Pagbalik ko sa Cavite. Nagbubunyi ang lahat. Si Corry na pala ang bagong pangulong. Sayang, namiss kong makita ang pag-aaklas ng buong Pilipino.
Pero naisip ko, okay narin yun, nag-aklas din naman ako habang nag-aaklas ang taong bayan. Ibang klaseng pag-aaklas nga lang ang ginawa ko. At ang mahalaga, malaya na rin ang sarili ko sa Martial Law na pinairal ko sa sarili kong buhay.
Natulog ako ng mahimbing. Ang sarap palang matulog sa kama ko. Ba't parang kahit maliliit na bagay, katulad ng simpleng paghiga sa sarili kong kama, nakakabigay sakin ng pag-asang mabuhay? Nararamdaman niyo rin bang mga tao ang ganito? Yung parang ang saya bigla ng lahat? O ngayon ha, alam niyo ng nararamdaman naming mga aswang ang ganito. At the best ito pakiramdam.
Nakatulog ako ng masaya.
Pagkagising ko, naglinis agad ako ng bahay. Masyado ng napabayaan ang bahay namin dahil sa pagkawala ng mga naninirahan dito.
Habang naglilinis ako, may kumatok sa pinto.
Pinagbuksan ko.
"Ang tindi mo, umalis ka nalang bigla! Salamat sa mga ginawa ko ha.", ito agad ang bungad sakin ni Tibursyo na iniwan ko sa gubat.
Pinagsarhan at nilock-an ko siya ng pinto.
"Hooy sisirain ko tong pinto niyo pag di mo ko pinagbuksan!" medyo pasigaw niyang sabi mula sa labas.
"Subukan mo, nang madala kita sa impyerno." Ganti ko na medyo pasigaw din.
Dumungaw siya sa bintana, "Magwawala ako dito sa labas."
Hindi ko siya pinansin.
"Aba, gusto mo talaga maiskandalo sa mga kapitbahay mo?"
Tinuloy ko lang ang paglilinis.
Maya-maya lang nagsisisigaw na siya sa labas. "Hooy babae. Ang laki ng utang mo sakin. Mahiya ka naman!!!!! Kelan ka ba magbabayad???!! Nangangailangan din ako ng pera. Ganyan ka ba talaga? Katawan lang ang habol mo sakin??"
Muntik na kong masuka sa huli niyang sinabi. At tinablan ako ng hiya sa mga pinagsasabi niyang puro kasinungalingan naman. Yung ungas na yun, desididong siraan ako sa mga tao.
Sinubukan ko siyang hindi pa rin pansinin, kahit kinakabahan ako sa mga pwede niya pang isigaw na paninira sakin.
Patuloy siyang nagsisisgaw sa labas, at nagsisilabas na nga ang mga kapit-bahay.
Narinig ko ang isang ale na nagsabi sakanya, "Nakow, iho. Kahit anong gawin mong sigaw dya-an, walang lalabas na tao sayo. Ilang buwan ng walang umuuwi dya-an."
"Ay hindi ho, nandyan po sa loob yung anak!!!" Pasigaw na sabi ni tibusyo na talagang pinaparinig niya sakin.
Sa loob, nag-iisip na ko ng gagawing palusot.
"Ay si ano ba kamo? Nakow, mukang nagkakamali ka. Wala talagang tao dya-an. Bakit malaki ba ang pagkaka-utang sayo ni eneng? Nakow, mukang tinakbuhan ka na nun kaya siguro hindi na sila umuuwi dya-an." Ibang ale naman ang sumagot sakanya.
Sira-ulo talaga 'tong ungas na 'to. Ang ganda ng record ko dito sa Cavite, binabahiran niya na paninirang puri. Si ale naman, naniwala kaagad. Sabi ko sa isip ko.
Lumabas na ko, baka kung anu-ano pang sabihin ng ungas na si Tibursyo, "Hoy Tibursyo. Grabe ka naman, hindi ka lang na pagbuksan agad dahil nasa C.R ako. Halika dito babayaran na kita!" sabi ko na nakangit.
"Aba eneng, andyan ka pala. Kelan ka pa bumalik? Kamusta na si kagawad at ang Nanay mo?" sabi ng ale pagkakita sakin.
Sumagot ako na nakangiti pa din, "Kaninang madaling araw lang ho. Sila Tatay, nagpaiwan po sa probinsya."
"Nakow, nasasabik na ang tao natin sa barangay na makita ulit sina kagawad at ang nanay mo." Sabi uli ng ale.
"Pumunta nga rin pala si Direk Boy dito nung isang buwan, hinahanap ka. Mukang ginalit mo si Direk a." sabat naman ng isang ale.
Nakangiti pa din ako, "Oo nga po e. kailangan ko siyang maka-usap. May nangyari lang po kasi talaga." Sa loob ko, naiinis ako kay Tibursyo dahil kinailangan kong mag-explain ng hindi ako handa. Hindi pa ako lubos na nakaka-isip ng mga alibi sa pagkawala ko pero eto, impromptu akong nagdadahilan sa harap nila.
"Ay ngayong linggo yata ang punta nila Direk dito satin." Sagot uli ng ale.
Nakangit pa din ako, "Ahh ganun po ba? Mabuti naman. Haay, gustong-gusto ko talaga siya makausap." Tumingin ako kay Tibursyo, "Halika na dito, ibibigay ko na yung pambayad ko." nakangiti pa din ako.
"O siya, maligayang pagbabalik. Tamang-tama, magluluto ako ng putahe, papadalhan kita diyan mamaya." Pahabol ng isa sa aleng naka-usap ko.
"Ay salamat ho." Nakangiti kong sagot.
Nag-alisan na ang mga nabulabog sa pambubulabog ni Tibursyo. Nagbalikan sa kanya-kanyang bahay.
Pumasok na ko sa loob ng bahay kasunod si Tibursyo.
BINABASA MO ANG
Aswang Ako
HorrorKapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko. Aswang ako. At kung hindi ka naniniwala, sundan mo kwentong to.
