1976

387 11 1
                                    

Wala man akong medalya o diploma na maipapakita sa mundo, kayang-kaya ko kayo ilampaso. Subukan niyong makipaglaban sakin ng quiz bee o magpataasan tayo sa bar exam, sigurado akong uuwi kayong talunan.

Magaling yata ang mga maestro ko. Walang binatbat kung sinumang professor ang ipagyayabang mo.

Si Inay ang nagturo sakin ng literatura. Siya ang nagturo sakin, magbasa at magsulat. Nakuha ko rin sakanya ang talento ng pagkwekwento. Itinuro sakin ni Inay ang magkaron ng malawak na imahinasyon. Siya ang nagbigay inspirasyon sakin na magbasa ng magbasa ng mga libro.

Hindi ko alam kung ba't mas mabilis kaming mga aswang na magpasok ng impormasyon sa aming mga utak kesa sa inyong mga tao. Siguro'y dahil sa kinakain namin. O sadyang yun na ang abilidad namin. Pero sige, wag kang mag-alala ireresearch ko ang dahilan pag may time ako. Tapos iiwan ko sa bintana mo ang sagot. :D

Si Tatay naman, tinuran ako ng mga galaw kung sakaling kailangan ko proteksyunan ang sarili ko sa mga mortal na magtatangkang tumugis sa akin. Tinuruan niya rin ako kung paano kontrolin ang pagbabagong anyo ko. Dati kasi, magulat lang ako sa kaluskos naglalabasan na ang mga pangil ko at tumutulis na ang mga kuko ko. Buti nalang dumaan ako sa training ni Tatay. Siya din ang nagturo sakin ng basic knowledge sa math, tapos nun yung iba, binasa ko nalang sa mga libro.

Tapos tandem naman sila sa mga aral na dapat kong tandaan dahil sa pagiging aswang ko. At katulad nga ng sabi ko, isinapuso ko.

Hindi ko sila sinuway, maliban nung araw na nakadungaw ako sa labas ng binatana. Pinagmamasdan ko ang mga batang nagtatakbuhan sa kalsada. Sa kaibaturan ng puso ko, naiinggit ako sakanila. Hindi ko kasi yun naranasan. Ano kayang pakiramdam ng makipaglaro?

Simula nung tumigil ako sa pagpasok sa eskwelahan nung Grade 1, hindi ako nakipag-usap sa kahit kaninong tao. Sa loob ng walong taon, walang ibang nilalang sa buhay ko maliban kina Tatay at Inay.

At habang nakadungaw ako sa bintana namin, kahit labing-limang taong gulang na ako, gusto kong lumabas sa bahay at makipag laro sa mga bata.

Sinilip ko si Inay. Abala siya sa pagbabasa.

Si Tatay, naman nasa trabaho pa.

Hindi ko alam kung bakit nung mga oras na yun ang lakas ng tawag ng damdamin ko. Naengganyo akong tumugon sa masasayang halakhakan ng mga batang patuloy sa paglalaro.

Muli kong nilingon ang kinaroroonan ni Inay. Abalang-abala siya at siguro, hindi naman niya malalaman ang sandali kong pagkawala.

Sandali lang naman ako sa lalabas. Babalik din ako kaagad. Ni hindi naman siguro iyun mamamalayan ni Inay, sabi ko sa sarili ko. Susubukan ko lang pakiramdaman ang kasiyahang kitang-kita ko sa mga mukha ng bata sa harap ng bahay namin.

"Isa, dalawa," bilang ko sa isip, habang hawak ko ang pinto, "tatlo." At dahan-dahan ko ng binuksan ang pinto.

Kasunod nun ay ang pagpasok ko sa mundong hindi ko inaakalang ganun pala sa pakiramdam.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon