CHAPTER 8 : Crush?

1.6K 25 4
                                    

CHAPTER 8 : Crush?

LANCE’S POV

Napansin kong may kausap si Chandria sa phone niya. Yung Jil yata. Ang cute nila mag-usap. Nga pala, kaya ko napansin, kasi nandito pa ko sa bahay niya. Di ko ba alam kung bakit ganito ang attachment ko sa babaeng ‘to. Samantalang dati, sobrang angas na angas ako dito. Sabagay, lahat naman ng bagay nagbabago.

“Uy bespren, di ka pa uuwi? Medyo gabi na ah?” Sabi ni Chandria.

“Pinapaalis mo na ba ko?” Sabay pout ko pa. XD

“Pa-cute ka naman masyado. Hmm!” Kinurot niya yung ilong ko tulad ng ginawa niya dati para gisingin ako. Bumibilis yung heart beat ko? Ano to? =___=

“O natulala ka nanaman jan. Umuwi ka na nga.” Tapos tinulak tulak pa ko kunwari.

“Oo na. Uwi na ko. Tawag ka lang pag may kailangan ka noh?” Ang caring ko!! Lol

“Hmmm?” Sabay taas niya ng kilay niya.

“O ano?”

“Napaghahalataan ka tuloy na may HD sakin bespren.” Aw. Bakit kumindat? Lintek tong babaeng to.

“H..ha? Ano ba? Uwi na ko. Babye!” Sabay pisil ko sa pisngi niya.

“Sarado mo gate ha!” Sigaw niya pa. Maka-utos ah.

***

Ano ba yan Lance. 11pm na at di ka pa talaga natutulog ah? Badtrip. May pasok pa bukas eh. -_- Ayus lang kaya dun si Chandria? Teka, kumain na ba yun? Eh safe kaya dun yon? Dapat kasi hindi na ko umalis dun eh. Eh makakapasok kaya yun bukas? Masundo kaya. Ay teka! Ba’t ba iniisip ko yun. Dimoho naman. =___=

Pero alam niyo ba, ang ganda nung babaeng yun. Kundi lang maangas yun eh. Maputi. Ang kinis. Dinaig pa si Jessie Mendiola. May boyfriend kaya yun? Ah baka si Tristan? Pero sabi niya, kaibigan lang niya yun. Pero may gusto si Tristan dun noh? Oh shit. For the second time, ba’t ba iniisip ko ‘to? Haaay. Makatulog na nga. =_=

***

“Lance! Lalabas na ko jan. Wait lang!” Sigaw ni Chandria mula sa loob ng bahay niya. Nasa gate kasi ako. Di pa naman kami late kaya wag siya magmadali.

Maya maya naman lumabas na siya. Ang ganda niya kahit may benda sa ulo.

“Pffft.” Wala natatawa kasi ako. Hirap magpigil -_-

“O bakit ka natatawa jan? Itawa mo na. Delikado yan.”

“HAHAHAHAHA! Pfft. XD HAHA! Kasi naman, para kang baliw sa ulo mo na yan.”

“Ang OA mo.”

“Alam ko.”

“Pasok na tayo.”

Wala. Basag. Eh nakakatawa naman kasi. Papasok ka sa school tapos may ganito sa ulo mo. Parang ewan lang. HAHA. >:D< Okay. Ambabaw daw ng kaligayahan ko. -__-

Sasakay na kami sa taxi. Pero inalalayan ko yung ulo niya. Baka kasi mauntog. Alam mo naman tong babaeng to. Shunga shunga. Haha! :p

“Ang caring mo bespren. HD alert. HAHAHAHA!” Pang-aasar nitong si Chandria. Bahala siya. Di ako magre-react. Baka masapak ko lang ‘to.

***

Break time namin ngayon kaya nagpapaturo si Chandria sa mga blockmates namin kung ano lesson kahapon. Mamaya ako magpapaturo kay Chandria para makapunta ko sa kanila. >:D

Habang nagpapaturo siya.Aba? Loko yung lalaking yun ah? Umaakbay pa kay Chandria?! Malapitan nga! Tinulak ko yung lalaki pagkalapit ko.

“Ano ba pre?! Ano ba problema mo?!” Tanong nung lalaki.

“Ba’t nakaakbay ka sakanya?!”

“Wala kang paki. Sa gusto ko eh?!”

“Eh gago ka pala ye!!” Susuntukin kosana siya pero pinigilan ni Chandria yung kamao ko.

“Ano ba Lance?! Wag kang gumawa ng gulo dito!”

Tumalikod ako saka lumabas ng room. Bahala sila don! Nakakainis talaga! =___= Pumunta naman ako sa Gym para manuod ng mga nagba-basketball. At sa halip na matuwa ako. Nabadtrip pa ko lalo. Ang tanga kasi. Ayaw i-shoot. Kaya naman pala eh. Si Tristan yung naglalaro. Wala pala to eh!

Maya maya, may nakita ako na papaasok dito sa Gym. Si Chandria pala. Pero may lumapit kagad sakanya na lalaki. At binigyan pa siya ng chocolate. Akala naman gwapo siya. Mukha siyang itik. -_- Tinanggap naman ni Chandria yung bigay nung itik. Tapos nakita niya ko kaya tumabi siya sakin.

“Bespren kain tayo?” Sabay alok nung chocolate na bigay ni itik.

“Ayoko.”

“Uy nagtatampo ka ba? Sorry dun sa kanina.”

“Ayus lang.”

“Eh nagtatampo ka nga?”

“Ewan.”

“Hala? Sorry na. Please?”

“Ayaw.”

“Tumingin ka nga sakin.”

“Ayoko.” Bigla naman niyang hinarap yung mukha ko sakanya.

*dugdug* *dugdug*

Eto nanaman yung heart beat ko? Ano ba to? -_-

“Uy bespren! Natulala ka na! HD alert!”

“H..ha? Ay hindi. Hmm. Ikaw talaga. Ang kalat mong kumain.” Pinunasan ko naman yung gilid ng labi niya. May chocolate kasi.

“S..salamat.” Awkward. HAHA. O__o

Natahimik nalang kaming dalawa. Oo nagtampo ko? Ay ewan. Sige. Gagamitin ko na yung word na nagselos. Pero? BAKIT? Basta kasi! Wala lang ‘to. -_- Ang isip bata ko naman kung CRUSH to? Bata lang? Bahala na. Go with the flow men!

-----------------------------------------------------------------------------

Eh echusero ‘tong si Lance noh? May crush nga ba siya kay Chandria? Let see. Vote/comment. 20 votes? Okay na sakin. Please. =( Thank you! – IncesDomo 

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon