CHAPTER 51 : Recovery

923 8 2
                                    

A/N: Super fast forward lang ito. Bawal malungkot. ^_^

***

 

 

CHAPTER 51 : Recovery

 

 

JIL’S POV

 

 

*Calling Sis…

 

 

[ Hello Jil? ]

 

“Heyya Sisss!”

 

[ Problema mo? Haha. ]

 

“Wala naman. Punta ko jan. May dala kong cake.”

 

[ Cake naman ngayon? Nung isang araw, chocolates ah? ]

 

“Oo nga eh. Basta no? Sarap flavor eh. Black forest!”

 

[ Sige. Intay nalang kita. ]

 

 

At ayun. Binaba ko na yung tawag. Isang taon na rin ang nakakaraan nung nawala si Lance. Hindi siya naka-survive sa accident na nangyari. Di parin namin siya makalimutan. Pero tanggap naman namin na wala na siya. Di lang kami sanay na hindi siya nakikita. Pero si Chandria? Hindi makakalimot yun.

Sa nagdaan na isang taon, maraming nangyari. Si Chandria? Halos na-ospital nang dalawang beses. After kasi ilibing ni Lance. Nagtangkang mag-suicide si Chandria.

Unang suicide? Yun yung na-overdose siya kasi ang dami niyang ininom na tablets. Buti nga at nakita siya nila Tita sa kwarto niya kaya sinugod siya sa ospital.

Pangalawa naman niyang suicide. Ayun, maglalaslas sana siya para magkasama na sila ni Lance daw. Nung una hindi namin siya mapigilan. Nasa kwarto siya nun tapos kami nasa pintuan lang. Wag daw kaming lumapit kasi magpapakamatay siya. Gusto na daw niyang mamatay. Pero alam niyo kung pa’no namin siya napahinito?

Kumuha si Tita ng kutsilyo. Tapos tinutok niya sa tiyan. Tapos sinigaw niya kay Chandria na pag naglaslas siya, isasaksak ni Tita yun sa sarili niya. Pero dahil mahal ni Chandria si Tita, di niya tinuloy. Sobrang maaksyon nung gabing yun.

Sobrang depression ang dinanas nila. Pati rin kaming kaibigan ni Lance. Yung mga Tita naman ni Lance, umuwi sa Laguna. Di na namin sila masyadong nakikita ngayon. Madalang na rin makausap.

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon