Info Overload

307 10 0
                                        

Makalipas ang isang linggo ng komprontasyon namin ni Inay, isang balita nanaman ang kumalat sa barangay namin.

Dalawang tao nanaman ang natagpuang patay. Katulad nung mga nauna, wala na silang mga lamang-loob at gulagulanit ang dibdib at tiyan.

Ang mga taong nung una'y nagdududa na gawa ito ng aswang, ngayon naniniwala na. Limang katao na ang natatagpuang karumaldumal ang sinapit na pagkawasak ng katawan, sino pa bang magaakila na hindi aswang ang may gawa nito. 

Maraming tao ang napa-sign of the cross ng marinig muli ang balitang ito. Yung iba, nagtakbuhan pa sa kalapit na simbahan nila ng Quiapo.

Ako, balisa nanaman at hindi mapalagay. Naghahalong kaba at galit. Kaba dahil katulad ko ang may gawa nito at  baka mapagbintangan ako; galit dahil ang mga magaulang ko na nagturo sakin ng tama ang lumilihis sa mga itinuro nila sakin.

Patakbo akong bumalik sa bahay pagkatapos marinig ang balitang yun.. Malakas ang loob kong pigilan na sina Inay sa ginagawa nilang pagsalakay. Hindi na ako takot sa ano mang sampal o kahit anong klaseng pananakit na maaring ibigay nila sakin. Basta pipigilan ko sila. Magmamakaawa akong wag na nilang gawin ang bagay na yun. Makuntento nalang ulit sila sa mga hayop.

Pagbukas ko palang ng pinto, bumungad na sakin sina Inay at Tatay na waring may importanteng pinag-uusapan.

"Corazon, humanda ka. Lilikas tayo." sabi ni Inay.

Si Tatay nakatingin lang sakin.

"Ayan, gagawa kayo ng karumaldumal, tapos lilikas-likas tayo?" Matigas kong sabi.

Dinuro ako ni Tatay at sinenyasang sumunod sa sinasabi ni Inay.

Nagtaka ako kung ba't hindi manlang ako pinagalitan ni Tatay at idinaan sa senyas ang gusto  niyang ipagawa sakin.

"Hindi mo naiintindihan. Sumunod ka nalang samin," hinawakan ni Inay ang braso ko.

"Inay, ano ba. Hindi ako sasama! Hindi tayo aalis." inalis ko ang pagkakahawak ni Inay sa braso ko.

Tumingin sakin si Tatay at pagkatapos ay lumapit sakin. Siya naman ang humawak sa braso ko. At muling sumenyas-senyas.

Nagtaka na ko. Ano bang problema ni Tatay at kanina pa siya senyas ng senyas? Ba't hindi siya nagsasalita?

Habang nagtataka ako sa inaakto ni Tatay, napansin ko ang itsura ng bahay namin. Teka, nasan na ang mga gamit namin? Walang laman yung mga tukador; walang sapin ang mga upuan; walang tv, ay teka wala pala talaga kaming tv nun; basta nawala yung mga personal naming gamit. At kahit hindi ko silipin ang mga kwarto namin, alam kong nailigpit na din ang mga gamit duon.

Nanlamig ang buong katawan ko. Alam kong desidido na ang mga magulang ko sa plano naming paglikas sa lugar na kinalakihan ko. Alam kong hindi ko sila mapipigilan.

Ayoko. Ayokong umalis sa lugar na yun. Kung desidido silang umalis, pwes sila nalang ang umalis. Yun ang matigas na tinig sa loob ng nanlalamig kong katawan at nabasa ni Inay ang tinig na yun sa loob ko.

"Corazon!!!!" boses leon nanaman si Inay.

"Inay! Hindi ako sasama!" pagmamatigas ko ngunit naluluha na ang mga mata ko.

Lumapit sakin si Inay at hinawakan ako sa balikat. Sinusubukan niyang ipaunawa sakin ang sitwasyon, "Maya-maya lang kakalat na sa buong barangay na aswang ang pamilya natin. Kailangan na natin makalayo. May nakakita sa Tatay mo kagabi ng magbagong anyo ---"

"Kung hindi kayo lumamon ng tao, hindi natin to pagdadaanan! Hindi Inay!! Hindi ako sasama!!"  pagmamatigas ko pa rin.

Si Tatay panay lang ang senyas kahit damang dama kong naiinis na din siya sakin.

