CHAPTER 2 : First Day

2.4K 39 6
                                    

CHAPTER 2 : First Day

CHANDRIA’S POV

Kasama ko yung dalawa kong alagad. Tinitingnan namin kung magkakamukha kami ng schedule na tatlo. Unfortunately, HINDI. </3 Malas naman oh. Yaan mo na. Magkakatabi naman kami ng rooms eh. Iba nga lang yung schedule ng break time tsaka lunch time.Bali, uwian nalang pala kami magkakasama. Badtrip naman. -_-“

“Ganda, sabihin mo sakin pag may bully jan sa room niyo. Bibirahin ko” – Tristan

“Nako! Kung meron man, kayang kaya ko yun! Isang pitik ko lang dun baka tumumba na ye.”

Nilapitan naman niya ko tsaka ginulo yung buhok ko. “Ikaw talaga.”

“Uy basta Sis! Kitakits nalang mamayang uwian ha? Byeee!” – Jil

Saktong bell naman kaya kumaway nalang ako sakanila. Kabilang room lang naman sila eh. Di mawawalay sakin yun. Tsaka yung klase ko. 8-10. Tapos lunch. Then next class, 1-3. O diba ang saya. First class, math then yung sa hapon, English. Kayang kaya ko yan. Tiwala lang! :D

Pagpasok ko ng room. Dalawa nalang yung vacant na upuan kundi dun sa dulo. Kaya nagdirediretso ako dun tsaka ko binaba yung gamit ko. Malamig naman dito kasi may bintanang nakabukas. Fresh air. :D Maya maya, may pumasok na lalaki sa room. Familiar yung mukha. Teka, parang kilala ko to ah? Papalapit siya sa upuan malapit sa tabi ko dahil eto nalang din yung vacant. Tumingin siya sakin.

“Ikaw?!” O___o Eto si Yabang oh. Badtrip. Dito rin pala papasok to.Sana lumipat nalang ako ng school. Waaa. Nagtinginan na rin yung mga blockmates namin dahil sa pagsigaw naming dalawa. Nakakahiya tuloy. >__<

“Miss Angas ano ginagawa mo dito?”

“Mag-aaral. Di ba halata? School ‘tong pinasukan ko diba?”

“Angas talaga sasagot. Bahala ka jan.”

Pagkaupo niya, dumukdok kagad siya sa armchair niya saka natulog. Eh kung bambuhin ko kaya to ng bag? Bwiset. Dito pa kasi nag-aral. Take note! Katabi ko pa. Di ko lang alam kung magiging maganda pa school year ko dahil dito. =__=

Wala pa din naman yung prof namin kaya nagsuot ako ng earphone sa tenga tsaka ako tumingin sa labas ng bintana. Puro puno naman nakikita ko dito. Tsaka yung field. Nalingat naman ako ng konti dito sa katabi ko. Inayos kasi yung ulo niya. Medyo nakaharap na siya sakin. Infairness, gwapo to. Mayabang lang talaga. Ang ganda ng mata ah. I mean yung pilik mata. Hmm. Tangos din ng ilong oh. Gwapong nilalang nga. Ba’t ngayon ko lang napansin? Sus. Nevermind. Mayabang naman. =___=

Dumating na yung prof namin pero tulog pa rin to. Gigisingin ko kaya? Ay wag na. Yaan mo siya. Karma niya yan eh. Walasanasiyang makuhang lessons. Wahaha. Ang sama ko.

Nagche-check ng attendance yung prof namin. Aish. Patay. Pa’no pag tinawag to? Baka nga mapagalitan. Nako. Kawawa naman. Magising na nga.

“Uy. Yabang. Gising.” Sabay yugyog ko ng konti sakanya.

“Oy. Gising! Nandito na si Prof!”

“Yabanggg! Gisinggg.” Kinurot ko yung ilong niya. Hanggang sa magising siya.

“Waa! Ano ba?! Ang ingay ingay mo!!”

Naglingunan samin yung mga blockmates namin. Papalapit na rin samin ‘tong striktang prof namin. Hassle naman oh.

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon