Aswang Ako.

964 20 6
                                    

Kapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko.

Ako si Corazon. Isa akong aswang. Huwag kang mag-alala, busog na busog ako ngayon. Hindi ko gagalawin ni dulo ng daliri mo kahit kayang-kaya ko lapain ng buo ang mga lamang loob mo. Inuulit ko, busog ako. At kahit binabasa mo lang 'tong istorya ko, nakikita ko sa isip ko ang lokasyon mo, alam ko mismo ang lugar na kinauupuan mo. Isa iyon sa abilidad ko. At kung trip ko, pwede kitang puntahan. Pwede akong dumungaw sa bintana mo at batiin ka ng "hi!".

Oo, ako yung tinutukoy ng pelikula sa "Corazon: Ang unang Aswang", pero ang laki ng binago nila sa istorya ng buhay ko. Lokong mga writer yun, ininterview-interview ako, tapos hindi naman pala nila gagamitin ng totoo yung mga impormasyon pinagtatanong nila sakin.

Unang-una, hindi ako ang unang aswang; ilang henerasyon na ang nakakaraan magmula nung lumabas ang unang aswang bago ako isinilang. Pangalawa, wala akong asawa; edi lalong wala akong anak. Pangatlo, hindi ko pinili maging aswang; at hindi ako galit sa Dakilang Maylikha, pero sabi nila rebelled ang mga uri namin sakanya; ako, kasual lang. Kung Diyos siya, edi Diyos Siya. Pangapat, gusto ko maging normal na tao at iyon ang hinahanap kong solusyon hanggang ngayon na halos dalawang dekada ko na ginagawa; at pakiramdam ko iyon din ang gustong mangyari sakin ng Dakilang Maylikha – ang maging normal akong tao.

Malakas ba ko? Oo naman. Pero kontrolado ko ang katawan ko, maliban nalang kung gutum na gutom ako; dito nagbabago ang anyo ko. Dito ako sumasalakay ng biktima kahit hindi ko naman gusto. Kaya importanteng lagi akong busog.

Anong kinakain ko? Mga hayop. Pinalaki kasi ako ng mga magulang kong aswang na iyon lang ang kinakain. Minsan nga, iniisip ko kung anong lasa ng tao. Kung anong lasa mo. Masarap ba ng atay mo o ang puso mo? Malinamnam ka ba? Haha. Tinatakot lang kita. Pang-kalabaw, baka, manok, lang ako. Pero ayoko ng baboy. Tumataas ang presyon ko dun at mas mabilis uminit ang ulo ko pag ito ang kinain ko. Kaya bawas muna tayo sa pork. Oo, ako yung nabalitaan niyo na ilang gabi umatake sa mga alagang hayop (maliban sa baboy) ng mga taga Batangas at Pampangga. Yung iba pa ngang lugar, hindi na-i-media, buti nalang, kung hindi, baka masyado akong sumikat at maniwala na ang lahat ng tao na totoo kami. Totoo ang aswang. Totoo kami, pero konti nalang kami.

Yung iba samin namatay na; ginutom ang sarili dahil hindi na nila masikmurang kumain ng laman. Ganun ang ginawa ng mga magulang ko at ganun din ang gusto kong mangyari dati. Pero nagbago ang lahat ng may nakilala akong isang nilalang. Hindi siya katulad ko. Isa siyang mortal, isa siyang lamang tiyan para sa ibang mga katulad namin.

Kinuwento ko rin ito sa mga nag-interview sakin, pero iba yung inilabas nila sa pelikula. Pinaganda nila ang istorya. Kaya eto ako, ako mismo ang maglalabas ng totoong istorya ng buhay ko. Sa akin mismo manggagaling ang katotoohan ng kwento ni Corazon. Akong si Corazon mismo ang magkwekwento. Interesado ka bang malaman? O baka natatakot ka na?

Kung hindi ka pa naniniwala, sundan mo ang istorya ko.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon