Nilibot nanaman namin ang ilang lugar ng Luzon dahil sa pagsasadula ng Noli Me Tangere.
Nakatulong sakin ng malaki ang pagtatanghal na yun. Napokus ang atensyon ko sa kung anong meron ako at hindi sa kung ano ang mga nawala sakin.
Habang nagiging abala ako sa pagbato ng mga linya ko bilang Sisa, naghihilom din ang mga sugat ng aking nakaraan. Unti-unti ko ng natanggap ang mga dapat matanggap.
Ang ganda din kasi ng mga lugar na napupuntahan namin, nakakagaan ng loob ang mga nakikita kong Obra ng Dakilang Maykapal. Ang laking tulong sa pagmo-move on.
At dahil nagiging mabuti na ang kalagayan ng puso ko, lalo akong naging maingat dito. Hindi ko hahayaang masaktan ulit ito at danasin nanaman ang ganung klaseng paghihilom. Ayoko ng pagdaanan ang ganung uri ng sakit.
Lahat ng kakilala ko, hindi ko hinahayaang makapasok sa buhay ko. Hanggang dun lang sila sa limitasyong nilagay ko para sakanila.
Ang totoo niyan, napapnsin na din ng mga kasamahan ko sa teatro ang ganung klaseng pag-uugali ko. Tinagurian tuloy nila akong 'babaeng walang emosyon maliban sa entablado'. Hindi ko na sila kinontra, totoo naman ang sinasabi nila tungkol sakin.
Akalain mo yun, kahit pala nakikitawa at nakikikwento ako sa kanila, kahit ngumingiti naman ako ng madalas, nahalata nila na walang hugot yung mga yun. Yung kung baga sa nagpipinta, nagpinta ka lang kasi sinabi ng customer mo pero hindi naman talaga iyon ang gusto mong ipinta, kaya ang labas, walang puso ang obra mo. Naku, sana naintindihan mo ang gusto kong ipaliwanag.
Hindi naman talaga malungkot ang ganung klaseng buhay. Sanayan lang yan. Pero aaminin ko, napapaisip ako, ganto lang ba talaga ang buhay ko. Bakit parang hindi lang dapat ganto ang uri ng pamumuhay ko. Bakit naghahanap ako ng sense of purpose ng pagiging aswang ko. Pakiramdam ko talaga, may mga bagay pa kong dapat gawin bukod sa pagtatanghal. Sana kasi napupuntahan sa langit si Dakilang Maylikha, para tanungin ng mga bagay-bagay. Gusto kong malaman kung bakit kami aswang.
At si Tibursyo, bakit sabi niya marami pang ibang aswang, e samantalang sa lagpas dalawang dekada na pamumuhay ko na nun, wala pa kong nakikilalang ibang aswang maliban sakanya at sa Lolo niya.
Kung totoo ang sinsabi niya, nasan kaya ang iba? Hindi kaya matagpuan ko ang sense of purpose ko pagnatagpuan ko ang ibang mga aswang. Hindi kaya dapat sakanila ako nakikihalubilo?
Sila Inay at Tatay naman kasi, pinalaki akong malayo sa tao at malayo din sa aswang. Ang dami ko tuloy hindi naiintindihan sa pagka-aswang ko. Ni hindi ko nga alam kung san nagmula ang mga magulang ko. Ang tindi naman nila magtago ng sikreto hanggang kamatayan talaga. Parang gusto ko ng ganung kaibigan.
Sa unang pagkakataon, gusto kong makausap si Tibursyo, gusto kong malaman ang lahat ng bagay tungkol saming mga aswang. Mukang madami siyang kilalang ibang aswang, gusto ko na rin sila makilala. Tutal sabi rin naman niya nung huli naming pag-uusap, marami pa siyang ikwekwento. Gusto ko ng marinig ang mga kwento niya. Siguro'y handa na ko.
Mabuti nalang at laging nanunuod ng pagtatanghal namin ang Tibursyo na yun, hindi ko na siya kelangan hanapin. Ang kailangan ko lang gawin, lapitan siya. Simula nung huling araw na pina-alis ko siya sa bahay, hindi na niya ko ginambala at kinausap, pero lagi naman siyang nanunuod ng pagtatanghal namin. Minsan nga, patago pa. Akala naman niiya hindi ko nakikita, e aswang din ako. Oo nga pala, na-ikwento ko na yun.
Nung matapos ang huling pagtatanghal namin ng Noli Me Tangere sa bayan ng Laguna, agad kong pinuntahan si Tibursyo na nakatayo sa tabi ng madilim na puno habang tumutogtog ang awit ng VST. At sa unang pagkakataon, ako ang lumapit sakanya.

BINABASA MO ANG
Aswang Ako
HorrorKapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko. Aswang ako. At kung hindi ka naniniwala, sundan mo kwentong to.