Career

255 8 1
                                    

Umuwi ako sa bayan namin sa Cavite. Katulad ng dati, nagpatuloy mamuhay ng normal. Lumipas ang mga araw na para bang normal nalang ang lahat. Pati ang pagkatao namin.

Humanap ako ng pwedeng pagkakitaan. Ikinuha ako ni Tatay ng mga pekeng dokomento sa Recto patungkol sakin: birth certificate sa bago kong pangalan, mga diploma at kung anu-anu pa. Oo, noon pa man, talamak na ang pagpapagawa ng mga pekeng dokomento.

Si Tibursyo, nagpatuloy sa pakikipagkaibigan sakin. Aba, ang lakas ng loob at pumunta-punta na sa bahay namin sa Kawit. Pero wala namang nagbago sa pasya ko. Ayoko siyang maging kaibigan. Ayokong maging kaibigan ang kahit na sino.

Nag-alok pa nga ng trabaho sakin ang mayabang na aswang, pero binago na ng nakaraan ko ang puso ko. Naging matigas na 'to. Wala na 'tong pinagkakatiwalaan maliban sa mga magulang ko. Kaya wala akong tinaggap na kahit ano mula kahit kanino. lalo na kay Tibursyo.

Pero dahil kailangan ko ng pagkakakitaan, sinubukan kong mamasukan sa kompanyang malapit sa bayan namin. Pero buwan palang ang lumilipas, umalis na ko dun ng walang paalam. Ayoko ng ganung uri ng pamumuhay.

Hinanap ko ang gusto kong gawin na pagkakakitaan. Siniyasat ko ang sarili ko. Kung mahilig akong kumanta, maging mang-aawit kaya ako. Kaya ayun, sinubukan kong maghanap ng trabaho bilang mang-aawit.

Nag-audition ako sa mga recording studios, pero lagi akong bigo. Hindi ganun kadaling maging mang-aawit. Naisip ko, siguro dapat muna kong kumanta sa mga hindi sikat na entablado. Sakto naman, dahil nagpa-audition sa plaza ng Kawit ang isang grupo ng mga taga-teatro. Sinunggaban ko ang pagkakataon.

Dala ang mga dokyumento ko, pumila ako sa audition.

At nung tinawag na ang pangalan ko, kumanta ako.

Pagkatapos ko umawit, tiningnan lang ako matagal ng direktor na nakataas ang kilay. Tapos ay tinanong ako kung marunong ako umarte.

Pagsinabi kong hindi, baka ibagsak ako. Kaya syempre, sinabi kong 'oo marunong ako'.

Pina-arte niya ko.

Hala, patay, mabubuking ako.

Pero andun na ko e. Kaya umarte nalang ako. Binigyan niya ko ng script at pina-deliver sakin ang mga linya sa iba't ibang emosyon: emosyong galit, masaya, malungkot, gutom, baliw, natatakot at kung anu-ano pa.

Nung inarte ko ang huling linyang pinagawa niya sakin, tumayo siya at pumalakpak.

Nagulat ako. Talaga? Nagustahan niya?

"Perfect Darling! Perfect! Ikaw na ang hinahanap ko. O sya, mamaya kasama ka na sa praktis natin ha. Sa isang buwan magpeperform tayo sa iba't ibang entablado dito sa Cavite, sa susunod na buwan sa Manila naman. Ok ka ba dun?" sabi ng matinis at malambot na boses ng direktor namin.

"Ahh.. Ehh.. Oo naman po." sagot kong medyo nag-aalinlangan, pero mukang hindi iyon napansin ng direktor.

Oo. Ngayon alam mo ng may artista sa entabladong aswang pala. At may mga dapat ka pang malaman.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon