CHAPTER 5 : The Past

1.9K 22 4
                                    

CHAPTER 5 : The Past

TRISTAN’S POV

Adi ako na may POV. Kawawa si Jil. Haha! Salamat naman kay Miss Author sa pagbibigay ng chance para makapagkwento ko. Anyway, wala eh. Lalong nag-alanganin yung chance ko kay Chandria dahil dun sa Lance na yon. >.< Badtrip  talaga! Kung pwede lang manuntok, ginawa ko na eh. Kaso magagalit si Chandria. Eto naman kasing si Lance halatang may gusto sa bestfriend ko eh. Pag talaga yun nanligaw! Kakabugin ko siya ng walang humpay. =___= Samantalang ako, dumaan na ko sa butas ng karayom, wala padin nangyayari samin ni Chandria eh.

Flashback.

*Europe*

Nagkakagulo na kaming dalawa dito ni Chandria. Pa’no ba naman kasi. Gusto niyang magmigrate sa Pilipinas. Eh hindi namin alam kung pa’no kami tatakas. Madami kasing nakabantay na guards dun sa labas eh. Tsk. Buti tulog na yung parents niya. Ako naman, nagpaalam na sa parents ko na aalis ako at sa Pilipinas na mag-aaral. Buti nga pumayag sila eh. Hmm. Teka teka, may naisip na kong paraan!

“Chandria, pumunta ka na sa garahe. Magtago ka sa gilid ng sasakyan. Tatawagan kita pag ayus na lahat!” Sabi ko sakanya ng pabulong.

“Teka! Sa’n ka pupunta??” Sabay kapit niya sa braso ko.

“Alam ko kasi may pampatulog dun sa medicine box niyo eh. Papainumin ko yung mga guards. Pagtitimpla ko ng kape. Ako bahala!”

“Eh.. Osige sige. Mag-ingat ka ha? Takbo na ko sa garahe.”

Dala dala niya yung gamit niya at yung konti kong gamit. Dun kami titira sa bahay namin sa Pilipinas. Kahit na 15 years old palang kami ni Chandria, kaya na namin ‘to. Tiwala lang!

Nagpunta na ko sa kusina nila. Buti tulog na yung mga katulong. Kumuha ako ng apat na pampatulog. Nagtimpla ako ng dalawang kape. Dalawa lang talaga yung guards sa gate pero apat yung pampatulog para mabisa. Kahit bukas na sila magising. Nagtimpla rin pala ko ng kape ko kunwari.Parakung sakaling sabihin nila na uminom ako, iinom talaga ko. HAHA. Utak diba? =))

Bago ako lumabas ng bahay. Nareceive ko yung text ni Chandria na nandun na daw siya sa garahe. Kaya game na! Bahala na kung anong mangyari. Binuksan ko yung pintuan ng bahay at lumapit sa mga guards.

“Sir Tristan sa’n po kayo pupunta? Ba’t gising pa kayo?” – Guard 1

“Ah. Nagjajamming po kasi kami ni Chandria sa taas eh. Eto po kape. Inom muna kayo.” – Sabi ko.

“Nako Sir. Baka pagalitan po kami.” – Guard 2

“Ako bahala sainyo kuya! Game oh. Sabay sabay tayo. Cheers!”

Nagcheers naman kaming tatlo at uminom na sila. Maya maya, binaba naman nilang dalawa yung tasa. At napahawak sa mga ulo nila.

“Sir medyo nakakaan--- Zzzzzzzzzzzzzzzzz.” Yes! Nakatulog na! Alert!

*Calling Chandria…

[ Hello Tantan? ]

“Chandria takbo dali! Nandito na ko sa gate!”

*tooot tooot*

***

Ligtas kaming nakarating ni Chandria dito sa Pilipinas. Nakasakay na kaming dalawa sa taxi. Pero tulog siya. Sobrang pagod. Tsk. Kundi ko lang ‘to gusto, baka di ako pumayag na sumama dito eh. Kaso sabi niya aalis daw siya mag-isa kapag di ako sumama. No choice eh.

Kaya nga pala niya ayaw don. Pilit siyang pinagta-trabaho ng parents niya. Gusto na siya ang magmanage ng iba’t ibang restobars in different countries inAsia. Pero ayaw niya. Bukod sa mahirap, bata pa siya at gusto niyang mag-aral. Nahihirapan din siya dahil nung nagtraining siya dati para sa pagma-manage, lagi siyang sinisigawan ni Tito. Kaya sawang sawa na siya sakanila. Siya din yung sinisisi ng Mommy niya kung bakit namatay yung magiging kapatid niyasana. Napagalit niya ng sobra yung Mommy niya kaya dinugo at nakunan. Kaya kahit anong yaman ni Chandria, di parin masasabi na ang sarap mabuhay sa pwesto niya.

***

7 pm na. Kakagising lang namin dalawa. Napagod kasi kami kakaayos ng mga gamit namin eh. Nagpa-deliver naman ako ng favorite nun. Chicken. Haha. Yun nalang siguro dinner namin. Maya maya, may tumatawag sa telepono. Sinagot ko naman. Boses lalaki eh.

“Tito?!”

[ Oo. Ako ‘to Tristan. San mo dinala si Chandria?! ]

“Dito po sa---“

Bigla namang inagaw ni Chandria yung telepono sakin.

“Dad ako ‘to.”

[ Where are you?! We’re so worried! ]

“Really Dad? Kelan ka pa nag-alala sakin?”

[ Pa’no na yung business dito?! ]

“Sabi na eh. You’re only worried because of that stupid business!”

[ Stop it Chandria! Anak lang kita! Wala kang kara-- ]

“Yun nga Dad eh. I’m just only your daughter! Kaya stop acting like you care about me! Puro yaman at sarili niyo lang iniisip niyo eh! Magiging maayos buhay ko dito kaya please? Wag niyo na kong pakialamanan. I want to be independent!”

[ Fine. It’s your life! You still have your savings right? Yun gamitin mo. But I promise! Babalik ka dito sa ayaw at sa gusto mo! Makakagawa ako ng paraan Chandria! ]

“Bahala na po kayo! Bye!”

Yes maybe, Chandria is rude, pero di niyo rin siya masisisi right? Binigyan ko naman ng tubig si Chandria kasi umiiyak na.

“Thanks Tristan.”

“For what?”

“For everything. Sinamahan mo ko dito sa Pilipinas.”

“Siyempre bestfriend kita tsaka alam mo naman yun diba?”

“Yung ano?”

“Na gusto kita Chandria. Bakit kasi ayaw mong magpaligaw eh?”

“Isa-sacrifice lang natin yung friendship natin sa love na yan. Bata pa tayo Tantan.”

“Alam ko. I can wait Chandria.”

“Ayoko nang pag-usapan ‘to.”

Nag-nod nalang ako at tumahimik. Dumating naman yung order namin kaya kumain nalang kaming dalawa. Basta maghihintay ako, pangako ko sa’yo yan.

End of Flashback.

---------------------------------------------------------

O, eto po oh? Hindi sabaw yan! Hehe! Isang revelation about sa buhay nila. Madami pa yan. Intay intay lang kayo. =)) Vote nalang po kayo kung ayaw niyong magcomment. Ayus lang. =)) Support po ha? – IncesDomo 

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon