Kinabukasan, nainis ako sa itsura ng mata ko. Hindi maitatagong umiyak ako magdamag.
At sa twing naalala ko sina Tatay at Inay at ang dahilan ng pagkawala nila, patak lang ng patak ang mga luha ko. Ang sakit sa puso. Yung tipong dapat may nagawa ka para hindi yun mangyari pero wala kang nagawa. Hindi lang pagkabigo ang tawag dito. Pinagsama-samang kalungkutan, panghihinayang, paninisi sa sarili at pighati ng nawalan ng minamahal. At hindi ganun kadaling dalhin sila lahat kahit pa nga aswang ako.
At siguro ngayon, malinaw na sa inyo na may emosyon din kaming mga aswang. Nawa'y pakatandaan niyo yan.
Buong araw nanaman akong nagmukmok sa bahay.
Natulog.
Nagising kinaumagahan.
Mukmok nanaman.
Natulog ulit.
Nagising kinaumagahan.
Mukmok nanaman.
Pero nung araw na yun, may kumatok sa pinto.
Naisip kong si Tibursyo nanaman yun. Hindi ko pinansin.
Nagpatuloy sa pagkatok yung nasa labas at sinamahan na ng pagtawag sa pangalan ko. Hindi yun boses ni Tibursyo.
Matining at malamya na boses ng lalaki ang kumakatok sa labas. At kilala ko na kung sino yun. Si Direk Boy.
"Sandali.", inayos ko muna ang sarili ko bago ko siya pinagbuksan ng pinto.
Pagpasok ko pa lang ng pinto, agad siyang pumasok sa bahay at hinila ako sa sala, "Iha, anong nangyari sayo ha? Ba't iniwan mo nalang kami sa ere at biglang missing in action ka?"
At sinimulan ko na nga ang mahabang eksplenasyon ko sakanya na syempre ay gawa-gawa ko lang. Humingi ng patawad. At tinganggap naman ito ni Direk Boy. Tinanggap niya din ako muli sa teatro. Agad niyang ibinigay sakin ang iskedyul ng praktis.
Noli Me Tangere daw ang idudula namin. Alam na alam ko ang nobelang ito, isa ito sa mga paborito ko. Ang totoo niyan, pangarap ko ngang magampanan dito si Maria Clara, pero si Direk, ibinigay sakin ang karakter ni Sisa. Hindi siguro bagay sakin ang papel na Maria Claara, saying. Pero ok na rin yun, isang prebilihiyo kaya ang mapabilang ako sa mga gaganap sa nobelang ito.
Pinansin ni Direk Boy ang itsura ko, muka daw akong sampaguitang lanta. Kailanganko daw mag-ayos ng sarili ko gantong babalik na ko sa pagteteatro.
Umuo nalang ako. At naisip kong muka siguro akong Sisa sa kalagayan ko.
Binilin muli ni Direk ang unang araw ng praktis at pagkatapos ay umalis na siya.
Pagkalabas ni Direk, tumingin ako sa salamin. Hindi naman ako mukang Sisa. Mas malala pa ako sa itsura ni Sisa.
Dapt na kong maligo ulit. Kailangan ko ng ayusin ang sarili ko sa nalalapit na pagbabalik ko sa entablado.
Pero naalala ko, wala nga pala kong sabon at shampoo. Bigla kong naisip si Tibursyo. Ba't kaya wala siya e kailangan ko ng tulong niya. Pero sinaway ko ang sarili ko, hindi pwedeng dumepende at masanay ako sa tulong ng ungas na aswang na yon. Hindi pwede.
Kinuha ko ang alkansya ko sa ilalim ni kama. Lumabas ako. Bumili ng sabon, shampoo at toothpaste. At pagkatapos ay naligo.
Pero nung mga oras na yun, napa-isip ako kung gantong klaseng buhay na ba talaga ang meron ako. Ano pa bang naghihintay mangyayari sa buhay ng aswang na tulad ko? Parang walang kwenta. Meron akong pakiramdam na higit pa dito ang dapat kong gawin. Ano yun?
BINABASA MO ANG
Aswang Ako
HorrorKapag sinimulan ko ng ipakilala ang sarili ko. Huwag kang tumakbo. Paki-usap, gusto ko lang pakinggan mo ang istorya ko. Aswang ako. At kung hindi ka naniniwala, sundan mo kwentong to.