Truth Be Told

275 11 0
                                    

Sa loob ng bahay, gusto ko bigla saktan si Tibursyo, inuubos talaga nito lahat ng pasensya sa katawan ko, pero wala akong enerhiya para makipagbangayan sakanya. Ang gusto ko lang, tumigil na siya sa pagpupumilit maging parte ng buhay ko. Ang gusto ko, tigilan na niya ko.

Kahit may bagong pag-asang dala ang panibagong yugto ng buhay ko.. yugto kung saan wala na ang mga magulang ko.. hindi pa rin nagbabago ang desisyon kong wala akong papayagang makalapit sa buhay ko. Maging tao man yan o aswang, hanggang dun lang sila sa limitasyong ilalagay ko. Limitasyong makakatulong upang hindi na ako muling masaktan.

Huminga ako ng malalim at seryoso kong hinarap si Tibursyo. "Tibursyo, O sige tatawagin kitang Julio para maintindihan mong seryoso ako sa sasabihin ko."

Ngumiti nanaman siya ng tabingi. "Yan ang unang beses na tinawag mo ko sa pangalan ko a. Magpa-piyesta kaya ako?"

"Kakasabi ko lang seryoso ako sa sasabihin ko."

"Seryoso din ako." nakangi pa rin niyang sabi.

"Tigilan mo na ko. Nung sinabi kong hindi kita gustong maging kaibigan, totoo yun. At hindi yun magbabago."  walang kurap na sabi ko sakanya.

"Alam ko na yan. Ilang beses mo na yan sinabi."

"E ano bang hindi mo maintindihan?" naiinis nanaman ako. Ang hirap kausapin ng kausap ko.

"Ikaw ano bang hindi mo maintindihan? Hindi mo kaya ang sarili mo. Akala mo ba, tayu-tayo lang ang aswang dito? Akala mo walang panganib sa paligid kasi aswang ka?  Nagkibit-balikat lang siya.

Anong walang panganib? E ilang bes na nga ako nasaktan. Ang tanga ko naman pag di pa ko naniwala sa panganib. Sabi ko sa isip ko."Hindi ko kelangan ng proteksyon. Paano mo nalaman yung lugar ng mga alabok nila Tatay?" seryoso kong tanong.

"Sinagot ko na yan diba."

"Akala mo ba ganun kadali magsinungaling sakin? Tapos ine-ekspek mong magiging maayos ang pakikitungo ko sayo? E dinadagdagan mo lang ang mga atraso mo."

Dumaretso lang sa kusina si Tibursyo.

"Bakit naging alabok ang mga magulang ko?" sinundan ko siya sa kusina.

"Pinili nila yun gawin."

Nabuhayan ako dahil sinasagot na niya ang mga tanong ko. "Paanong pinili?"

"Pinili. Ginusto."

"Alam ko, pero paano nga?" sinusubukan kong maging mahinahon sa mga tanong ko, baka mamaya maprovoke ko nanaman 'tong aswang na to at hindi na sumagot sa mga tanong ko.

"Akala ko artista ka, e bakit para kang reporter?"

"Ano nga? Anong nangyari sakanila?"

"Nagpagutom sila katulad ng ginawa mo, Ni hindi mo ba yun napansin sa twing umuuwi ka galing pagtatanghal?" tumingin siya sakin na may bahid paninisi. "At nung alam nilang hindi na sila magtatagal at magiging alabok na sila, dun sila nanatili sa gubat na pinuntahan natin."

Tinitingnan ko lang ng maigi si Tibursyo. Tinatantya ko kung nagkwekwento siya ng totoo. Pero nagsasabi man siya ng totoo o hindi, tagos parin ang sakit ng katotohanan na naging pabaya akong anak.

Nagpatuloy siya sa pagkwekwnto. "Matagal na nilang ayaw maging aswang. Pero hindi nila alam kung paano mawawala 'to. Ikaw lang naman ang naging dahilan ng patuloy nilang pamumuhay sa mundo. At nung makita nilang kaya mo na ang sarili mo. Panahon na para sakanila na lisanin ang mundo. Tinalikuran na nila ang katauhan nila na matagal na nilang kinamumuhian."

"Teka, panu mo naman nalaman yung mga pinagsasabi mo?!!" naluluha nanaman ako, pero naisip ko, baka inuuto nanaman ako ng aswang na 'to.

"Sinabi nila."

"Aba, at sinabi pa talaga nila sayo? Samantalang ako na anak nila, wala silang nabanggit na kahit ano."

"E kasi nga anak ka nila. Maglalabas ba ng ganung hinaing ang magulang sa anak? Pinalaki ka nilang mabuting aswang tapos sasabihin nilang: 'alam mo anak, matagal na naming kinamumuhian tong pagiging aswang e, ikaw kasi dumating ka e, ayan tuloyn kinailangan naming mabuhay para sayo.. at ipospon ng mahabang panahon ang pagpapakamatay naming bilang aswang' ano? Sino magsasbi ng ganun?"

Tumalikod ako, kasi hindi ko na napigilang umiyak. Bumalik ako sa sala. Kinuha ang walis at muling naglinis.

Okay na ko. at least ngayon, alam ko na. Sabi ko sa sarili ko

Hindi ko alam kung ba't naniniwala ako kay Tibursyo, basta naramdaman ko lang na nagsasbi siya ng totoo.

"Kelan mo pa to nalaman? Ba't di mo manlang sila pinigilan? O ba't di mo sakin sinabi agad?" sabi ko habang naglilinis. Iniiwasan kong makita niya ang pagluha ko.

"Tinulungan nga kita maghanap diba?" lumapit din siya sa sala.

"Ewan ko, hindi ko naman alam pinag gagawa mo sa buhay mo." Hindi ko parin siya tinitingnan.

"Heto na nga sinasabi ko na nga. Tinulungan kita maghanap at nagkataon na una ko silang natagpuan. Pero nung natagpuan ko sila, may buhay pa sila kahit mahina na."

"Ba't di mo agad sinabi sakin?" humarap na ko sakanya.

"Dahil yun ang gusto nila."

"Dakilang uto-uto ka pala e. Edi sana buhay pa sila ngayon." nainis nanaman ako sakanya.

"At yun ba ang gusto nila?"

"Pero yun ang tama!"

"Ano namang konsepto mo ng tama at mali, gantong aswang tayo?"

"Paano ka ba pinalaki at hindi mo alam ang tama at mali?"

"Lumaki akong dala-dala ang katotohanang parte ng buhay natin ang pagiging mali. Kahit anong gawin natin, mali. Habang nabubuhay tayo, lagi tayong mali."

"Pinatay nila ang sarili nila! Tama ba yun!!!!" sinisigawan ko na siya.

"Ano bang mali kung ayaw na nilang maging aswang? Muhing-muhi na sila sa pagiging aswang nila. Ayaw na nila sa pagiging halimaw. Naiintindihan mo ba yung ganung pakiramdam?" mahinahon pa rin siya.

"Alam ko yun. Alam na alam. Pero mga magulang ko sila. Sana kung totoong gusto mo kong maging kaibigan. Alam mong protektahan ang mga bagay na sobrang mahalaga sakin." mahinahon na ko.

"Satingin mo ba hindi ko sila kinumbinsing wag yun ituloy? Pero kung ikaw na anak nila hindi na sila mabigyan ng motibasyong mabuhay pa ng matagal-tagal, lalo na siguro ako. Walang kwenta lang sakanila ang lahat ng sasabihin ko."

"Hinintay mo talaga munang mamatay sila bago mo sila ituro sakin. Panu ko pagkakatiwalaan ang ganung klaseng kaibigan?" pagtatampo ko.

"Sorry, pero sinunod ko lang ang gusto ng mga magulang mo."

Tumahimik ako sandali. Tapos ay muling nagsalita, "Iwan mo muna ko."

"Marami pa kong ikwekwento sayo."

"Sabi ko iwan mo muna ko." sinusubukan kong maging mahinahon.

"Sige, next time ko nalang ikwekwento." Kaswal niyang sabi na para bang wala siyang nagawang mali. Lumabas siya ng bahay.

Naiwan akong mag-isa. Akala ko tapos na kong umiyak, pero ayun nanaman ako. Walang humpay sa kakaiyak dahil sa panibagong kaalaman tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko.

At hanggang gabi, nakatulog akong umiiyak.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon