Preempt

238 8 2
                                    

Ilang linggo pa ko nanatili sa lugar na yun. At hindi ako iniwan ni Tibursyo. Sa twing umaalis siya, bumabalik siya agad na may dalang pagkain.

Hindi ko siya kinakausap kahit anong pang-aasar niya. Para lang siyang hangin na hindi ko nakikita. At sinabi ko sa sarili ko, magsasawa din siya. Aalis din siya.

Madalas ibang mga hayop ang nakikinabang ng dala niyang pagkain. Ayoko na nga kasing mabuhay. Pero ang lakas ng talab ng isang pirasong isda na binato niya sa bibig ko nung sumigaw ako. Ilang linggo na ang nakakaraan pero ang sigla pa rin ng katawan ko.

Paano ba mamatay sa pagpapakamatay ang isang aswang? Ang hirap naman para samin ang mag-suicide. Hindi basta-basta tinatalaban ang katawan naming pangtao, kaya panu kaya ako magpapakamatay? Mukang matatagalan ako kung papatayin ko lang ang sarili ko sa gutom.

Magpakahulog kaya ako sa bangin, naku, galos lang ang aabutin ko dun.

Sunugin ko kaya ang sarili ko. Haay, gagawa pa kong apoy. San ako kukuha ng apoy sa lugar na to?

"Hoy Tibursyo, igawa mo nga akong apoy." Kinausap ko na ang mistulang hangin sa loob ng ilang lingo.

Nasa itaas siya ng puno ng mangga, kumakain ng bunga nito, "ano ka sinuswerte?"

Nakakainit ng ulo talaga kausap 'tong aswang na 'to, "Ikinukuha mo nga ko ng makakain araw-araw na hindi ko sinasabi, tapos etong isang hinihingi ko sayo hindi mo magawa?!"

"E sino bang nagsabi sayong para sayo yun? Para yun sa mga hayop."

"Lumayas ka nga----" swak ang isang maliit na mangga sa bibig ko, darestso nanaman sa tiyan ko. at muli kong naramdaman na tinunaw kaagad ng sikmura ko ang manggang buo na may kasamang balat.

Sumigaw ako ng malakas. Pumulot ako ng malaking bato at ibinato ko sakanya.

Nakatalon siya. At nalaglag ang isang malaking sanga ng puno na tinamaan ng malaking bato.

Panu nanaman yan, nagkalaman muli ang tiyan ko.

"Bukas nga pala, dadalin ko dito sina John Lennon. Yung buong The Beatles." sabi ng ungas.

"Wala akong pake. Lumayas ka dito."

"Wala palang pake ha. Sige, tingnan natin bukas."

Hindi ko na siya sinagot. Walang pakikitunguhan ang pakikipag-asaran sakanya. Pero sa loob-loob ko, tinatanong ko ang sarili ko kung totoo bang dadalin niya ang The Beatles sa lugar na to. 

Kaya nga kaya niya?

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon