CHAPTER 22 : Vacation
CHANDRIA’S POV
Ngayong gabi, dito ko sa bahay nila Jil umuwi. May mga damit din naman ako dito kaya yun sinuot ko pampalit. Eto na buhay ko ngayon, kung san san na nakatira tapos wala pa kong trabaho. Nawiwindang ako. Napansin ko naman na biglang nilagay ulit ni Jil yung mga damit niya sa maleta. Tapos tumingin siya sakin at nagsmile. Baliw to ah?
“O anong problema mo?” Tanong ko sakanya.
“Want some vacation sis?”
Vacation?? *O* Nagningning masyado yung mata ko at pumalakpak yung tenga ko. Omaygas! Bakasyon to mah men! Pero may pasok na pa kami sa Monday. -___-
“May pasok ako ateng. Palibhasa ikaw wala.”
“I-excuse kita. Ako bahala. Gagamitin ko pangalan ng Tatay ko. Sasabihin ko napag-utusan lang ako. Hahaha”
“No oh oh. Bad yan Jil. Sabihin nalang natin na may nagpakidnap sakin at kelangan kong magtago for 1 week. For my own safety. O diba? Mas makatotohanan!”
“Bright idea nga naman. Basta bakasyon, gumagana utak ah? Hahaha!”
Edi si Jil na mayaman. Treat naman daw niya lahat to eh. Puro talaga kabaliwan. Basta may maisip na gawin. Gagawin naman ng gaga. Agad naman niyang hiningi yung number ni Tristan at Lance sakin. Isasama daw niya. Akala ko, kami lang dalawa. Kasama pa pala yun. Pero okay lang. The more the merrier. ;)
***
PUERTO PRINCESA, PALAWAN.
Ngayon ko lang to sasabihin…. OHH EMM GEEEE!!! *O* Hanggondooooo! HAHA. :”> Na-amaze ako masyado. Papunta na kami sa Hotel na tutuluyan namin. Biruin mo, nag-hire pa ng tour guide si Jil. Hiyang hiya ako sa pagkayaman ni Sis. :D Ang pogi tingnan ni Lance. Nakashades. *O* Ang hot. Hehe. Naglulumandi lang. :p
“Puerto Princesa is a city located in the western provincial island of Palawan, Philippines.” Sabi nung magandang tour guide. Ngayon ko lang nalaman na, ngayong araw lang pala kami magtu-tour guide tapos bahala na kami sa buhay namin. Makapuri pa naman ako kay Jil kanina. XD Abot ang picure dito oh.
Anyway, kaya nga pala di ko nababanggit si Tristan, tulog eh. Nakasandal pa talaga sakin ah? Masyado nang nakakachansing tong si Tristan. Inangat ko na yung ulo niya at tinanggal yung shades.
O_________o Ang angelic ng face nito oh! *O* Natulala nalang ako nang bigla niyang minulat yung mata niya. Ganito oh -> ^_____^ Sabay sabi ng, “Good morning ganda” Oh em gee ulet!! Napunta na yung dugo ko sa pisngi. Mukha na yata akong kamatis. >/////<
*click!*
Utang na loob! Pinichuran kami ni Jil!! >.< Nakaka-ewan lang ah? Ano ba problema nito? Tapos nung tinignan yung picture, nag-iba yung facial expression. Inalis ko naman kagad si Tristan sa pagkakasandal. Abot ang tawa. Nakakainis lang. si Lance naman, nakatingin sa ibang way. Ang hot parin. Kyaaah! HD alert?! Nooooo!!!! *O*
***
JIL’S POV
Yep! Dito saPalawantrip ko mag-vacation. Puro stress nalang nadadanas ko eh. Kelangan ko din ng fresh air. Di na ko makahinga saManilae. Abot naman ang kuha ko dito ng pictures gamit yung DLSR ko nang biglanggg.
*click!* Nakuhanan ko ng picture si Tristan at Chandria. Si Tristan nasa balikat ni Chandria samantalang si Sis nakatingin lang sakanya. Actually magkatitigan silang dalawa. Awkwaaaaaaard. :/
Agad naman akong tumalikod sakanila. Kami kasi ni Lance magkatabi eh. Nga pala, bus to pero iba itsura. Ganito arrangement namin. |Lance| |Ako| |Tristan| |Chandria|
“Lance picture tayo!” Sabi ko sakanya. Tumingin naman siya sakin at nagsabi ng “Tara.” Ang baba rin ng energy niya. Nasasaktan siguro. Wag kang mag-alala Lance, I feel you. Charot!
***
PUERTO HOTEL (Gawa gawa ko lang yung hotel, wala akong maisip eh. Hihi. ~ A/n)
Baliisang room lang kaming apat. May dalawang beds na malaki kaya kami ni Chandria yung tabi tapos yung dalawang Fafa yung magtatabi. Nakahiga nalang kami ngayon ni Chandria at iniintay yung pagkain naming apat. Nagpa-deliver kasi kami eh. Yung dalawa naman sa gilid ang ingay. Binato ko nga ng unan.
“Hoy ano ba! Ingay ah? Ano ba problema?!” Sigaw ko pero di ako galit ah.
“Bunso! Badtrip reng si Lance eh! Sabi nang akin tong cabinet eh! Wala akong paglalagyan ng damit!” – Pagdidiwara ni Tristan
“Aba Jil! Unfair naman kung siya lang may cabinet! Pano ko?!” – Isa pa tong si Lance
“The heck! If your problem is about that stupid cabinet! Oh my God! You’re so uhhhh! Sis! You talk to them!”
Tumayo naman si Chandria at kinuha yung padlock tsaka ni-lock yung cabinet tapos nilagay sa bulsa yung susi.
“Walang gagamit sainyo ng cabinet. Magtiis kayong dalawa. Pag-uuntugin ko kayo eh!”
“Sorry Chandria.” – Sabay nilang sabi. Galing ni Sis! Napaamo yung dalawa kaya bumalik nalang ulit siya tabi ko.
Di parin pala tapos yung bangayan nung dalawa na yon! Pakinggan niyo ah.
“Ayan kasi. Nagalit tuloy si Chandria!” – Tristan
“Wow pre?! Kasalanan ko pa ngayon?!” – Lance
“Eh sana kung binigay mo sakin yung cabinet edi walang problema!”
“Pota naman Tristan. Pano ko bibigay sayo? Nakadikit yan sa pader! Kabobo mo.”
“Gago. Di kasi yun ibig sabihin ko! Pota wag kang tatabi sakin mamaya!”
“Talaga! Mababakla ka lang sakin eh.”
“Huu! Pare may walo akong packs ng abs. Di ako mababakla sayo.”
“Nako. Minsan, ang kabaklaan tinatago nalang sa abs. Haha!”
“Weh? Baka nga mamaya manyakin mo ko dito eh.”
“Di tayo talo pre. Baka ikaw. Halikan mo pa kamo ko ye?”
“Sigurado ka? Baka mamaya mabakla ka talaga ah?”
“Nako Tristan. Style mo. May HD ka sakin eh.”
“Ako? Baka ikaw. Pogi kong to men!”
“Huu! You’re so gay men! Gayshit bro. Hahahaha!”
“Potek. Ina—“
*ting!* (May nagdoorbell)
Hay sa wakas! Dumating na rin yung order namin. Natigil na yung bangayan nitong dalawa na to. Nakaka-amp lang! Pero talaga? Si Tristan? May 8 packs of abs? Uwaa. *O* HAHA! Di siya macho sa braso, yun pala tinatago sa tiyan. Oy nice! Hahaha. Ako na may HD kay Tristan. Pero seriously? Ang ingay nila! Gaaah! Pero exciting na kong gumala mamayang gabi! Sa’n kaya kami pupunta? Hmmmm! =))))))
--------------------------------------------------------------------
Pwede nang lugaw yung update ko sa sobrang sabaw. XD VOTE | COMMENT | SHARE | BE A FAN. Thank you so much.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...