Entablado

258 8 0
                                    

Naging pangalawang buhay ko na ang pag-arte sa teatro. Dito ko natagpuan ang mga nawawala kong emosyon. Dito ko nailalabas ang galit, ang saya, ang lungkot na dapat naman talaga ay naipapahayag ko sa totoong buhay. Pero dito.. dito sa pag-arte ko lang ito nailalabas, kaya siguro hangang-hanga sakin si Direk Boy, dahil bigay todo talaga ako sa paglabas ng emosyon sa entablado. Bakit ko naman pipigilan pa ang emosyon ko? E eto na nga lang ang paraan para mailabas sila. pipigilan ko pa.

Sa loob ng isang buwan, nagpalibot-libot ang grupo namin sa buong Cavite upang magpalabas ng aming dula.

Ibong Adarna ang unang dula na kinabilangan ko. Ako ang pinaganap ni Direk Boy na Ibong Adarna, nakakatuwa nga kasi may pagkakapareho kasi kami ni Adarna. Una, parehas kaming hindi tao; pangalawa, pareho kaming hina-hunting ng tao; pangatlo, mahilig kami kumanta; pang-apat, pareho kaming nasaktan; at marami pa kaming pagkakapareha. Kaya naman kahit hanggang ngayon, siya ang paborito kong karakter sa lahat ng ginampanan ko.

Sa loob ng isang buwan, nasanay akong matulog sa iba't ibang lugar kasama ang buong grupo ng teatro.

Muli nanaman akong nahiwalay kina Inay at Tatay. Pero ngayon, lubos na ang tiwala nila sakin. Alam siguro nilang malaki ang natutunan ko sa mga nangyari dati at hindi ko nay un hahayaang naulit muli.

Tama sila. hindi ko na yun hahayaang maulit muli.

Pagkatapos ng isang buwang paglibot namin sa lahat ng entablado at plaza ng Cavite, meron lang kaming isang lingo para makapagpahinga. Pagkatapos nun, ibang lugar naman. Sumunod ang Maynila, tapos Bulacan, tapos Pampangga, tapos Nueva Ecija at marami pang iba.

Hindi naman ganun kalaki ang kita namin sa pagte-teatro, pero masaya ko sa ginagawa ko. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko na ngang aswang pala ko.

Iba't iba ang katauhan ko. iba't iba ang pangalan ko depende kung sino ang karakter na bibigyang buhay ko. Sabi ko sayo e, hindi mo na ko kelangang pangalanan, dahil wala namang silbi. Wala na akong katauhan.

Kumakain pa ba ko ng hilaw na laman ng hayop? Sobrang dalang nalang mga isang bes sa loob ng tatlong buwan. Malaking bagay na natutunan kong kumain ng lutong mga pagkain, kasi hindi na ko nahirapan sa pagpapanggap ko.

May itinuring ba kong mga totoong kaibigan dito sa teatro? Wala pa rin. Wala akong pake sa lahat maliban sa pag-arte ko. nakikitawa naman ako at nakikihalubilo, pero hanggang dun lang yun. Walang mas malalim na emosyon.

Hindi naman ako sumikat, pero meron akong numero unong taga-hanga. Sino pa nga ba, edi yung ungas na si Tibursyo. Lahat ata ng pagtatanghal namin, andun siya. Wala siyang pinalampas. Minsan, nagtatago pa siya, akala naman niya tanga ako at hindi malalamanng pinapanuod niya ko sa di kalayuan. Nakalimutan niya atang aswang ang artistang umaarte sa entablado.

At ang aswang ko talaga, dahil sa kabila ng pagpupumilit ni Tibursyong makapasok sa buhay ko, hindi ko siya binigyan ng puwang. Huwag mo sanang isiping nagmamaganda ako, sana naiintindihan mo kung san ako nanggagaling.

Hindi ko siya hahayaang mapalapit sa buhay ko. wala akong hahayaang kahit sino, aswang man yan o tao.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon