Rebelasyon

281 8 0
                                    

Agad sinilip ni Inay sa bintana kung sino ba ang hindi malaman kung nagdadabog o kumakatok ba sa labas ng pinto.

Mga tanod daw, at may iilang taungbayan sa likod nila.

At alam na nga naming tatlo kung anong sadya ng mga ito.

Hindi ko malaman ang gagawin. Wala na ang alas ko sana sakanila. Nanghihinayang ako at nagsalita si Tatay. Hindi namin magagamit ang talab ng hininga niya.

Lumakas pa ang mga katok. Sa nakasanayan niyo, gabi tinutugis ang mga aswang, pero sa totoong buhay, katulad nito, wala naman talagang pinipiling oras. Eto nga't kaaga-aga, e may gumagambala samin.

Nung mga oras na yun, kasabay ng malalakas na katok sa labas, pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko, nawalan nanaman ako ng pagkatao. Bumalik nanaman ako sa dating Corazon.

Tiningnan ko si Tatay, naluluha na ako. Anong gagawin namin?

Nagsalita ang isang tanod sa labas, "Hoooy mga aswang lumabas kayo dyan!!!! Kampon ni satanas.. lumabas kayo!! Lintik kayo!!! Yung kapatid ko pa ang ginawa niyong lamang tiyaaann!!! Nagkamali kayo ng biniktimaa!!!"

Hinila ni Tatay ang kamay ko, at sinenyasan niya si Inay na sumunod. Duon kami dumaan sa secret passage namin sa bubong. Nagsimula ng tumahimik si Inay at Tatay. At alam ko na ang dahilan. Kailangan namin magamit ang epekto ng hininga nila sa tao. At ganun din ang gagawin ko, eto nalang naman ang natitirang pag-asa para manatili kami sa Quiapo.

Pagkadating namin sa tuktok ng bubong. Meron agad nakakita samin at itinuro kami sa ibang kasama nila. Hindi kami makalipad, umaga nuong mga oras na yun. At hindi nga namin kayang lumipad kapag umaga.

Nakita ko rin ang ibang taungbayan na naka-abang na sa llikod bahay namin.

Tumulo na ang luha ko sa takot. Pero ni isa samin nila Tatay walang nagsasalita.

Meron na ding ilan na umaakyat sa bubong, habang minumura kami at tinatawag kaming alagad ng demonyo. Yung mga kapit bahay namin naglabasan na din at nag-sign of the cross.

Nagsimula na silang batuhin kami ng kung ano-ano. Si Tatay palinga-linga pa rin at humahanap ng madadaanan naming tatlo. 

May isang bumato ng malaking bato at tinamaan sa ulo si Tatay, napa-urong lang ito ng konti. Malakas si Tatay, bukod sa aswang siya, malakas talaga siya bilang aswang. 

Tinamaan na rin ako ng malaking bato. At ng tingnan ko ang taong pinanggalingan ng bato, mas masakit yung naramdaman ng puso ko kesa sa tama ng bato sa ulo ko.

Si Dario.. nakatingin ako sa mga mata niya. Pero hindi ko na nakikita yung mga matang puno ng pagsinta sa twing nakatingin sakin. Yung lalaking simula ng makilala ko, nagsilbing taga protekta ko, ang siyang nanakit sakin ngayon; yung lalaking sa loob ng tatlong taon hindi ko binigyan ng importansya ang pag-ibig na iniaalay sakin at hindi nagsawa, pero bat ngayon sa isang iglap, nawala ang pag-ibig na yun. Ganun kadali? 

Muli siyang kumuha ng maibabato. Si Nica, ang bunso nila, nakita kong nag-abot pa ng mas malaking bato sa kuya niya. Si Dora, umiiyak, pero nilalait niya ang buong pamilya namin. Habang umiiyak siya, tinwag niya pa kong traydorat kung anu-ano pang masasakit na salita.

Ang tanga ko, kasi akala ko dati kahit malaman nila ang totoo kong pagkatao, mamahalin parin nila ko bilang ako. Bilang si Corazon. Wala naman akong pagpapanggap sa harapan nila, maliban lang sa pagiging aswang ko. Akala ko, sapat na yun. Sapat na ang pagiging Corazon ko para mahalin nila ko kahit aswang nga ako. Ang tanga ko pala, kasi umasa ako sa isang himala. At yung puso ko, bat ganto ang nararamdaman? Sa unang pagkakataon, pakiramdam ko, may dumudurog dito. Ayoko ng sakit na to. Panu to tanggalin?

Akma ng ibabato ni Dario ang malaking bato na inabot sakanya ni Nica, pero kahit hindi pa niiya iyon naihahagis, nasasaktan na ko ng sobra. Hindi naitago yun ng mga mata kong patuloy naglalabas ng mga likido na kulang din naman para ipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.

Ibinato na ni Dario ang hawak niya at sinalag iyon ng kamay ni Inay. Tumilapon lang ang bato sa kabilang dako. Niyakap ako ni Inay. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong nadama niya yung sakit na meron sa puso ko. Lalong lumakas ang agos ng luha ko sa yakap ni Inay. At nung mga oras na yun, alam ko kung sino lang talaga ang totoong nagmamahal sakin.

Sinungaling si Dario.. sinungaling silang lahat. Hindi totoo ang pag-ibig na pinagsasabi nilang mga tao.

Habang nagdradrama ako sa bubong at yakap ni Inay. Isang malaakas na atungal ng tigre ang narinig namin at sinundan pa ng isa. Pagkatapos ay tumahimik ang paligid.

kumalas ako sa pagkakayakap ni Inay. Parehas kaming nagulat sa pangyayari. Nakita naming nakahiga na sa lupa ang lahat ng mga taong tumutugis samin.

Nakatulog na sila sa nalanghap nilang hangin galing sa bibig ng aswang na nagpakawala ng hiyaw. Paano yun nangyari? Wala pang isang oras ang hindi namin pagsasalita, tanong namin ni Inay.

Tumingin kami kay Tatay. Pero kahit siya, waring ganun din ang katanungan. Hindi pala siya. At kung hindi siya ang nagpakawala ng hininga, e sino?

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon