Malayang may bakod

275 7 10
                                    

Sinapak ko ang lalaking pangahas na humila sa kamay ko palayo sa tatlong magkakapatid.

Tumalsik siya ng mga isang metro pero nakatayo pa rin. Mukang handa siya sa pag-atakeng ginawa ko. Nasa isang bangketa kami na hindi masyadong matao.

"Ang kapal ng mukha mo!" inis na inis ako hindi lang sa ginawa niya, kundi sa buong pagka-aswang niya.

"Ano bang problema mo? Tinulungan na nga kitang hindi mapahiya sa harapan ng lalaking patay na patay ka." pagyayabang niyang tabingi nanaman ang ngiti.

Nagkakamali siya, akala niya yata nasaktan ako sa pagpapakilala ni Dario ng bago niyang mahal. Ang totoo nagtataka nga ako kung bakit wala na akong sakit na maramdaman. Siguro nga, kelangan ko lang pala sila maharap ulit. Ganun lang siguro ang mag-move-on, o baka kaming mga aswang lang ang ganun mag-move on. Kayong mga tao, panu ba mag-move on?

"Diba sinabi ko na sayong wag mo na kong lalapitan!" gusto ko ulit sapakin ang aswang na 'to.

"At sa tingin mo naman susundin kita?" pang-aasar niya at nakakainis ang mga ngiti niya.

Tiningnan ko lang siya ng matagal. Gusto kong makita niya kung gaano ako naiinis sa kanya at gusto kong makuha siya sa tingin.

"Oo na. Alam ko namang magandang lalaking aswang ako." sabi niya habang nakangiti ng nakakainis.

Ang sarap talaga sapakin ng ungas na 'to. Pero ayoko ng patulan ang pang-iinis niya, alam ko kasing talo lang ako. Ngayon pa lang badtrip na badtrip na ko sa pang-aasar niya, ayoko ng patagalin ang eksena namin.

Tumalikod ulit ako para umuwi na. Uuwi na kong Cavite. At siguro hindi na ako babalik ng Quiapo, nawalan na ko ng gana. Okay na sakin ang lahat. Nawala na ang katiting na pakealam ko sa tatlong magkakapatid na siyang dahilan ng pagbalik-balik ko sa lugar na yun. Wala na akong nararamdaman na damdamin para sakanila.

At wala na kong nararamdaman para sa mundo maliban sa mga magulang ko. Mag-isa na ulit ako. At parang ang ganda sa pakiramdam. Kung dati, nalulungkot ako pagnararamdaman kong kakaiba ako at walang puwang sa mundo, ngayon gusto ko ang pag-iisang to. Ayoko ng kahit sino na lumapit sa mundo ko maliban sa mga magulang ko. Kung dati'y uhaw ako na mapabilang sa mundo ng mga tao, ngayon kahit sa mundo ng mga aswang ilag ako. Okay na ko ng mag-isa.

Nakikihalubilo ako, oo. Nakikipag-usap sa mga kapit-bahay at kunwaring mga kaibigan, pero wala akong kahit anong emosyon para sa kanila. Hindi ako nagagalit, at hindi ako totoong tumatawa. Ang mga ganung emosyon ay kinalimutan ko na, maliban nalang pag-napagtripan kong makinig ng mga awitin. Dito ko lang inilalabas ang mga ganung klaseng emosyon.

"Hoy ba't lagi mo nalang ako tinatalikuran?" lumakad nanaman sa tabi ko si Tibursyo.

Sinapak ko ulit siya, pero naka-ilag siya. Napupuno na talaga ako sa ungas na yun.

"Kung akala mong kumakain pa ko ng tao, hindi ko na yun ginagawa, maliban nalang sa mga halang ang kaluluwa. Aba'y papatayin ko talaga sila. Ipapadanas ko ang bangis ng mga ngipin ko." 

Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin pero wala akong pakealam sa mga pinagsasabi niya.

"O sige, pagpasensyahan mo na kung kayo ang napagbintangan nung lumapa ako ng mga dito. Pero hindi mo ba naisip na maganda na rin ang nangyari? At saka wag kang mag-alala tinuruan na ko ng lolo kong magbago ng diet."

Wala akong pakelam sa mga pinagsasabi niya. Tuloy lang ako sa paglalakad.

"Hoy, kung hindi yun nangyari edi hanggang ngayon nakikipagkaibigan ka pa rin sa mga walang kwentang tao na yun. Kita mo naman hindi nila tanggap kung ano ka talaga."

Grabe ang daldal ng ungas na aswang na to. San kaya siya pinaglihi? Sabi ko sa isip ko.

"Hoy, anak ng.. magsalita ka naman!"

"Wala akong pake sa mga pinagsasabi mo. Hindi ba halata?" 

"Ako dapat ang kaibiganin mo. Aswang din ako."

"Hindi kita gusto maging kaibigan."

"Magugustuhan mo rin ako."

"Gusto mong mamura?"

"Gusto mong makakilala ng iba pang mga aswang?"

"Gag* kang hin*yupa* kang P.I ka." 

Ngumiti siya ng tabingi, "Kulang sa conviction."

"Pak---" hindi ko maituloy. Ang hirap palang gawin pag hindi ka sanay. Naiisip ko ang mga magulang ko. Feeling ko maririnig nila pag nagmura ako. Oo aswang nga kami, pero maayos akong pinalaki ng mga magulang ko. Isa pa, alam kong mali yun sa mata ng Dakilang Maylikha. Siguro iniisip mo kung anong klaseng aswang ako at takot akong magrebelde sa Dakilang Maylikha. Hindi ko rin alam, basta yun yung nararamdaman ko. Alam kong mali ang mali.

"Sige, ituloy mo."

"Uuwi na ko. Parang awa mo na, wag ka ng sumunod." seryoso kong sabi.

"Okay."

Lumakad na ulit ako palayo. Wala ng sumusunod sakin. Nakahinga ako ng maluwag, ang laki ng tinik na nawala sa dibdib ko. Sa wakas malaya na ko sa nakaraan kong pilit bimibihag sakin. Sa wakas gusto ko na ang pagiging aswang ko.. ang pag-iisa ko. At iyon na ang huling araw ng pagbalik ko sa Quiapo. Sa wakas.



Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon