Gabriel

228 10 0
                                    

Kahit planado na sa akin ang mga dapat kong gawin, hindi ko kaagad maisakatuparan iyon.

Ang laking sagabal ng pagte-teatro ko.

Nagsimula nanaman kasi kami sa pag-eensayo sa bagong dula na aming itatanghal. At dahil nalalapit na ang Pasko, ang kwento ng pagkasilang ni Hesus ang isasadula naming. At ewan ko ba kay Direk Boy kung bakit ako ang ginawa niyang anghel na taga abot ng mensahe samantalang ang alam ko, lalaki dapat yun.

Dinahilan niyang kelangan daw ay mahaba ang buhok at dalisay kumilos.

"Pero Direk, ang dami-dami nating wig dyan."

"E bakit ba? Ikaw ang naisip kong tamang-tama gumanap kay Gabriel. Gusto mo ikaw na magdirek?" pagtataray niya na nakakainis yung tining ng boses.

"Direk, ang akin lang, baka mailto ang mga tao. Lalaki nga kasi yun."

"Ano ka ba!! Walang kasarian ang mga anghel.. O sige ganito, ganito kasi ang nakikita kong anghel sa dula natin.. Makisig." Sinusubukan niyang ipaunawa sakin.

"O e Direk makisig ba ko?" sasapakin ko kaya to si Direk.

"Oo! Wag kang magulo hindi pa ko tapos! Mukang babae, dalisay yung kilos ngunit makisig. Yung ganung tipo."

"Ano yun Direk? Bakla?!"

"Oy sasampalin kita! Magdahan-dahan ka sa pagtawag ng bakla."

"Hindi ko naman sinabing ikaw e." naiinis ko pa ring sabi.

"Ay naku! Tatamaan ka na ha! Batang 'to!"

"Direk, seryoso ba kasi yan? Baka maging comedy yung dula natin. Saka yung boses ko babae o." Pinipilit ko talagang magbago ang isip niya. Una, lalaki naman kasi talaga ang imahe ni Gabriel para sakin. Pangalawa, ayokong sumali sa dula ngayon. Kaya ko naman talagang sundin nalang ang sinasabi ni Direk, ngunit may iba akong gusto gawin. May misyon akong dapat simulan.

"Magiging comedy yun kung di mo aayusan. Yung boses mo, ganyan na yan. Lalagyan lang namin ng effects sa mixer para magboses anghel."

"Tingnan niyo, doble trabaho. Yung mga sinabi niyo, kayang-kaya yun gawin nila----"

"SASAMPALIN NA KITANG BATA KA."

Sasagot pa sana ko pero pinigilan ko na ang sarili ko. Buo na ang desisyon ni Direk. Pwede naman ulit ako mag-missing in action sa dula... Pwede ko naman ulit, iwan nalang sila basta... pero minsan ko na yung nagawa sakanila. At ayoko na yung ulitin. Aswang ako, pero hindi dapat aswang ang ugali ko.

Wala akong nagawa kundi punan ang utang na loob ko kay Direk dahil dun sa pagpapatawad niya at sa binigay niyang pangalawang pagkakataon sakin. Hindi man niya yun isumbat, dama kong kelangan kong suklian ang kabutihan na yun ni Direk sakin.

Magagawa ko rin naman yung misyon ko, sa tamang panahon.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon