pinalit daw ako sakanya, magdudusa daw. Kaya, I’m sorry Chandria ha? Kung nadamay ka pa.”
Ngumiti naman siya sakin. Kaya bumilis nanaman si heart beat. <3 HAHA! Baduy ko.
“Ano ka ba bespren. Wala yun! Sa pogi ba naman ng bespren ko na ‘to, asa naman na walang maghabol. Kaya pala may kayabangan ka eh. Hahaha. Pero okay na yun. Tapos na eh. Sana sinabi mo na sakin ng maaga. Pero ano yung nakasulat sa letter dati?”
“Ah yun ba? Sabi niya, MISS ME SWEETIE? Nagulat lang ako. Kasi di ko ine-expect na susundan niya ko. Pinatay ko na sa buhay ko yun, parang zombie na nabuhay.”
“Ahhh yun lang pala. Hihi.”
Buti nalang at nasabi ko na kay Chandria. Gumaan na yung loob ko kahit papano. Nagpaalam naman siya na maliligo na. Sabi ko, dun nalang ako sa sala mag-iintay sakanya. Kaya nandito lang ako. Nagsimula na siyang maligo.
Maya maya, may nagdoorbell. Pumunta naman ako sa gate at binuksan yon. Pagbukas ko, bumungad sakin ang isang mukhang mayaman na babae. Ang ganda niya. Mga 40’s lang siguro. May kasama siyang apat na guards. Nagulat siya ng makita niya ko.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...