A/N: Thank you ulit sa mga sumusuporta. Pag hanggang huli sinuportahan niyo ‘to. Bongga kayo. Love you all. <3 Papalapit na po tayo ng papalapit sa kasal. At marami pang twists ang magaganap. Keep reading. :*
***
CHAPTER 48 : Friends
JIL’S POV
Heyyo! Namiss niyo ko? Dejoke lang. Umm, masaya naman ako na nakauwi na ng Pinas. Pero mas masaya nung kasama ko si Tristan. Bumalik nanaman yung feelings ko eh. Pero kaya ko ‘tong labanan. Tiwala lang!
Una, pag-uwi ko sa Pinas, kinakabahan ako kasi baka nagtatampo na sakin si Chandria. Halos 1 month rin kaya ako nawala. Tapos wala man lang akong pasabi sakanya. Pero tulad ng isang tunay na kaibigan, sinermunan lang niya ko pero di daw siya nagtatampo. Namiss lang daw niya ko. Nuxx.
Pagpunta ko naman sa bahay nila. Siyempre inakap ko yung babaeng yun tapos dun kami nag-usap sa kusina…
“Oh sis, magkwento ka na nga.” Sabi ni Chandria habang naghahalo dun sa ginulay na mais.
“Eh sis. Pano ko ba sisimulan? Umm, basta tinawagan ako ni Tristan tapos ayun, nagkausap kami tapos tulungan ko daw siyang… Siyang ano… Um… Kalimutan ka.” Di ko alam sasagot ko eh.
“Hala? Eh sana inumpog nalang niya yung ulo niya sa pader para nagka-amnesia siya diba? Mas mahal yung plain ticket ng Europe. Eh pag naumpog siya, ospital lang katapat nun. O diba?” Kahit kelan talaga tong babaeng to.
“Gaga ka. Haha. Pero ayun, wala eh. Di ka nakalimutan Sis.”
“Makakalimutan din nun feelings niya sakin noh! Parang ikaw lang yun eh. Alam ko namang siya parin yang laman niyan!” Sabay turo sa puso ko gamit yung sandok. XD
“Oo nga eh. Nawala na yun sis eh. Kaso nagkasama kami. Tapos parang mag-on pa kami sa Europe. Ayun nahulog nanaman ako. Kaso nung nahulog ako walang sumapo.”
“Tigilan mo na nga yang pagdadrama mo. Be happy na ha? Oh eto tikman mo kung malasa na.”
“Hmm..” “Sis haluin mo pa. Para mas masarap.”
Tapos ayun hinalo na niya ulit.
“Um sis. Ikaw naman magkuwento. Anong gayuma nahithit ng magulang mo kaya ayus na kayo? Eh sa pagkakaalam ko, yung galit ni Papa Lance dun, mas mataas pa sa Mt. Everest eh?” Dugtong ko.
“Ay. Yun ba? Abe ano. Halos last month lang din. Gumora dito Sis. Tapos nanghingi ng tawad. Tapos payag na daw sila sa kasal. Kaya ayan.”
“Nice naman pala eh. Adi tuloy na tuloy na yung kasal niyan?” *big smile*
“Nako. Gusto mo lang ikaw mag-design ng gown ko eh? Oo naman sis.”
*hug* “Yieee! Thanks sis! Promise! Ikaw ang bride of the year. Lol.”
Yan na yung chikahan chuchu namin. Pero kanina talaga di ako maka-get over sa pang-aasar nila Chandria samin ni Tristan sa sasakyan. Hay nako. Tapos si AC, yung pinsan ni Lance. Tinulak si Tristan sakin kaya na-akap ako ni Tristan! Jusko po! Sana na-stuck nalang kami sa ganung moment! Laki ng pasasalamat ko kay AC. Haha. Jk.
Kanina rin naman, nakasama namin yung dalawang Papables na nagpicture. Inaya kasi ni Sis. Kung san san kami gumala kanina. Muntik na nga kami maligaw eh. Buti nalang may napagtanungan kami.