"Hindi kami ang kumakain ng tao dito!! Merong ibang aswang sa lugar natin Corazon!! Ganyan ka na ba mag-isip samin ng iyong Ama??!!" sabi ni Inay.

Napatigil ako sa naisip kong isasagot ko sana. Tama ba ang narinig ko? May ibang aswang? Hindi lang kami ang aswang dito? Sino sila? Bigla akong na-excite. Gusto ko sila makilala. Gusto ko sila makita. Sa unang pagkakataon sa loob ng labing walong taong pagkabuhay ko bilang aswang, makakakita ako ng ka-uri ko bukod kay Inay at Tatay.

Na-excite nanaman ako sa bagong nalaman ko. Nasan sila? Sino sila?

Muling nagsalita si Inay, "Nanganganib na tayo anak.. aalis na tayo."

Sumenyas ulit si Tatay na waring sinasbing tara na!

"Pero kung hindi naman kayo ang salarin, huwag na tayong lumayo.." waring nagmamakaawa ako.

Bukod kasi sa gusto ko makilala ang mga aswang na yun. Naiisip ko sina Nica, Dora at Dario.. Hindi ko kayang malayo sakanila. Hindi ko kakayaning mawala sila. Nung mga panahon na yun, alam kong hindi ko kakayanin ang mawala sila sa buhay ko.

Sumagot si Inay,"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? May nakakita sa Tatay mo na nagbagong anyo."

"Kaya naman niyang gamitan ng hininga niya yung taong yun, hindi ba? Sa isang iglap makakalimutan ng taong yun ang nakita niya.." giit ko.

Sumenyas nanaman si Tatay.

Nainis na ko, "Tay, ano bang problema? Ba't di ka nagsasalita?"

Si Inay ang sumagot, "Nagagamit lang natin ang ganung abilidad ng isang bes, twing hindi magsasalita ang aswang sa loob ng isang oras."

Inunawa ko ang sinabi ni Inay.

Kaya pala. Kung ganun, kapag nagsalita si Tatay, babalik nanaman siya sa pag-antay ng isang oras para magamit ang abilidad na yun. Hindi pala madaling gamitin ang ganung abilidad. Hindi pwedeng gamitin ng biglaan. Dapat pinaghahandaan. Ang hirap naman ng isangoras kang hindi magsasalita.

Pero ako, muntik ng maging hustler dun, kung hindi ko siguro naging kaibigan ang tatlong magkakapatid, ako na ang pinakamagaling sa ganung abilidad.

At ganun pa man, hindi pa rin nabago nina Inay ang desisyon ko. 

Ayoko. Hindi ako aalis sa lugar na to.

"Tay, ituloy mo lang yan. Wag kang magsalita. Gamitin natin yan dun sa nakakita sayo," sabi ko kay Tatay at nanalangin akong sana'y pumayag siya.

Umiling si Tatay.

"Hindi yun ang plano natin Corazon. Hindi na rin magandang manatili tayo dito kasama ang mga ganung klaseng aswang. Hihimukin nila tayong kumain  din ng tao. Maaring pilitin pa nila tayo." si Inay ang sumagot para kay Tatay.

"Pero Inay... Ano ba talagang kakalagyan natin? Lumalayo tayo sa tao at lumalayo din tayo sa kapwa natin aswang. Ano ba talagang gusto niyong mangyari?" muli kong reklamo.

"Para sa ikabubuti mo ang ginagawa namin ng iyong ama!!" nagboses leon nanaman si Inay.

"At yun ba talaga ang nangyayari?" sagot ko.

"Hindi nangyayari dahil hindi ka marunong sumunod." nanlilisik na ang mata ni Inay kasabay ang tunog leon niyang boses.

"Kahit gaano niyo subukang kontrolin ang lahat, hindi niyo maiaalis ang reyalidad na mangyayari ang mga bagay na hindi kasama sa plano niyo." yan ang aral na natutunan ko sa pag-obserba sa buhay nila Inay.

"Lapastangan!!!!!!" nagsalita si Tatay boses tigre at mas malakas kesa sa boses ni Inay. Nagsalita na siya. Hindi niya napigilan. Hindi na siya nakapgtimpi sa katigasan ng ulo ng kanilang nagmamarunong na anak.

Magsasalita pa sana si Tatay pero may biglang kumatok ng malakas sa pinto namin.

Katok na parang gusto gibain ang pinto ng aming bahay.

O ayan, masyado ka ng maraming nalalaman. Pero ganun pa man, itutuloy ko pa rin ang aking istorya.

Aswang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon