Sa loob ng halos tatlong buwan, mas madalas kong nakasama ang mga tao, lalo na yung mga ka-teatro ko. Medyo nalungkot ako kasi nasanay na ko sa presensya ni Tibursyo. Pero kelangan niyang gampanan ang ipinako niyang gagawin nila ng lolo niya. kaya nabawasan ang pagkwekwentuhan namin.
Kung makapg-kwentuhan man kami, umuuwi ako kaagad dahil nga kailangan ko ng tulog para sa gagawin ko kinabukasan.
Kaya naman ang laking tuwa ko nung dumating na ang araw nang huli naming pagtatanghal.
Disyembre 24, 1985, Sa Avenida. Napagdesisyunan ko na ring ito na ang huling pagtatanghal ko. Aalis na ko sa parte-teatro. Aalis ako ng maayos sa grupo namin. Kailangan ko ng pagtuunan ng pansin ang misyon na dapat ko gawin.
Habang naghahanda ako sa kwarto namin sa backstage kasama ang ibang mga karakter na gaganap din, hindi ko alam kung bakit ang lakas ng pintig ng puso ko. Dahil ba ito na ang huli kong pagtatanghal. Dahil ba sa excitement ang kaba na yun. Kung ganun, kailangan kong ibigay na ng todo ang pag-arte ko. Eto na ang huli, hindi ko na to magagawa sa mga susunod na araw kaya dapat ibuhos ko na ang lahat. Full time na ko sa minsyon ko simula bukas.
Tiningnan ko ang script ko, at kahit memoryado ko na to sa dami na ng napagtanghalan namin dito, muli kong inaral at dinama ang bawat linyang ibabato ko.
Pero masyadong magulo sa kwarto na puno ng tao, kaya lumabas ako at naghanap ng medyo tahimik na lugar sa paligid.
Pumwesto ako sa sa isang malaking puno na may katabing isang poste at konti lang ang layo sa entablado para madali nila akong Makita sakaling hanapin nila ko. Naka-suot na naman ako ng costume kaya hindi na ko mangangarag mamaya. Konting retouch na lang ang gagawin ko.
Sinimulan ko ng ibato ang mga linya.
Maya-maya lang may sumagot sa ibinato kong linya.
Alam kong boses yun ni Tibursyo.
"O, wag kang manggulo. Huli ko na to. Kailangan kong ibuhos na dito ang lahat." Awat ko kaagad sakanya.
Lumabas siya galing sa likod ng puno. Mukang kanina pa sia dun. "Sus, dapat sa lahat ng performance mo ibinubuhos mo ang lahat. Ibig sabihin hindi bigay todo yung mga dati mong dula?" nagsimula nanaman siyang mang-asar.
"Bigay todo. Pero syempre iba ngayon."
"Hindi nga dapat ganun, isipin mo ha, kung ang tao nabubuhay na para bang lahat ng gagawin nila iyon na ang huli, tingin mo ano mangyayari?"
"Pagod sila lagi. Tuliro."
"Mali!"
"Anong mali? Yun naman talaga. Isipin mo ngang hindi mo na magagawa ulit ang gustong-gusto mo, nakakatuliro kaya yun, nakakalungkot pa."
"Ewan ko sayo, hindi mo nanaman ako maintindihan."
Tumawa ako. "Naiintindihan ko naman. Pero tama din naman ako. Sabihin nalang natin dalawa ang pwedeng maging reaksyon sa bawat sitwasyon. Isang negative at isang positive."
"Ba't ba ayaw mong tanggapin yung aral na gusto kong ituro sayo?" parang naiinis niyang sabi.
"E kasi, may sarili akong isip?" sabay tawa. "Okay sige na. Tama ka na, dapat laging bigay todo sa lahat ng ginagawa. Hindi natin alam diba, baka yun na nga ang huli."
Ngumit siya. Yung ngiting tabingi nanaman.
"Pero tanggapin mo ding tama ako." Mulli kong bawi.
"Oo na. Isang negative at isang positive na reaksyon. E kung may ibunyag kaya ako sayo. Ano kayang reaksyon mo?" sabay ngiti nanaman.
"Tingnan natin. Edu ibunyag mo para malaman mo." Hamon ko.
"Sige, pakiramdam ko naman kasi ito na ang tamang panahon e." walang gatol niyang sabi. Pero nanahimik muna siya sandali. Tapos muling nagsalita, "Naalala mo nung pumapasok ka pa saeskwelahan?"
"Oo. Bakit?"
"Naalala mo yung batang uhugin na lagi mong kausap?"
"Oo. Huwag mong sabihing ikaw yun!"
"Tumpak!"
"Mukha mo! Jay kaya pangalan nun." tapos ay tiningnan ko ngang maigi ang mukha niya at ikinumpara sa mukha nung batang naging kaibigan ko sa iskwela dahilan upang ipatigil ako sap ag-aaral nina Tatay. Muntik na kong mapamura. May hawig nga sila.
Ngumiti siya ng tabingi. "Jay, stands for Julio."
Binatukan ko siya. "Ikaw yung dahilan kung ba't ako pinatigil sa pag-aaral e. Pinapirmi nalang tuloy ako sa bahay." sabay tawa.
"Oo. Ikaw nga rin yung dahilan kung ba't ayoko ng pumasok."
"Tse.. ambata-bata mo pa nun ha!!! Tumigil ka."
"Totoo. Loko ka e, sinanay mo kong lagi kang kausap tapos biglang hindi ka na ulit pumasok. E wala nga akong kaibigan kundi ikaw lang. Alam mo na, yung feeling na aswang ka, tao sila."
"E ba't hindi mo sinabi kaagad saking ikaw pala yun?"
"Ewan ko. Ngayon ko lang na-feel sabihin sayo e."
"Ewan ko sayo." Napapangti ako kapag tinitingnan ko ang mukha niya. Ba't ba gayon ko langnahalata.
"Madami ka pa ngang hindi alam e."
"Oo, alam ko stalker kita." Pagyayabang ko.
"Ang tindi ah. Ang taas ng self confidence." Sabay tawa ng malakas.
"Kailangan ko yan. Artista ako sa entablado." Tumawa rin ako. Tapos iniba ko ang pinag-uusapan, naiilang kasi ako sa usapan namin, hindi ako sanay, "Excited na ko para bukas. Makikilala ko na ang grupo nila Aling Mayeng."
"Excited na rin silang makita ka. Ang ganda ng buwan no."
"Oo nga. O siya, magpapraktis pa ko. Para bigay todo." Sabi ko.
"Sige, ako sasagot sa ibabato mong linya."
"Wag na, baka puro kalokohan isagot mo."
"Sus, memoryado ko na buong script niyo e."
Hindi siya papapigil kaya pinayagan ko nang magbatohan kami ng linya.
At pagktapos nun, bumalik na ko sa entablado para sa huling pagtatanghal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/45023739-288-k327750.jpg)
BINABASA MO ANG
Aswang Ako
HorrorKapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko. Aswang ako. At kung hindi ka naniniwala, sundan mo kwentong to.