CHAPTER 6 : Because of jealousy
TRISTAN’S POV
Papunta na ko sa apartment ni Ganda para sunduin siya. Nauna namang pumasok si Jil eh. Kaya ako diretso na kala Chandria. Di rin naman nagtagal at nakarating na ko sa apartment niya. Abot naman ang ding dong ko dito pero walang lumalabas. Eh kung sirain ko kaya ‘tong gate? XD
“Chandria! Di ka ba lalabas jan?! Napapaligiran ka na namin!” Sigaw ko. Nakakahiya nga e. Yung mga kapitbahay napatingin sakin. XD Buti lumabas kagad si Chandria. Pero di ko inaasahan na kasama niyang lalabas ng pinto ng apartment niya si Lance. Abno ‘to ah? Ba’t nandito to?! Dito natulog ‘to?! O.o
Pumasok ako agad sa loob ng gate. Nandito kami sa may harap ng pintuan ng apartment niya. Eto namang si Lance todo ayos ng necktie. Itsura! Teka. Tatanungin ko pa nga pala kung bakit nandito ‘to.
“Oy Lance, dito ka ba natulog kala Chandria? Bakit kasama ka niya? Ano ginawa niyo ha? Sabihin mo nga sakin! Umamin ka! May ginawa ka ba sa kaibigan ko ha?! Sumagot ka!”
“Medyo praning ka noh? Una sa lahat, pa’no kita sasagutin kung abot ang tanong mo. Pangalawa, hindi ako dito natulog kala Chandria at wala akong ginawa sakanya. At huli, kaya ako nandito kasi sabay kaming papasok ng school. Malinaw?”
“Teka teka. Ako kasabay ni Chandria papasok!”
“At bakit naman ikaw?!”
“Kasi ako yung bestfriend niya! Kaya excuse me Lance. Aalis na kami.”
Hinablot ko kagad si Chandria at tsaka ko hinila papalabas ng gate pero ayaw niya.
“Bitawan mo ko Tristan. Masakit!” – Chandria
“Sorry sorry. Tara na kasi.”
“See pare? Ayaw niya sumama sayo. Kasi bestfriend niya rin ako.”
“Pwede ba? Tumigil kayo. Parehas kayong sasabay sakin! Tapos!”
“AYOKO!” Sabay naming sabi ni Lance.
“Pwes. Bahala kayo sa buhay niyo. Aalis na ko!”
Nagtuloy tuloy naman siya sa paglabas ng gate pero sinundan naman siya kagad ni Lance. Maya maya, may nadinig akong…. “Chandriaaaa!” *blag!*
Paglabas ko ng gate. Nakita ko naman si Chandria at Lance nakahiga sa kabilang way. Nandun sa poste. May dugo si Chandria sa ulo niya. Minulat na ni Lance yung mata niya. Kaya nilapitan ko sila agad. Pero binuhat na ni Lance si Chandria.
“Ano ba Tristan?! Tatayo ka nalang ba jan?! Tara sa ospital! Kailangan magamot ‘tong ulo ni Chandria!” Aba? Angas nitong si Lance ah? Sumunod nalang ako at nagtawag ng taxi. Dumiretso naman kami kagad sa ospital para magamot yung ulo ni Chandria.
Kasalanan ‘to nung Lance na yun eh. Sinabing ako nga kasabay ni Chandria. Ito tuloy nangyari! Kahit kelan talaga. Pahamak yung lalaking yon! >.<
***
CHANDRIA’S POV
Unti unti kong minulat yung mata ko. Nagtingin tingin ako sa paligid ko at parang isang room ‘to na ang divider lang ay kurtina. Napahawak naman ako sa ulo ko. Bakit may benda? Anong nangyari sakin kanina? Teka teka…. Umupo ako sa kinahihigaan ko. Nakita ko naman si Lance na nakayuko at may dugo sa katawan. Nabaril ba ‘to?? O.o Pero lumingon siya sakin tsaka ako nilapitan.
“Chandria ayus ka lang ba?”
“Ha? Oo nam—Ah! Aray!” Napahawak ulit ako sa ulo ko.
“Oh, humiga ka muna ulit. Mamaya tayo aalis na Hapon.”
“Eh ano bang nangyari sakin?”
“Kasi diba nag-away kami ni Tristan tapos lumabas ka ng gate. Sobrang badtrip mo samin kaya tuluy tuloy ka lang sa paglalakad. Eh sinundan kita pero nakita ko, may van na dadaan kaya tinakbo kita tapos bali inakap na rin kita para di ka mabunggo pero nung naglanding tayo sa lupa. Tumama ulo mo sa poste sa kabilang way kaya ganyan. Buti nga wala kang pilay eh.”
“Ah ganun ba. Kaya pala may benda ko sa ulo. Eh nasan si Tristan?”
“Kumuha ng damit. Puro kasi dugo yung damit natin eh. O ayan na pala siya.”
Nakita ko naman si Tristan na ang lungkot lungkot ng mukha. Parang namatayan naman ‘to. May dala na rin siyang Mcdo. Good ‘to. Nakakagutom kasi. :D Mukhang tanghali na rin. Eh kaninang umaga pa ko nabagok. Buti nalang at hindi ako nagka-amnesia. HAHA.
“Chandria, bihis lang ako. Tawag nalang ako ng nurse para bihisan ka.” – Lance
“Sige Lance. Thank you.” Lumabas na siya pagkasabi ko niyan. Tahimik naman ‘tong si Tantan habang nilalabas yung pagkain.
*pak!*
“Aray naman Chandria! Ba’t ba binatukan mo ko?!”
“Arte mo eh. Di naman ako galit kahit nagkaganito ko eh.”
“Sorry ah? Di man lang kita naligtas kanina.”
“Wow ha? Kadrama mo. Ayus lang yun!”
“Kain mo na yan. Pangit ka na eh.”
“Mana sayo.”
Inabutan naman niya ko ng fries at burger. Maya maya dumating na rin yung nurse na magbibihis sakin kasama si Lance. Naka-plain shirt. Kapogi. Uh. Whatever. Makapagbihis na.Panaydugo na damit ko.
______________________________________________
Pangit ba? Hindi naman masyado noh? Vote na po. Comment din. :D Thank you. – IncesDomo
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...