Tapos eto kami ngayon, nagbo-bonfire. Todo ihaw naman sila Tita. Tapos nagpa-party dun sa may tabi nung beach. Kami naman umiinom lang ng shake. Wag muna daw kami uminom ngayon, baka daw magka-apo kagad sila Tita. Kaloko. Hahaha!
Yung mga pinsan naman ni Lance nagsu-swimming dun sa beach. Night swimming ang peg. 7:30 na rin. Kaya di sila iitim. Hanep. Tapos ayun, yung mga oldies nag-iihaw nga. Kami namang apat na magbabarkada, nakaupo sa sand.
Tristan Ako Chandria (tapos si Lance nakahiga sa lap niya. K. Sila na sweet)
“Nakikita mo yung stars na yan baby?” Sabi ni Lance kay Chandria. Kami naman nanunuod lang sakanila habang tinuturo ni Lance yung mga stars.
“Oo naman. May mata ko eh.” Kahit kelan talaga tong si Sis. Basag. Haha!
“Alam mo ba pag walang stars, uulan. Parang ako baby, pag nawala ka, it will rain.”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Napahiga na kami ni Tristan kakatawa. Hahaha! Kasi naman ang corny eh. XD Napahawak na ko sa tiyan ko kakatawa. Nakapikit na nga ako habang tumatawa eh.
Hanggang sa dumilat ako… O___________o
Magkaharap na kami ni Tristan. Aish. Ano ba to?? AWKWAAAAAAAAARD. Psh. Umupo na ulit ako saka humarap kala Chandria. Nakaupo na silang dalawa ni Lance. Pini-pigtail ni Lance yung buhok ni Chandria kaso ayaw ni Chandria kaya nagkukurutan sila. Nakakasuya! Dejoke. Bitter lang.
May naaalala kasi ako. Nasa Europe pa kami ni Tristan nun. Tapos nasa sala ko. Kumakain ako ng ubas nun eh. Tapos tumabi siya sakin tapos tinitirintas niya yung buhok ko. Eh di naman siya marunong. Ginulo lang niya yung buhok ko. Gaganti sana ko kaso ayun tumakbo siya. Kaya hinabol ko siya hanggang garden nila. Nung nahawakan ko na yung buhok niya. Nagkatitigan naman kaming dalawa. Tapos kinindatan ako. AHAY! Lusaw puso. <3 Hahaha!
“Mga pre, alis muna kami noh?” Sabi ni Lance habang nagpapagpag ng shorts.
“San punta?” Sabay naming sabi ni Tristan -___-
“Lakad lakad lang. Solohin ko muna to noh?”
Tapos ngumiti lang at tumango kami ni Tristan. At eto naiwan kaming dalawang nakaupo. AWKWAAAAAAAARD. Tapos naghikab ako. *O*
“Inaantok ka na?” Tanong ni Tristan sabay tingin sakin.
*dug dug* Yung puso ko! Lalabas na yata sa rib cage!! Hahaha =(((((
“Ha? Eh medyo. Nakakapagod kasi yung biyahe tapos gumala kagad tayo kanina. Hehe.” Awkward talaga. Enube.
“Higa ka muna sa lap ko? Mamaya gigisingin nalang kita pag kakain na tayo.”
Kinikilig talaga ko. So ayun. Moment eh. Humiga ako sa lap niya tapos natulog na. Pero di parin ako makatulog. Hinahaplos haplos ba naman ni Tristan yung buhok ko. Kinikilig ako eh!!!
“Sorry Jil sa mga ginawa ko sayo ah? Mahalaga ka sakin. Pero alam ko, dadating yung panahon na matatanggal yung ‘aga’ sa word na ‘mahalaga’. Jil gusto kita. Pero di tulad nung sakanya. Sorry talaga.”
Di ko alam kung ano yung mararamdaman ko sa sinabi niya eh. Natutuwa ako kasi nakakakita ako ng pag-asa na magiging kami. Pero nalulungkot ako kasi di ko alam kung kelan mangyayari yun. Pero kung kelan man yun, kaya kong maghintay. Mahal kasi kita Tristan eh. ;( <3
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...