CHAPTER 12 : War
CHANDRIA’S POV
Kakauwi lang namin galing sa airport. Hinatid na ko ni Lance. Ang tamlay ko padin. Kasi naman, ang hirap kaya malayo sa bestfriend mo. Ikaw? Nagkaron ka na rin siguro ng bestfriend diba? Naranasan mo na bang maiwan dito na wala yung bestfriend mo? Kung hindi pa, mahirap kaya wag mo nang naisin pa.
Pa’no ba mangyayari ngayon? Bukas, pagpasok ko sa school, wala na kong makakasalubong na maingay sa hallway. Yung tatawag ng Sis. Haaay. Makatulog nalang. May pasok ba bukas. 9:30 na pala.
*bzzt bzzt* 1 new message
Fr: Bespren Yabs
Alam ko malungkot ka. Wag ka nang malungkot, kaya siguro ako pinadala ni Lord sayo, para kung sakaling mawala yung iba mong bestfriends, nandito pa ko. =)) Kaya wag nang sad ha? Papangit ka niyan, pangit ka na nga. Haha. Basta ako bespren? HINDI KITA IIWAN. Ily angas! :p Good night.
Anyway, yung Yabs, ibig sabihin, Yabang, baka mamaya akalain niyong Labs yun. Ew lang?! Haha. Pero nangiti ako sa sinabi niya. Hindi iiwan? Bakit lagi niyang sinasabi yun? Lahat naman ng tao, nang-iiwan eh. K. Makapagreply nalang.
To: Bespren Yabs
Kung pangit ako, mas pangit ka. Yabang mo talaga. Humanda ka sakin bukas. Kakabugin ko ribs mo. Tingnan ko lang kundi ka magtino. Tulog na nga ako. Good night. ;)
Di na siguro magrereply yan. Zzzzzzzzzzzzzzzz.
***
Pagpasok namin ng room, nagkakagulo sa loob ng room namin. Grupo grupo yung nag-uusap. Wala naman siguro kaming group project noh? Ay ewan. Umupo nalang kami ni Lance sa upuan namin, pero may letter sa ibabaw ng armchair niya. At nung kinuha niya, naglingunan samin yung blockmates namin at tumahimik. Lumapit naman yung isa naming blockmate samin.
“May isang babae na naglagay jan ng letter na yan. Sabi samin, wag daw namin bubuksan or papakialaman. Once na ginalaw daw namin yan, may mangyayari daw saming masama. Lance, para sayo daw yan.” Sabi nung blockmate namin. Bigla naman nagbago yung expression ng mukha ni Lance. Parang meron siyang alam na di ko alam. Natural, bago palang naman kaming magkakilala eh.
Napalingon ulit siya sa letter at dahan dahan niyang binuksan. Grabe. Parang bomba naman laman nito. -____- Pagbukas niya, nanlaki naman yung mata niya at saka niya nilukot yung letter.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romantik"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...