CHAPTER 28 : Moving on

959 11 7
                                    

CHAPTER 28 : Moving on

TRISTAN’S POV

“Stop crying Tristan. Walang mangyayari sa iniiyak mo! Sa tingin mo, pag lumuha ka na ng dugo, mamahalin ka na ni Chandria?! Hindi diba?! Kaya tumigil ka na! Kasi kahit kelan, hinding hindi ka niya mamahalin!!!”

“Ako Tristan?! Ako lang naman yung taong nagmamahal sayo! Bakit di mo ko mapansin?! Ganyan ka ba kamanhid ha?!

Mga sinabi ni Jil na nagpe-play sa utak ko. Hindi ko parin maisip na may taong nagmamahal sakin ng ganito. Pasensya naman kung madrama ko. Kung naranasan niyo na to, maiintindihan niyo ko! Pero kung hindi. Mararanasan niyo rin to. Kidding.

Kakagaling ko lang sa bahay nila  Jil. Todo sugod pa naman ako. Bago kasi dumiretso kala Jil bumili ako ng beer. Tapos tumawag na si Chandria. Nagtataka ko kung bakit siya tumawag eh kakapunta lang niya samin kaya sinagot ko.

Flashback.

“Hello Chandria? Nag-us—Teka?! Umiiyak ka ba ??!”

[ Tantan. *siniff* Si *sniff* L..lance ]

“Anong ginawa sayo ni Lance?!”

[Naki..ta k..ko *sniff* sila ni.. ni.. Mia. ]

“Anong ginagawa?! Landian? Ganon?”

[ P..parang gan..un *sniff* na nga. ]

End of flashback.

Kaya ayun, medyo madami na rin akong nainom kaya sumugod ako sa bahay ni Jil at di ko napigilan suntukin si Lance. Pero ayon, nakapagpaliwanag siya kay Chandria. At ako pa yung nagkamali dahil sa pagsuntok ko sakanya.

Pinili kong umalis na don. Hinatid naman ako ni Jil. At ayun, kung anu ano nagawa ko. Nahalikan ko pa yata eh. Uhh. Badtrip naman! Nabastos ko pa si Jil. :/

Matutulog na ko! Baka bukas, di pa ko makapasok dahil uminom ako. -_-

***

*kringgggggg kringggg*

Kaagang istorbo. May tumatawag sakin. Tumakbo kagad ako sa sala para sagutin yung telepono.

“Hello? Sino ba to? Kaaga eh.”

[ Ganyan ka na ba sumagot sa Mommy mo Tristan?! ]

Natauhan naman ako sa sinabi niya. Shit. Si Mommy pala re.

“Yow! I mean, hey Mom? Bakit po kayo napatawag? Sorry sa kanina.”

[ ---- ]

“Mom? Nanjan ka pa?”

[ You’re drunk. ]

“Nah uh. Hindi po ah.”

[ My gosh Tristan. Wag ka nang magsinungaling. ]

“Hang over nalang to Mom!”

[ But still, drunk. ]

“K.”

[ Anong nangyari? Bakit ka uminom? Tell me. ]

Natulala ako sa tanong ni Mommy. Eto nanaman eh. Bumabalik nanaman yung sakit na naramdaman ko. Nakatulog na ko eh. Nawala na. Pero nagising ako.Sanadi nalang ako nagising. Wala na ko sa control. Tulala nalang ako at sumusunod sa gustong sabihin ng bibig ko.

“Mom, I love her so much.”

[ Kelan ba nagbago yun? ]

“Never. At hinding hindi magbabago.”

[ Jan tayo talo anak eh. ]

“Hm?”

[ Ikaw lang yung nagmamahal sainyong dalawa. Ang bata mo pa. Ang dami mo pang maki-- ]

“But Mom, she’s the one.”

[ No. Iniisip mo lang na she’s the one. But she isn’t. ]

“Pa’no niyo po nasabi yan?”

[ You know anak, when I was in College, na-stuck din ako sa Friendzone. ]

Wow. Taray ni Ermats. Pa-friendzone pang nalalaman. Maungkat nga!

“Then what happen?”

[ I loved this guy for so long. Since we’re highschool. Imagine, sinundan ko pa siya sa College kasi sabi niya mahalaga ko sakanya. ]

“Tapos?”

[ Akala ko, he liked me. Yun pala, mahalaga as a friend *laugh* Assumera kasi yung Nanay mo eh. ]

“Ah. Anong nangyari? Ang tagal niyo pong gusto yun ah?”

[ I learned the word acceptance. ]

“Accepting what?”

[ That we’re not really meant for each other. And someday, someone will love me much better the way I loved him. ]

“What about ‘moving on’?”

[ How can you moved on, if you can’t accept the fact that she’s not the one. Learn to accept first, then finally, you can move on by yourself. ]

Na-stuck ako sa sinabi ni Mommy. Imagine? Nasermunan ako ng ganito. Kaya tulad ng kanina, di ko nanaman ma-control yung sarili ko.

“B…bye Mom.”

Binabaan ko na siya ng telepono. Napaupo nalang ako sa sofa habang nakatulala parin. Baka nga oras na para magmove on ako? Ilang years na rin ako nag-intay pero wala talaga? Maybe she’s not the one. Wag nang ipilit. Aaralin ko nalang yung ACCEPTANCE. Tapos maisunod yungMOVEON. Mothers know best. <3

--------------------------------------------------------------

Goodluck naman kay Tristan. ^^ VOTE kung natuwa kayo sa desisyon niya. COMMENT to say kaya niya yun! Please? Thank you zerrr much. ~ IncesDomo :*

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon