CHAPTER 27 : Tomb
JIL’S POV
Hinatid ko naman si Tristan sa labas ng bahay namin. Nasasaktan ako na nakikita siyang nasasaktan. Bakit kasi, minsan, hindi mo man lang ako nakita? Ganun na ba ko ka-invisible para sayo ha? Pero wag natin ipilit kung wala talaga. :/
Bigla naman niya kong inakap. Nagulat ako. Mukhang nakainom.Amoyalak kasi eh. Hay nako. Inakap ko na rin siya. Chance na to oh. Tsaka kailangan i-comfort.
“Mahal kita.”
O_________o Ako?? Mahal ni Tristan??
“Mahal kita Chandria.”
Aray! </3 Di kasi nilinaw. Ang sakit tuloy masyado. At feeler din ako. Kaya ako nasasaktan. T_T Kumalas na ko sa pagkaka-akap at pinunasan yung mukha ni Tristan. Umiiyak nanaman kasi. Kalalaking tao eh. :/
“Stop crying Tristan. Walang mangyayari sa iniiyak mo! Sa tingin mo, pag lumuha ka na ng dugo, mamahalin ka na ni Chandria?! Hindi diba?! Kaya tumigil ka na! Kasi kahit kelan, hinding hindi ka niya mamahalin!!!”
“BAKIT?! SINO KA BA PARA SABIHIN SAKIN YAN HA?!”
“Ako Tristan?! Ako lang naman yung taong nagmamahal sayo! Bakit di mo ko mapansin?! Ganyan ka ba kamanhid ha?!
Bigla naman akong hinalikan ni Tristan. Pero kumalas ako. At napatitig nalang sakanya.
“Sana ikaw nalang si Chandria.”
Tumalikod na ko at pumasok na ko ng bahay. Dire-diretso nalang ako sa kwarto ko. Haaay. Ang sakit nun oh.SANAAKO NALANG SI CHANDRIA?!Paraano?Paramasabi na mahal niya rin ako?! T__T
Sinundan pala ko ni Chandria sa loob ng kwarto ko. Tinabihan naman niya ko at pinilit pinaupo. Nakita naman niyang umiiyak ako kaya inakap niya ko tsaka niya pinunasan yung luha ko.
“Now, kwento mo na sakin nangyari. Anong ginawa sayo ni Tristan?”
“Alam mo… Ang swerte swerte mo. Ang daming nagmamahal sayo. Pati lalaking gusto ko, ikaw pa yung minahal. At ang masaklap don, hiniling niya na sana ikaw nalang ako.” *smirk*
“Ha? Anong sinasabi mo Jil?”
“Mahal ka talaga ni Tristan noh Sis? Sana ikaw nalang ako. Baka sakaling mahalin niya pa ko.”
“Ikaw talaga.” *hug* “Tandaan mo, hindi mo kelangan maging ibang tao para mahalin nila. Sapat na yung ikaw. Tulad ko, mahal kita kung sino ka. Kaya wag kang magbabago ha?”
Nangiti naman ako sa sinabi ni Chandria. No wonder kaya nagustuhan siya ni Tristan. Sobrang bait niya kasi. Never ko ‘tong pinlastic or kung ano pa man. Tumahan na rin ako. Di ako iyakin eh, Ngayon lang. Hehe.
“Nga pala Sis, aalis kami ni Lance bukas ng hapon. May pupuntahan daw kami.”
“Sa’n?”
“Ewan ko. Sige na, bumangon ka na jan. Kakain na tayo.”
Di man ako lucky sa lovelife, sobrang lucky ko naman na may kaibigan akong ganito. :D
***
CHANDRIA’S POV
Kakasundo lang sakin ni Lance. Nandito kami ngayon sa loob ng taxi. Di ko alam kung san ako dadalin nito. Sabi ko magsho-short nalang ako pero ayaw niya kong payagan. Ma-damo daw kasi sa pupuntahan namin. Bakit madamo? Baka may kabayo? Ay antaray! HAHAHA.
Maya maya, nakarating na kami sa isang memorial park. Ay ang sweet. Sa sementeryo ko dinala. Lol. Joke lang. Bumaba na kaming dalawa sa taxi. Kinuha niya yung bouquet sa taxi. Akala ko pa naman sakin yung bouquet di pala. Masyado na kong feeler ah?
Tumigil kami sa isang puntod.
| Divine Go |
Ohmy! Bakit ngayon ko lang naisip na yung Mama nga pala niya yung nandito?! Ang baliw ko talaga. Hehe. Nilapag naman niya yung bouquet sa ulunan nung lapida. Tsaka inalalayan niya kong maka-upo sa tabi niya.
“Uhm, Ma, si Chandria nga po pala. Soon to be girlfriend ko po.”
*pak!* Hinampas ko nga!
“Ay hindi po. Matagal pa po bago mangyari yun. Uhm hello po. Nice to meet you. Hehe.”
Ngumiti naman si Lance habang nakatingin parin sa lapida ng Mama niya. Habang tinititigan ko naman siya, nakikita ko sakanya yung lungkot at sobrang pag-aasam sa pagmamahal ng magulang. Nakakangiti parin siya sa laki ng problema niya. Ganito ba talaga ko katatag?
Napalingon naman siya sakin at ngumiti ng nakakaloko. At kumindat pa! Haaay. *O*
“Pwede ba Lance, tigilan mo pagpapa-cute mo. Nasusuya ako eh.”
“Sus. Eh abot nga titig mo sakin eh?”
“Hindi… Di ko lang kasi ma-imagine kung pa’no mo nakakayanan mamuhay ng mag-isa.”
“Dati yon.”
“Ha? Anong dati?”
“Ngayon, di na ko nag-iisa kasi nandiyan ka na.”
Waaaa!Banatbro!Banat! HAHA ^___^ Kilig naman masyado? =))) Hihihi.
“Alam mo ba, tuwang tuwa siguro si Mama.”
“Hala? Bakit naman?”
“Kasi nagpromise ako sakanya na, pag nahanap ko na yung babaeng papakasalan ko balang araw, dadalin ko siya dito.”
“So anong ibig sabihin mo?”
“Slow ka talaga. Ang ibig sabihin non, ikaw na yung babaeng papakasalan ko balang araw. Kaya eto nga pala.” (may kinuha sa bulsa) “Talikod ka.”
Ginawa ko naman yung sinabi niya. Sinuutan niya ko ng necklace. May nakaukit na Lance-Chandria. At heart shaped to. :>
“Salamat Lance.” =)
“Gusto ko, suot mo yan hanggang sa oras na magpropose ako sayo ha?”
“Osige. Sabi mo yan eh.”
Humarap na ulit siya sa tomb at saka ngumiti.
“Ma, ayan, nasuot ko na sakanya yung regalo sayo nung asawa mo dati. Sana gabayan niyo po kami sa lahat ng oras. Mahal na mahal ko po siya.”
“Wag po kayo mag-alala. Kung gaano ako kamahal ng anak niyo, ganun ko rin po siya kamahal.”
----------------------------------------------------
Sige! Pakasaya kayong dalawa! Masyado na kayong sweet! XD Si Jil kausapin niyo nga. COMMENT | VOOOOTE. ~ IncesDomo
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...