CHAPTER 57 : Confessions
MIKKO’S POV
Nakipagkita sakin si Chandria para masoli yung wallet. Buti nalang at hinanap niya ko. Buti nalang talaga. Sakto naman at nasa mall siya. So dun nalang ako nakipagkita sakanya. Nagshirt nalang ako para mas di halata. Baka pag nagjacket kasi ako mas mahalata e. Pero nag-black shades naman ako.
Dun kami nagkita sa arcade. Bata lang yung mga nandun. Walang makakakilala sakin. Nasoli na niya yung wallet sakin. Pinakilala niya rin sakin yung Jil. Friend niya daw. Namukhaan ko nga ‘to kagabi sa Fashion show e. Designer siguro siya.
Lumabas na kami ng arcade. Well, eto nakilala ako ng iba. May fans rin pala ko dito. Haha. Maya maya, nag-excuse samin si Jil. Tatawagan yata yung boyfriend niya. Kami ni Chandria magkasama habang nagsa-sign ako ng autograph sakanila. At nagpapa-picture. Maya maya, umalis na yung fans. Kaya solo ko si Chandria.
“Huy sorry ah. Ikaw pa naging camera man.” Medyo natawa ko sa sinabi ko. Pero sincere ako!
“Sus. Wala yun! Sikat ka nga no? Sorry naman. Wala kasi akong alam sa ganyan. Puro pagluluto lang alam ko eh.”
“Nagluluto? Talaga? May resto ako.”
“Ako man eh. Kaso dati. Wala na eh. Pinasara ko na.”
“Bakit naman?”
“Hmmm.” Napayuko naman siya.
“Ay sorry. Mukhang personal.”
Nagsmile naman siya. Nakita namin si Jil na may kasama nang lalaki. Boyfriend nga niya yata.
“Bro, Tristan James Cruz.” Sabay offer ng handshake.
“Ah. Mikko Jan Lee bro.”
Mukhang magkakasundo naman kami nitong dalawa. Treat ko nga pala sila. Nag-ice cream muna kami habang nagiikot sa mga stores dito. Nagshopping naman yung dalawang girls. Kami ni Tristan magkasama. Nandito kami sa gilid ng escalator.
“Bro matagal na kayong magkakilala ni Chandria?” Tanong ko kay Tristan.
“Kababata ko siya kahit nung nasa Europe palang kami.”
“Kwento ka nga pwede?”
“Bakit naman?”
“Gusto ko lang siya makilala lalo.”
“May gusto ka kay Chandria no?”
Nako patay. Medyo nahuli. Nakakahiya yon. Haha.
“Ah eh. Oo bro. Tagal na. May boyfriend palang yun gusto ko na yun. Na-love at first sight eh. Hahahaha”
Nagtawanan naman kaming dalawa. Una niyang pinakuwento sakin kung pano ko nagustuhan si Chandria. Kaya nakuwento ko naman halos lahat ng pangyayari. Tawa nga siya ng tawa eh. Nakakabakla daw yung nangyari sakin. Kalalaki kong tao tapos na-love at first sight ako. Onga eh. Ewan ba. Ganun siguro talaga.
Hanggang sa magtagal naman na yung pag-uusap namin. At ayun, nakuwento niya rin yung talambuhay ni Chandria. Grabe pala. Ang dami niyang problema dati pero nakayanan niyang harapin yun na kasama si Lance. Sobrang astig na babae ni Chandria. Nakaka-inlove lalo. *O*
“Uy. Pasensya na kayo kung natagalan kami ha?” Sabi ni Chandria habang papalapit samin. Ang dami nilang dala na paper bags. =____=
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Roman d'amour"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...